P56-M SHABU NASABAT SA BALIKBAYAN BOXES

TINATAYANG mahigit P56 milyong halaga ng methamphetamine hydrochloride o shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency, Bureau of Customs, at Manila International Container Port mula sa sinuring kahina-hinalang balikbayan boxes. Sinasabing nagmula sa Thailand ang mga kontrabando na nakasilid sa misdeclared balikbayan boxes, na idineklara bilang household items, sapatos, at motorcycle parts. Subalit nang suriin ng BOC ang mga bagahe at isalang sa X-ray scanners ay tumambad sa mga operatiba ang plastic pouches na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakatago sa loob ng dalawang electric fans,…

Read More

HVI NABITAG SA P340K SHABU

CAVITE – Tinatayang halos kalahating milyong pisong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa arestadong hinihinalang tulak sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City noong Miyerkoles ng gabi. Nakakulong na sa Imus City Custodial Facility ang suspek na si alyas “James” matapos maaresto sa inilatag na buy-bust operation. Ayon sa ulat, bandang alas-9:30 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Drugs Enforcement Unit (PDEU) ng Cavite Police Provincial Office (PPO) at Imus City Police Station sa Brgy. Carsadang Bago 2, Imus City na nagresulta…

Read More

800 LGBTQIA SA QUEZON TUMANGGAP NG AYUDA

TUMANGGAP ng tulong pinansyal ang daan-daang residente ng Bondoc Peninsula sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Miyerkoles, sa programa na isinagawa sa bayan ng General Luna. Ang 784 na benepisyaryo ay mga miyembro ng grupong lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, at asexual (LGBTQIA+) na bawat isa ay tumanggap ng P3,000. Ang Bondoc Peninsula, siyang 3rd District ng Quezon, ay binubuo ng 12 bayan. Ang pamamahagi ng tulong pinansyal ay pinangunahan ni Rep. Anna Villaraza-Suarez ng…

Read More

BULAKENYO INALERTO KONTRA HIV, AIDS

LUNGSOD NG MALOLOS – Ginunita ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang International AIDS Candlelight Memorial sa The Pavilion sa Hiyas ng Bulacan Convention Center sa Malolos, sa pamamagitan ng pagtataas ng kamalayan at paghihikayat ng suporta sa paglaban sa HIV at AIDS noong Lunes, Mayo 6. Isang mensahe ng pagkakaisa ang ibinigay ni Provincial Health Officer Annie Balingit mula sa Provincial Health Office – Public Health sa ginanap na Lingguhang Pagtataas ng Watawat, kung saan iprinesenta ang simbolikong pulang laso na sagisag ng patuloy na laban sa HIV at AIDS.…

Read More

6-DOOR APARTMENT NILAMON NG APOY SA LUCENA CITY

LUCENA CITY – Tinupok ng apoy ang isang 6-door apartment nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa lungsod, mag-aalas-6:00 ng gabi noong Martes. Ayon sa report ng Bureau of Fire Protection – Lucena, nagsimula ang apoy sa isang pinto ng apartment na pag-aari ni Genina Palillo at inookupa ng tenant na si Melody Cueto Alcala, sa Ibarra St., Barangay 1, dakong alas-5:56 ng hapon at mabilis na kumalat sa katabing mga istruktura. Agad namang nagresponde ang mga pamatay sunog ng Lucena City BFP at itinaas sa ikalawang alarma…

Read More

PULIS PATAY SA AKSIDENTE SA MOTORSIKLO

CEBU – Patay ang isang pulis sa aksidente sa motorsiklo sa national highway sa bayan ng Sibonga sa lalawigan, noong Martes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Patrolman John Anthony Quintao, nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion. Ayon sa report, binabaybay ng pulis ang national highway nang sumalpok ito sa likuran ng nakaparadang trailer truck. Malubhang napinsala ang katawan ng biktima na agad dinala sa Carcar District Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival ng doktor. Ayon sa mga imbestigador ng Sibonga Police, nakaparada ang truck sa bandang gilid ng…

Read More

MANGGAGAWA LAKAS NG BANSA, PUSO NG EKONOMIYA – NOGRALES

PINANGUNAHAN ni Rizal, 4th District Rep. Fidel Nograles ang pamimigay ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged (TUPAD) sa mga manggagawa ng Montalban ng nasabing lalawigan kamakailan. Ayon kay Rep. Nograles, “Bilang pakikiisa sa lahat ng ating magiting na mga manggagawa sa pagdiriwang ng ika-122 anibersaryo ng Labor Day, ay nagbigay po tayo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged (TUPAD) sa mga kapos-palad natin na manggagawa”. Sinabi pa niya na mahalaga ang tungkulin at ambag ng mga manggagawang Pilipino upang itaguyod ang kani-kanilang pamilya, maging ang ating ekonomiya. Dagdag pa ng…

Read More

PANGHIHIPO NI TSERMAN INIREKLAMO NG TANOD

CAVITE – Inireklamo ng isang barangay tanod ang kanilang barangay chairman makaraang umano’y pisilin ang puwet, hinalikan sa labi at hinawakan ang ari sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigan noong Lunes ng hapon. Personal na dumulog sa tanggapan ng pulisya ang biktima na si alyas “Darwin” upang ireklamo si alyas “Kap”. Ayon sa reklamo ni Darwin, ipinatawag umano siya ni Kap upang pag-usapan ang ilang bagay hinggil sa kanyang trabaho bilang isang barangay tanod bandang ala-1:30 ng hapon. Pagdating ng biktima sa kanilang Barangay Hall, hinawakan umano…

Read More

2 PASAWAY SA KALSADA HULI SA BARIL, GRANADA

CAVITE – Dahil sa pagiging pasaway sa kalsada, inaresto ang dalawang kalalakihan na sakay ng isang tricycle makaraang makumpiskahan ng baril at granada sa Trece Martires City noong Lunes ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9516 (Illegal Possession of Firearms and Explosives) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang mga suspek na sina alyas “Crisanto” at “Carlos”. Ayon sa ulat, nagpapatrolya ang mga operatiba ng Trece Martires City Police at Bantay Bayan ng Brgy. De Ocampo, nang napansin ang isang asul na tricycle habang binabagtas…

Read More