CAVITE – Patay ang mag-live in partner makaraang pagbabarilin ng hinihinalang holdaper habang lulan ng kanilang tricycle sa Bacoor City nitong Martes ng madaling araw. Wala nang buhay nang matagpuan sa pinangyarihan ng insidente ang mga biktimang sina alyas “Rey”, 54, at alyas “Elvira”, 46, kapwa mga negosyante, at residente ng Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite, dahil sa mga tama ng bala sa katawan. Ayon sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang umalis sa kanilang bahay ang mga biktima sakay ng kanilang tricycle na may plakang 2240LH, patungo…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
2 BATA NAIPIT NG BATO SA ILOG, 1 PATAY
DAVAO DEL SUR – Patay ang isang taong gulang na paslit habang sugatan ang 4-anyos na kapatid nitong lalaki makaraang maipit ng malaking bato sa Cebulan river sa Brgy. Astorga sa bayan ng Sta. Cruz sa lalawigan noong Linggo ng ng umaga. Ayon sa Sta. Cruz Police, nasa ilog ang pamilya Castillon para maglaba ang nanay habang naliligo naman ang mga bata sa ilog. Sinabihan umano ng ama ang mga bata na manatili muna sa malaking bato sa may gilid ng ilog nang biglang bumuhos ang ulan. Ngunit habang umuulan…
Read MoreDALAGITANG ANGKAS, PATAY SA AKSIDENTE
CAVITE – Patay ang isang 15-anyos na dalagitang angkas makaraang bumangga sa bakal na gate ang isang motorsiklo na minamaneho ng isa ring menor de edad sa bayan ng Naic sa noong Lunes ng gabi. Kapwa isinugod sa San Lorenzo Ruiz Hospital ang mga biktimang sina alyas “Nikka”, 15, at alyas “Denver”, subalit idineklarang dead on arrival ang dalagita habang habang inoobserbahan ang binatilyo. Ayon sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi, minamaneho ni Denver ang motorsiklo na walang plaka, at angkas si Nikka sa Brgy. Bancaan, Naic, Cavite ngunit nawalan…
Read MoreMALOLOS HANDA NA BILANG SMART CITY
HANDANG-HANDA na ang Lungsod ng Malolos bilang isang Smart City matapos itinurn-over dito ng Development Academy of the Philippines (DAP) ang Smart City Roadmap Report bilang beneficiary agency para sa pilot implementation ng DAP’a Linking Innovation Partners towards Accelerated Development in the Philippines (LIPAP PH) Program. Tinanggap ng City Government of Malolos sa pangunguna ni Mayor Christian Natividad, ang Smart City Roadmap Report mula kay DAP President and CEO Dr Majah-Leah Ravago sa isinagawang first Smart City Convention sa Marco Polo Hotel sa Ortigas Center, Pasig City nitong Abril 18,…
Read MoreKELOT PATAY SA SAKSAK
CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa natagpuang bangkay na may mga tama ng saksak sa katawan, sa bakanteng lote ng isang subdibisyon noong Linggo ng umaga sa Imus City. Ayon sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nang natagpuang ang bangkay ng hindi pa kilalang biktima, ng ilang residente sa bakanteng lote sa Pallas Athena Classic Riverside sa Brgy. Anabu 2-B, Imus City, Cavite. Nagsasagawa ng backtracking sa CCTV ang mga awtoridad upang mabatid kung kung paano napadpad sa lugar ang biktima. (SIGRED ADUARA) 398
Read More2 NALUNOD SA OUTING SA QUEZON
QUEZON – Nagtala ng dalawang kaso ng pagkalunod sa magkahiwalay na insidente sa lalawigan nitong weekend. Unang nalunod ang binatang service crew na kinilala sa pangalang “Melchor”, 23-anyos, habang naliligo sa ilog sa Hayahay Agos Resort sa Barangay Magsaysay, Infanta, Quezon mag-aalas 11:00 ng umaga noong Linggo. Kasama nito ang kanyang pinsan na naliligo sa mababaw na bahagi ng Agos River habang nagluluto naman ng pagkain ang kanilang mga kasama. Pagkalipas ng ilang minuto ay nakita na lamang itong nakalutang sa tubig. Agad itong sinaklolohan at isinugod sa ospital subalit…
Read MoreMAGSASAKA NAHULOG SA PUNO NG MANGGA, PATAY
BATANGAS – Patay ang isang magsasaka matapos na mahulog mula sa puno ng mangga sa Brgy. Sawang sa bayan ng Lobo sa lalawigan noong Linggo ng hapon. Hindi umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Ruben De Mesa, 56-anyos, matapos mabagok ang ulo sa pagkahulog. Ayon sa report, dakong alas-4:00 ng hapon, nang akyatin ng biktima ang puno para putulin ang ilang sanga nito nang bigla itong mawalan ng panimbang. Bumulusok ito at direktang bumagsak sa lupa na naging dahilan ng agarang pagkamatay nito. (NILOU DEL CARMEN) 356
Read MoreBAHAY INARARO NG TRUCK, SANGGOL NAKALIGTAS
DAVAO CITY – Himalang nakaligtas ang isang 9-buwan gulang na sanggol na babae matapos araruhin ng isang trailer truck ang bahay na kinaroroonan nito sa Brgy. Suawan, Marilog District sa lungsod noong Linggo ng umaga. Ayon sa Marilog Police Station ng Davao City PNP, galing Bukidnon ang truck at papunta sa Davao City ngunit nawalan umano ng kontrol ang driver kaya dumiretso ito sa gilid ng kalsada at sumalpok sa bahay. Bukod sa bahay, inararo rin ng truck ang isang tricycle at isang motorsiklo na parehong nakaparada sa gilid ng…
Read More2 PATAY, 3 SUGATAN SA SALPUKAN NG GOV’T VEHICLE AT TRUCK
SOUTH COTABATO – Patay ang dalawang empleyado ng LGU ng Tupi sa lalawigan matapos sumalpok ang sinasakyan nilang pick-up sa sinusundang truck at masalpok pa uli ng kanila namang kasalubong na isa pang truck sa national highway sa Barangay Polonuling sa nasabing bayan noong Huwebes ng umaga. Kinilala ang mga nasawi na sina Mark Anthony Romano Zabala, 35, nagmamaneho ng Mazda pick-up na official vehicle ng LGU, at Hernando Carlo Cortez, 26-anyos. Ayon sa report ng Tupi Police, mag-aalas 5:00ng umaga, binabaybay ng pick-up ng mga biktima ang national highway…
Read More