PINANGUNAHAN ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang pagbubukas ng “Eksibit sa mga Katutubong Pamayanan” kasama si G. Arthur Casanova, PhD, Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino(KWK), at mga katutubong Remondata at Ata sa Senado nitong Lunes, April 29. Tampok ang mga Wikang Hatang Kaye at Inata sa Eksibit. (DANNY BACOLOD) 413
Read MoreCategory: PROBINSIYA
PAGPATAY SA ESTUDYANTE SA CEBU KINONDENA
KINONDENA ng dalawang senador ang insidente ng pagpatay sa 14-anyos na estudyante na pinagbabaril habang nag-aaral sa loob ng kanilang bahay sa Talisay City, Cebu. Sinabi ni Senate Committee on Basic Education Chairman Sherwin Gatchalian, walang puwang sa mundo ang ganitong uri ng karahasan. “I condemn it in the strongest terms and urge our law enforcers to ensure those responsible are swiftly brought to justice,” pahayag ni Gatchalian. Kasabay nito, nagpahayag ng pakikisimpatiya ang senador sa pamilya ng biktima at nakikiisa sa Department of Education sa panawagan para sa hustisya…
Read MoreQUARRY SA SARIAYA PINATITIGIL NI GOV. TAN
PINATITIGIL ni Quezon Governor Doktora Helen Tan ang lahat ng quarry operations sa bayan ng Sariaya, Quezon. Ayon kay Governor Tan, nakarating sa kanya ang panawagan ni Sariaya Mayor Marcelo Gayeta na hinihikayat ang mga residente ng bayan na tutulan ang operasyon ng quarry o pagmimina rito. Kasabay nito, hinikayat din ni Gov. Tan si Mayor Gayeta na pag-aralan ang mga binigay na business permit sa mga Provincial Mining Regulatory Board (PMRB) Quarry Permittee para bigyang daan ang komprehensibong pag-aaral para sa wastong pangangalaga ng kalikasan at paglinang ng likas…
Read MoreKOTSE SUMALPOK SA CENTER ISLAND, MAG-UTOL DEDBOL
AGUSAN DEL NORTE – Patay ang magkapatid na lalaki nang sumalpok ang sinasakyan nilang kotse sa center island sa Butuan City sa lalawigang ito, noong Sabado ng madaling araw. Ayon sa report ng Butuan City Police, tinatahak ng kotseng sinasakyan ng magkapatid na sina Renante Elisan, 47, at Frederick , 44, ang kahabaan ng C. Aquino Avenue mula sa city proper papuntang Ram City Homes sa Barangay Libertad, nang matumbok ng mga ito ang kabilang dulo ng center island sa harap ng isang mall. Sa lakas ng impact, nawasak at…
Read More6 SAPUL SA KIDLAT SA DAVAO CITY
DAVAO CITY – Sugatan ang anim katao matapos tamaan ng kidlat noong Sabado ng hapon sa Brgy. Salaysay, Marilog District sa lungsod. Ayon sa report ng Marilog Police Station, dumalo sa kasal ang mga biktima at pauwi na nang biglang umulan dakong alas-3:00 ng hapon kaya sumilong muna ang mga ito. Subalit biglang humagupit ang isang matalim na kidlat na tumama sa puno ng niyog, hindi kalayuan sa mga ito. Naabot ng malakas na boltahe ang mga biktima matapos na tumalbog at gumapang ang kuryente dulot ng kidlat. Agad sinaklolohan…
Read More24 KATAO PATAY SA RABIES SA BULACAN NOONG 2023
NAKAPAGTALA ang Bulacan Provincial Health Office (PHO) ng 53,013 kaso ng rabies sa taong 2023, kabilang ang namatay na dalawampu’t-apat na indibidwal. Base sa 2023 Rabies Prevention and Control Program Accomplishment Report ng PHO-Public Health, tumaas ng 4% ang animal bite case (ABC) sa Bulacan ng taong 2023 na mayroong 53,013 kaso kumpara sa 50,809 kaso noong 2022 mula sa 3.8-milyong populasyon sa probinsiya. Ayon kay PHO-Public Health Head Dr. Edwin Tecson, mula sa 24 na local government unit sa Bulacan ay 13 ang apektado kabilang na ang tig-apat na…
Read MoreMOTORSIKLO, CELLPHONE NG ANGKAS DRIVER TINANGAY NG PASAHERO
CAVITE – Pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang pasahero na matapos mag-book sa Angkas driver ay hinoldap at tinangay ang cellphone at motorsiklo nito sa DasmariΓ±as City nitong Biyernes ng madaling araw. Personal na humingi ng tulong ang biktimang si alyas “Marlon”, isang Angkas driver, sa Dasmarinas Component City Police Station upang ireklamo ang kanyang pasahero . Sa kanyang salaysay, dakong alas-2:30 kahapon ng madaling araw nang makatanggap siya ng booking sa isang pasahero mula sa kanilang Angkas apps kung saan susunduin nito sa Brgy. Salitran 2, DasmariΓ±as City, Cavite.…
Read MoreANGKAS RIDER BINARIL SA SABUNGAN
CAVITE – Sugatan ang isang 35-anyos na Angkas rider nang pagbabarilin ng tatlong motorcycle rider habang papalabas galing sa isang sabungan sa Imus City noong Huwebes ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa ospital ang suspek na si alyas “Jeffrey”, 35, ng Pasong Buaya 1, Imus City, dahil sa tama ng bala sa kanyang katawan. Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng tatlong suspek na sakay ng motorsiklo na tumakas matapos ang pamamaril. Ayon sa ulat, dakong alas-11 ng gabi nangyari ang insidente sa harapan ng New Imus Cockpit Arena sa Brgy. Malagasang…
Read More2 LALAKI INATAKE NG ARMADO, 1 PATAY
CAVITE – Patay ang isang lalaki nang pagsasaksakin ng kanyang kainuman nang magkapikunan sa kanilang kwentuhan sa DasmariΓ±as City sa lalawigan nitong Huwebes ng madaling araw. Sa mismong lugar ng inuman nalagutan ng hininga ang biktimang si alyas “Gil”, nasa hustong edad, habang kusang loob namang sumuko ang suspek na si alyas “Fredo”. Ayon sa ulat, nag-iinuman ang biktima at suspek na inabot ng madaling araw ngunit sa kalagitnaan ng kanilang kwentuhan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo. Hanggang sa naglabas ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang biktima na nagresulta…
Read More