2 BUROL SA CHOCOLATE HILLS, NASUNOG

BOHOL – Nilamon ng apoy ang malaking bahagi ng dalawa sa mga burol ng sikat na Chocolate Hills, na sakop ng bayan ng Carmen sa lalawigan noong Martes ng gabi. Ayon sa inisyal na ulat, sumiklab ang sunog pasado alas-10:00 ng gabi. Agad namang nagresponde ang mga miyembro ng BFP at pinagtulung- tulungang apulain ang apoy sa tuktok ng mga burol. Subalit dahil sa may kataasan ang lugar, nahirapan ang mga bumbero na maabot ito at apulain ang apoy kaya ganap na nasunog ang dalawa sa mga burol ng nasabing…

Read More

2 NALIBING SA HINUHUKAY NA DEEPWELL SA QUEZON

QUEZON – Dalawa katao ang nalibing nang buhay sa kanilang hinuhukay na gagawing balon sa Barangay Biyan, sa bayan ng Calauag sa lalawigan noong Martes ng hapon. Ayon sa report ng Calauag Police, nasa 13 feet na ang nahuhukay ng apat na trabahador nang bigla na lamang gumuho ang gilid ng lupa sa parisukat na hukay na may luwang na 6 feet, dakong alas-5:45 ng hapon. Bunsod nito, natabunan ng lupa ang apat na mga trabahador. Kaagad namang nasaklolohan ang dalawa sa mga trabahador na sina Ulpiano Valencia Cantara, 69,…

Read More

RIVER DREDGING ISASAGAWA KONTRA BAHA SA BULACAN

SISIMULAN ngayong buwan ng Mayo ang pagpapatupad ng river dredging and restoration program sa pangunguna ni Governor Daniel Fernando, upang kontrolin ang suliranin sa pagbaha at panumbalikin ang mga ilog sa lalawigan ng Bulacan. Ito ang ibinahagi ng gobernador matapos isagawa ang briefing hinggil sa pagpapatupad ng province-wide flood control and river restoration program na dinaluhan ng mga kongresista sa bawat distrito, mga alkalde, konsehal ng bayan at mga kapitan ng barangay, sa Edsa Shangrila Hotel sa Ortigas Center, Mandaluyong City nitong Lunes, Abril 29. Naroon din si Bise Gob.…

Read More

MASTERMIND SA DJ JOHNNY WALKER SLAY CASE, TARGET PA NG PNP

TARGET ng Philippine National Police na matukoy at madakip ang pinaka-mastermind sa pagpatay sa radio brodkaster na si Juan Jumalon aka “Dj Johnny Walker” matapos na madakip ng mga awtoridad ang gunman sa asasinasyon. Ito ang dahilan, ayon kay PNP-Public Information Office (PNP-PIO) chief, PCol. Jean Fajardo, kung bakit hindi pa nila kinokonsiderang case closed ang kaso ng pagpaslang kay Jumanoy kahit nadakip na ang triggerman. Kamakalawa ng umaga ay nadakip ang ikatlong suspek na si Julito Mangumpit na siya ring primary gunman sa pagpatay kay Jumalon. Ayon kay PCol.…

Read More

SUB-LEADER NG TERROR GROUP, 4 PA PATAY SA SAGUPAAN

DEAD on the spot ang isang Daulah Islamiyah-Maute Group (DI-MG) sub-leader at apat na mga tauhan nito matapos ang sunod-sunod na sagupaan nang matunton ng mga tauhan ni Maj. General Gabriel Viray ng AFP Ist Infantry Tabak Division, nitong Lunes sa Lanao del Norte. Ayon kay Maj. Gen Viray, habang nagsasagawa ng decisive military operations ang tropa ng 103rd Infantry Brigade, nasabat nila ang 12 kasapi ng DI-MG na nasa pamumuno ni Nasser Daud, a.k.a. “Mahater/Ustads Nasser/Mas’Od”, sa Barangay Cadayonan, Munai, Lanao del Norte. Ang serye ng habulan at sagupaan…

Read More

NALIGO SA ILOG, 13-ANYOS NALUNOD

CAVITE – Nalunod ang isang 13-anyos na binatilyo nang maligo sa malalim na bahagi ng ilog sa bayan ng Tanza sa lalawigan noong Linggo ng hapon. Ang biktima ay isang 13-anyos na estudyanteng residente ng Tanza, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon nang yayain ang biktima ng mga kaibigan nito na maligo sa ilog sa Brgy. Bunga, Tanza, Cavite. Pagdating sa lugar, agad umanong tumalon ang biktima ngunit napadako sa malalim na bahagi ng ilog hanggang sa hindi na ito lumutang. Nagtulong-tulong ang mga kaibigan nito na hanapin…

Read More

SERBIAN DRUG SUSPECT TIMBOG SA ANGELES CITY

ARESTADO sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Serbian national na wanted ng federal authorities sa US dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga, sa isinagawang operasyon sa Angeles City, Pampanga. Ayon sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, kinilala ng fugitive search unit (FSU) ng BI, ang pugante na si Predrag Mirkovic, 60-anyos, naaresto noong Abril 25 sa isang bar sa Angeles City. Si Mirkovic Ay inaresto sa bisa ng isang mission order mula kay Tansingco sa kahilingan ng gobyerno ng Estados Unidos na nagpaalam sa…

Read More

OBRERO PATAY SA ONSEHAN SA DROGA

CAVITE – Hinihinalang onsehan sa droga ang motibo sa pagpatay sa isang construction worker na binaril noong Linggo ng hapon sa DasmariΓ±as City. Kinilala ang biktimang isang 27-anyos na lalaking residente ng Brgy. Emmanuel Bergado 1, DasmariΓ±as City, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek na tumakas matapos ang pamamaril. Una rito, tinawagan umano ng suspek ang biktima para magkita sila Blk. 17 Extension, Brgy. Emmanuel Bergado 1, dakong alas-4:20 ng hapon. Nag-usap umano ang dalawa ngunit makaraan ang ilang minuto ay pinaputukan ng suspek ang biktima na agad nitong…

Read More

CHINESE INIWAN NG KIDNAPPERS SA FASTFOOD RESTAURANT

CAVITE – Nakikipag-ugnayan ang Cavite Police sa Land Transportation Office (LTO) hinggil sa isang sasakyan na ginamit ng hinihinalang kidnappers na iniwan ang biktimang isang Chinese national sa isang fastfood restaurant makaraang magbayad umano ng ransom ang pamilya, sa Imus City noong Linggo ng gabi. Ang sasakyan na ginamit ng hinihinalang mga kidnapper sa biktimang si Zhang Yang, 38, ay isang Maroon na Toyota Vios na may plakang NBQ 3151. Ayon sa ulat, dakong alas-11:45 ng gabi nang narekober ng Anti-Kidnapping Group (AKG) Luzon Field Unit, at Imus City Police…

Read More