BATANGAS CITY – Walang buhay na lumutang ang isang binata na sinasabing may kapansanan sa pag-iisip, nang tumalon sa ilog habang hinahabol umano ito ng nagpapatrolyang mga tanod ng Brgy. Pallocan West sa lungsod noong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si John Louie Aclan, 19-anyos. Ayon sa report ng Batangas City Police, dakong alas-6:00 ng umaga nang marekober ang labi ng biktima sa Calumpang River ng search and rescue team ng CDRRMO, mga barangay tanod at mga residente ng lugar. Ayon sa nakasaksing mga residente, tumalon sa ilog…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
2 MUSMOS INIWAN SA BAHAY, PATAY SA SUNOG
CAVITE – Natusta ang dalawang musmos nang lamunin ng apoy ang kanilang barong-barong matapos iwanan ng kanilang nanay upang maghanap ng panggatong sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang mga biktimang musmos na sina Rhyle, 3, at Rhian, isang kindergarten student, at residente ng Brgy. Biluso, Silang, Cavite. Ayon sa ina ng mga biktima, iniwan niya saglit ang kanyang dalawang anak sa barong-barong upang maghanap ng panggatong subalit pagbalik niya ay nasusunog na ang kanilang bahay sa Purok 1, Brgy. Biluso, Silang, Cavite dakong alas-3:00…
Read MoreMatapos makipag-away sa ka-live-in GINANG NATAGPUANG PATAY
QUEZON – Humihingi ng malalimang imbestigasyon ang ina ng isang ginang na natagpuang walang buhay sa kanilang bahay sa Sitio Ilaya, Brgy. Abang, sa bayan ng Lucban sa lalawigan noong Huwebes ng umaga. Ayon sa report ng Lucban Police, dakong alas-6:00 ng umaga, ipagbigay-alam sa pulisya ng live-in partner ng ginang na si Yveth Sales, 35-anyos, ang pagkamatay nito. Ayon sa pahayag ng ka-live-in na si Alex Ubaña, nagisnan na lamang niya na patay na ang biktima habang nakahiga sa kuwarto. Sa paunang pagsisiyasat ng Municipal Health Officer ng Rural…
Read MoreSender at receiver ‘di makontak MARIJUANA NADISKUBRE NG RIDER SA PARCEL
CAVITE – Tinutunton ng Cavite Police ang sender at receiver ng isang parcel na naglalaman ng tinatayang 150 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana makaraang madiskubre ng isang Lalamove rider nang mabigong mai-deliver sa receiver ang parcel sa Rodriguez, Rizal noong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang mga pinaghahanap ng pulisya na sina alyas “Gerard”, ng Dasmariñas City, Cavite, at alyas “Ismael”, ng Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal. Nabatid sa imbestigasyon, dakong alas-3:00 ng hapon noong Miyerkoles nang pik-apin ng Lalamove rider na si alyas “Josh” ang isang parcel mula…
Read MoreTOMAHAWK MISSILE NG US NAKAPORMA NA SA LUZON
TINULIGSA ng grupo ni dating ACT Party-list Rep. Antonio Tinio si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa pagpayag nito sa United States (US) na i-deploy ang Tomahawk Missile Launcher sa Northern Luzon. “By allowing this, Pres. Marcos Jr. is openly signaling hostile intent against China, giving the US the capability to launch attacks on China’s homeland from our own territory,” ani Tinio, spokesman ng P1NAS. Nabatid na ang nasabing missile launcher system ay bahagi ng Salaknib 24 Exercise at maging ng susunod na mga Balikatan joint military exercises sa…
Read MoreLALAKI ARESTADO SA CASH IN SABAY TAKBO
CAVITE – Swak sa kulungan ang isang 31-anyos na lalaki makaraang nagpa-load sa GCash ng halagang P36,700 sa isang tindahan subalit ‘di nagbayad at tumakas sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Miyerkoles ng hapon. Nahaharap sa kasong theft ang suspek na si alyas “Juanito” ng New Era, Dasmariñas City, Cavite. Ayon sa salaysay ng biktimang si alyas “Kristine”, 27, isang negosyante, ng Brgy. Ulat, Dasmariñas, sa mga awtoridad, dakong alas-4:00 ng hapon, nagpa-load ang suspek ng halagang P35,700 kasama na ang karagdagan fees sa pamamagitan ng GCash. Matapos na…
Read More4 VOLCANIC EARTHQUAKES NAITALA SA MT. BULUSAN
NAG-ALBOROTO ang bulkang Bulusan na nakapagtala ng apat na volcanic earthquake sa paligid nito, iniulat nitong Huwebes, Abril 18, ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Nabatid sa Phivolcs, nakataas sa alert level 1 ang paligid ng bulkang Bulusan habang namataan ang pagsingaw ng usok sa bulkan na may taas ng 70 metrong taas. Ayon sa Phivolcs, bukod sa pagbuga ng usok ng bulkan, namataan din ang pamamaga ng bulkan. Kaugnay nito, inirekomenda ng ahensya na ipinagbawal ang pagpasok sa apat na kilometrong (4 km) radius Permanent Danger Zone…
Read MorePAGBABALIK NG ILLEGAL QUARRYING SA MT. BANAHAW, IKINAALARMA
IKINABAHALA ng environmentalist group na Tanggol Kalikasan (TK), ang muling paglaganap ng mga illegal quarry operation sa mga lugar sa laylayan ng Mt. Banahaw sa bayan ng Sariaya sa lalawigan ng Quezon. Ayon kay Jay Lim, project officer ng TK, nakatanggap sila ng mga ulat ng destructive mining o illegal quarrying sa paligid ng Lagnas river sa mga barangay ng Concepcion Pinagbakuran, at Concepcion Bugon. Ayon pa kay Lim, batay sa pahayag ng mga residente, mga dinamita ang ginagamit sa operasyon ng pagmimina at madalas ang malakas na mga pagsabog…
Read More46 CPP-NPA MEMBERS NAPATAY SA MILITARY OPERATIONS
UMABOT sa 46 na mga kasapi ng armadong galamay ng Communist Party of the Philippine at New People’s Army ang napaslang ng militar sa kanilang inilunsad na focused military operations laban sa mga rebeldeng grupo na target nang wakasan ng Armed Forces of the Philippines ngayong taon. Base sa datos na ibinahagi ng AFP sa isang pulong balitaan, kasama ang ang nasabing bilang sa kabuuang 706 na CPP-NPA rebels na naneyutralisa ng military sa unang quarter ng taong 2024. Sa nasabing figure, kabilang dito ang 614 rebelde na sumuko sa…
Read More