2 ABANDONED VEHICLES INUUGNAY SA NASABAT NA 1.4 TONS DROGA

POSIBLENG konektado sa 1.4 tons ng illegal drugs na nasabat sa Batangas noong Abril 15, ang dalawang SUV na inabandona sa bayan ng San Luis sa lalawigan ng Pampanga. Natuklasan ng mga awtoridad na isang itim na Toyota Land Cruiser ang inabandona sa isang sementeryo, at isang puting Ford Explorer naman ang iniwan sa open parking space ng isang sabungan. Nakita ang dalawang sasakyan pasado alas-onse ng gabi noong Linggo, Abril 21. Ayon kay PCol. Jean Fajardo, spokesperson ng PNP, base sa pag-review ng PNP sa mga lugar na dinaanan…

Read More

2 BARKO NAGBANGGAAN SA BATANGAS

BUMANGGA ang isang motor vessel sa isang motor tanker sa karagatan ng Mabini, Batangas noong Abril 22, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Huwebes. Sinabi ng PCG, bumangga ang M/V Everwin 11 sa kaliwang likurang bahagi ng Mtkr Oak Express na nakadaong sa Landoor Pier. Base sa ulat ng M/V Everwin 11, sinabi ng PCG na ang malakas na agos ng dagat at hangin ang naging dahilan upang makaladkad at sumalpok ang nagmamaniobra na sasakyang de-motor, sa Mtkr Oak Express. Ayon sa PCG, bumaliko ang stanchion post,…

Read More

P4.8-M SHABU, PARTY DRUGS NASABAT SA ANGELES CITY

MAHIGIT P4.8-milyong halaga ng iba’t ibang klase ng droga ang nakumpiska ng pinagsanib na mga operatiba ng Angeles City Police-Drug Enforcement Unit at City Intelligence Unit ng Angeles City Police Office, sa arestadong dalawang indibidwal kabilang ang isang Chinese national, sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Malabanias sa lungsod noong Miyerkoles ng hapon, Abril 24. Kinilala ni Angeles City Police Office director, PCol. Amado Mendoza ang dalawang suspek na sina Leslie Sumabal Acunin, alyas “Lexie,” 19, at Chinese national na si Zhe Huang, 30-anyos. Sinabi ni Mendoza, nakumpiska sa dalawa…

Read More

P5.1-M DROGA NASABAT SA SERYE NG OPERASYON SA CENTRAL VISAYAS

MAHIGIT P5.1 milyong shabu ang narekober ng mga awtoridad sa loob lamang ng isang araw sa Central Visayas nitong nakaraang Biyernes, April 19. Nasamsam ang droga na tinatayang nasa 762 gramo mula sa apat na suspek na ipinagharap na ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). Ayon kay Police Brigadier General Anthony Aberin, PRO7 Regional Director, ang malaking drug seizure ay resulta ng masusing pagpaplano at intelligence-driven operations na tumagal ng ilang linggo. “Ang pag-aresto at pag-agaw ay isang…

Read More

DATING NPA MEMBER SUMUKO SA CAVITE

CAVITE – Nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang dating miyembro ng New People’s Army (NPA) at aktibong miyembro ng Gabriela Patungan Chapter, sa isang seremonya sa bayan ng Maragondon sa lalawigan noong Martes. Kinilala ang sumuko na si alyas “Josie”, dating miyembro ng NPA sa Barrio sa ilalim ng Platoon Silangan, SRMA 4C at aktibong miyembro ng Gabriela Patungan Chapter, sa ilalim ng Save Patungan Now Movement, affiliated sa PAMALAKAYA-Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon nang maisakatuparan ng Intelligence Operatives ng 401st A MC, sa ilalim ng superbisyon ni…

Read More

20-ANYOS TIMBOG SA RAPE-SLAY SA BATANG BABAE

ZAMBOANGA DEL NORTE – Arestado ng mga awtoridad ang isang 20-anyos na binata na sinasabing pumaslang sa isang 11-anyos na batang babae matapos na ito ay halayin sa Barangay Pangandao sa bayan ng Manukan sa lalawigan. Ayon sa Manukan Municipal Police Station, nakakulong na ang suspek na si Melvin Gumelok, naaresto sa isang liblib na lugar sa nasabing bayan, sa tulong ng mga impormante na nagturo sa kinaroroonan nito. Ayon sa pulisya, inamin ng suspek ang pagpatay sa biktimang Grade 4 student na si Janeth Upod na kanyang kamag-anak, ngunit…

Read More

150 GADGETS SA CELLPHONE STORE TINANGAY NG HOLDAPER

LAGUNA – Nilooban ng apat na armadong holdaper ang isang tindahan ng mga cellphone at iba pang gadgets, sa national highway, Brgy. Bulilan Norte, sa bayan ng Pila sa lalawigan dakong alas-11:00 ng umaga nitong Martes. Matapos i-hostage ang mga nasa loob, nilimas ng hindi kilalang mga suspek ang tindang gadgets at saka mabilis na tumakas. Ayon sa babaeng may-ari ng pinasok na A & D Gadget shop, una nilang inakala na mga walk-in costumer ang apat na pawang nakasuot ng facemask nang dumating. Nang kanilang ipatanggal ang facemask ay…

Read More

7 SUNDALONG SUGATAN SA SAGUPAAN, PINARANGALAN

PITONG miyembro ng Philippine Army na nasugatan sa madugong engkwentro sa pagitan ng ng mga tropa ng pamahalaan at mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) noong Lunes, ang pinarangalan ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Pinangunahan ni Major General Alex S. Rillera, commander ng 6th Infantry Division/Joint Task Force Central, ang paggawad ng mga medalya sa pitong sundalong nasugatan. Isinagawa ang seremonya sa Camp Siongco Station Hospital sa Headquarters ng 6th Infantry Division, Camp Siongco, Awang, DOS, Maguindanao del Norte kung saan naka-confine ang mga sundalo at…

Read More

LIDER NG BIFF, 11 IBA PA PATAY SA SAGUPAAN

PATAY ang isang kilabot na lider ng Bagsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) at 11 tauhan nito sa inilunsad na decisive military operation ng Armed Forces of the Philippines sa layuning simutin ang nalalabing kasapi ng mga teroristang grupo sa Maguindanao del Sur. Bukod sa napaslang na mga terorista, nabawi rin ng mga tauhan ng 1st Brigade Combat Team ang 12 high powered firearms matapos nilang makasagupa ang 15 kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters-Karialan Faction (BIFF-KF), na pinamumunuan ni alyas “Karialan”, sa Sitio Pendililang, Barangay Kitango, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao…

Read More