SUNDALO NAGPALAMIG SA ILOG, NALUNOD

RIZAL – Isang miyembro ng Philippine Army ang nalunod sa ilog sa Brgy. Daraitan, sa bayan ng Tanay sa lalawigan noong Linggo ng hapon. Kinilala ng biktimang si Pvt. James Tacuyan, 27, tubong Iloilo at residente ng San Jose Del Monte City, Bulacan. Ayon sa report ng Tanay Police, base sa pahayag ng dalawang kasama nito na sina Pvt. Nelson Sales, at Pvt. Marlou Vigo, nakita na lamang nila na pinagkakaguluhan ng iba pang mga nagpi-picnic sa Daraitan river, ang biktima habang ito ay walang malay na nakahandusay at hinihinalang…

Read More

LALAKI PINASOK SA BAHAY, PINATAY

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa pagkamatay ng isang 49-anyos na lalaki na natagpuang walang buhay at may tama ng bala sa katawan, sa kanilang bahay sa bayan ng Naic sa lalawigan noong Linggo ng gabi. Kinilala ang biktimang si alyas “Alvin”, ng Brgy. Ibayo, Estacion, Naic, Cavite. Ayon sa salaysay ng isang saksi, panay ang tahol ng isang aso sa bahay ng biktima kaya pinuntahan nito at binuksan ang kanilang bahay subalit tumambad sa kanya ang wala nang buhay na si Alvin bandang alas-4:30 ng…

Read More

Asawa’t anak sugatan PASTOR PATAY SA AKSIDENTE SA MOTORSIKLO

RIZAL – Patay ang isang 59-anyos na pastor habang sugatan din ang angkas niyang misis at kanilang 2-anyos na anak na paslit, nang maaksidente at sinasakyan nilang motorsiklo sa Brgy. Inarawan, Antipolo City noong Linggo ng umaga. Kinilala ang namatay na biktimang si Caesar Cabiles, residente ng Brgy. Pinugay, Baras, Rizal; isang Doctorate of Ministry pastor ng Born Again Christian group na Jesus Our Rock and Hope Church. Nasugatan naman ang misis nito na si Arlene Cabiles, 49, at ang kanilang paslit na anak. Ayon sa report ng Antipolo Police,…

Read More

ABANDONADONG ESKWELAHAN SA IMUS CITY, NINAKAWAN

CAVITE – Nilimas ng isang lalaki ang ilang computer set ng isang abandonadong eskuwelahan sa Imus City noong Sabado ng gabi. Subalit nabigo naman ang suspek na si alyas “Juanito” na maiuwi ang nasabing mga computer set dahil may mga mata na nakamanman sa kanya sa kanyang pagtakas. Ayon sa ulat, bandang alas-12: 30 ng hapon nang puwersahang pasukin ng suspek ang School of Montessori Professional College sa Brgy. Bayan Luma VII, Imus City, sa pamamagitan ng puwersahang pagsira ng padlock nito sa labas. Nang makapasok, pinutol nito ang mga…

Read More

2 NPA LEADERS NAPATAY NG MILITAR SA ILOILO

PATAY sa sagupaan ang dalawang sinasabing mga lider ng Communist Terrorist group-New People’s Army kasunod ng combat operation na inilunsad ng military sa lalawigan ng Iloilo. Sa isinumiteng ulat na nakarating sa tanggapan ni Philippine Army chief Lt. General Roy Galido mula sa Army 61st Infantry Battalion, kinilala ang mga napaslang na sina Nahum Camariosa at alyas “Junjun” at “Cedrick”. Si Camariosa, alyas “Rodel” at “Bebong”, ay isang mataas na pinuno ng NPA Southern Front Committee sa Panay Island. Una rito, napatay ng mga sundalo ng 61st IB ang isa…

Read More

2 MAGSASAKA PATAY SA PAMAMARIL SA QUEZON

QUEZON – Kapwa patay ang dalawang magsasaka sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa mga bayan ng Sariaya at Tiaong sa lalawigang ito. Unang napatay ang biktimang si alyas “Reynaldo”, 50-anyos, residente ng Lutucan Malabag, sa Sariaya, matapos na barilin ng hindi kilalang suspek habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay dakong alas-7:40 noong Biyernes ng gabi. Hindi na ito nadala sa ospital at nalagutan ng hininga sa pinangyarihan ng insidente dahil sa mga tama ng bala sa katawan. Hindi pa batid ng pulisya ang motibo sa krimen ng suspek na…

Read More

CHINESE IKINULONG SA UTANG SA SUGAL, NA-RESCUE

RIZAL – Isang lalaking Chinese national na ikinulong ng halos isang buwan ng hindi kilalang mga suspek dahil sa utang sa sugal, ang nasagip makaraang abandonahin sa Brgy. Macabud, sa bayan ng Rodriguez sa lalawigan, noong Huwebes ng umaga. Ayon sa report ng Rodriguez Police, nakita ng mga residente ang nanghihinang biktima na inabandona habang nakahandusay sa gilid ng Macabud Road, Sitio Calumpit, sa naturang barangay. Agad itong isinugod ng mga awtoridad sa Casimiro Ynares Hospital para malapatan ng lunas. Kinilala ang biktimang si An Hai Yang, 45-anyos, nakatira sa…

Read More

QUARRY OPERATIONS SA QUEZON HINILING IPATIGIL

NANAWAGAN ang iba’t ibang grupo na itigil ang mga aktibidad ng quarrying sa bayan Sariaya sa lalawigan ng Quezon, partikular sa paanan ng Mt. Banahaw, na ayon sa mga ito ay isinasagawa nang walang pakundangan sa epekto nito sa kalikasan. Nagsimula ang protesta sa harap ng St. Francis of Assisi Parish Church, kung saan ang mga nagpoprotesta ay humiling ng permanenteng pagtigil o kanselasyon ng operasyon ng mga quarrying na sumisira umano sa maganda at ecology rich na mga kagubatan ng nasabing bayan, at nagdudulot din ng panganib at kahirapan…

Read More

LALAKI, BINISTAY NG BALA SA CAVITE

CAVITE – Patay ang isang 40-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa Bacoor City noong Huwebes ng hapon. Dead on the spot ang biktimang si alyas “Manuel”, nakasuot ng itim na pantalon, asul na sapatos, brown t-shirt, at residente ng Brgy. Molino 2, Bacoor City, Cavite. Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag ang Bacoor Component City Police hinggil sa insidente ng pamamaril sa Molino 3, Bacoor City, Cavite dakong alas-5:40 ng hapon. Agad nagresponde ang mga pulis ngunit naabutang wala nang buhay ang biktima na may tatlong…

Read More