Sa Bulacan, Pampanga at Olongapo City P1.3-B HAHABULIN NG SSS SA DELINQUENT EMPLOYERS

TINATAYANG mahigit P1.3-billion ang hahabulin ng Social Security System (SSS) Luzon Central 2 Division mula sa mga delinquent employer sa mga lugar ng Bulacan, Pampanga, at Olongapo City, na nararapat makuhang benepisyo ng nasa 156,750 empleyado kaugnay ng pinaigting na Run After Contribution Evaders (RACE) campaign ng ahensiya ngayong taon. Sinabi ni SSS Vice President for Luzon Central 2 Division Gloria Corazon Andrada, ang pinaigting na operasyon ng RACE ngayong taon ay isasagawa isang beses sa isang buwan upang matiyak na natutugunan ng mga employer ang kanilang mga obligasyon sa…

Read More

P146.2-M ILLEGAL DRUGS NASAMSAM SA ZAMBOANGA

TINATAYANG P146.2 milyong halaga ng illegal drugs ang nakumpiska ng mga operatiba ng pamahalaan sa isang operasyon sa Zamboanga City noong Huwebes ng gabi. Ang operasyon ay isinagawa ng magkasanib na pwersa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency 9 o PDEA-9, CIDG, at ng Zamboanga City Police Office. Ayon sa PDEA, umabot sa 21 kilos ang timbang ng nakumpiskang illegal drugs mula sa apat na mga suspek sa isinagawang entrapment operation sa Barangay Mampang. Ayon sa mga awtoridad, ito ang pinakamalaking bulto ng drugs na nasamsam sa isang…

Read More

LIVE FIRE EXERCISES TAMPOK SA BALIKATAN

ISA sa naging tampok sa ginaganap na Balikatan 39-2024 iteration ang matagumpay na live fire exercises ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Marine Corps (PMC) at United States Marine Corps (USMC) sa Campong Ulay, isang coastal town sa Rizal, Palawan. Ipinakita ng joint marines forces ang kakayahan ng High Mobility Artillery Rocket System (HIMARS) at iba pang key assets sa isinagawang simulated coastal defense scenario. Sinimulan ang pagsasanay sa pagpapaputok ng HIMARS tungo sa direksyon ng ilang mock targets sa West Philippine Sea (WPS). “The precision and long-range hitting capabilities…

Read More

40 KASAPI NG CPP-NPA NA-NEYUTRALISA NG MILITAR

UMABOT sa 40 kasapi ng Communist New People’s Army ang na-neyutralisa ng Armed Forces of the Philippine sa Visayas Region nito lamang nakalipas na buwan ng Abril bunsod nang walang humpay na focused military operations ng Visayas Command (VISCOM). Ayon kay VISCOM commander, Lt. Gen. Fernando M. Reyeg, simula noong unang araw ng Abril hanggang katapusan ng buwan ay umaabot sa 40 NPA terrorists ang kanilang na-neyutralisa, 22 rito ang nadakip, 16 naman ang nagpasyang sumuko habang may dalawang NPA ang napatay sa gitna ng sagupaan. Sa nasabing bilang, 28…

Read More

DOLE, PESO JOB FAIR NAGBUKAS NG 10K TRABAHO SA BULACAN

KASABAY ng pagdiriwang ng Labor Day, umabot sa 10,648 trabaho ang binuksan para sa job seekers sa ginanap na simultaneous job fair sa SM malls sa Bulacan noong Miyerkoles, Mayo 1, 2024. Dinagsa ng job seekers ang SM City Marilao na naghandog ng 3,614 job openings mula sa iba’t ibang kumpanya sa probinsya. Nasa 7,034 jobs ang binuksan naman sa SM City San Jose Del Monte sa Barang Tungkong-Mangga. Ang nasabing job fair ay inorganisa sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment Region III (DOLE-R3), kasama ang Provincial Public…

Read More

NIGERIAN NASAKOTE SA HIT AND RUN

HINDI nakaporma ang isang Nigerian national na suspek sa insidente ng hit and run, nang makorner matapos na tinangkang tumakas ngunit nadakip ng nagrespondeng mobile patrol sa Gen. Trias City sa lalawigan noong Miyerkoles ng hapon. Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property at paglabag sa RA 4136 (driving without license), ang suspek na si alyas “Chibuike”, isang Nigerian national. Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag ang mobile patrol ng General Trias City Police hinggil sa isang pulang Hyundai Accent na may plakang UIR 562, na minamaneho…

Read More

P.5-M ALAHAS NATANGAY NG AKYAT-BAHAY

CAVITE – Pinaghahanap ng pulisya ang isang hinihinalang akyat-bahay na tumangay ng tinatayang mahigit sa kalahating milyong pisong halaga ng mga alahas sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Martes ng madaling araw. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek na tumakas bitbit ang tinatayang P500,000 halaga ng mga alahas at relos. Ayon sa ulat, bandang alas-3:30 ng madaling araw nang pasukin ng suspek ang isang bahay sa Brgy. Lumil, Silang, Cavite sa likurang bahagi nang makalimutang i-lock ng may-ari ang salamin ng bintana. Nagsasagawa ang mga awtoridad ng ng backtracking…

Read More

NAGTALO SA RELIHIYON, KAINUMAN GINILITAN

DAVAO CITY – Patay ang isang lalaki makaraang saksakin at gilitan ng kainuman nang magtalo dahil sa relihiyon sa Campo 3, Brgy. Talomo River, Calinan District sa lungsod noong Miyerkoles ng madaling araw. Ayon sa report ng Davao City police Office, kinilala ang biktimang si “Michael”, 39, laborer, umano’y ginilitan sa leeg ng suspek na si alyas “Joselito”, 23, isang mini supermarket employee. Nabatid sa imbestigasyon, pasado ala-una na ng madaling araw, kapwa na lasing ang dalawa nang insultuhin umano ng biktima ang relihiyon ng suspek Nagresulta ito sa pagtatalo…

Read More

64-ANYOS LOLA HINALAY, PINATAY NG BINATILYO

LAGUNA – Patay ang isang 64-anyos na lola matapos halayin at bugbugin umano ng isang binatilyo sa Brgy. San Marcos, San Pablo City. Kinilala ang biktimang si “Lola Emilia”, taga Brgy. Sta. Maria Magdalena, San Pablo City, natagpuang walang pang-ibabang saplot habang nakabulagta sa tabi ng puno ng saging. Halos nakahubad na rin ang pang-itaas na damit nito. Ayon sa isang testigo, dakong alas-8:00 noong Linggo ng gabi nang makarinig siya ng ingay na nagmumula sa hindi kalayuan sa kanilang barracks sa kanyang pinagtatrabahuhang construction site. Nang kanyang tingnan, nakita…

Read More