P.3-M SHABU NASABAT SA BUY-BUST

CAVITE – Tinatayang umabot sa P.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa arestadong umano’y tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ng Dasmariñas City Police ang suspek na si alyas “Kasa”, ng Brgy. H20, Dasmariñas City. Ayon sa ulat, dakong alas-9:40 gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Dasmariñas Component City Police Station sa Brgy. H20 sa lungsod na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. Nasamsam sa suspek ang dalawang sachet ng umano’y shabu…

Read More

LGU EMPLOYEE SA NEGROS ORIENTAL, PATAY SA NPA

NEGROS ORIENTAL – Patay ang isang casual employee ng Guihulngan City Hall sa lalawigan makaraang pagbabarilin ng umano’y hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army noong Martes ng gabi. Ayon sa report ng Guihulngan City PNP, ang biktimang si Edmar Delosindo, 54, ay pinagbabaril ng tatlong mga suspek sa loob ng kanyang bahay sa Sitio Mainit, Barangay Bulado. Dead on the spot ang biktima matapos malapitang pagbabarilin habang nag-aayos ng kanyang sound system. Matapos ang pamamaril, agad tumakas ang mga suspek patungo sa bulubundukin at magubat na bahagi ng lugar.…

Read More

BICOL SOLONS WAKWAKAN NA SA CHA-CHA

SUMAMBULAT na ang hidwaan ng mga mambabatas na Bicolano dahil sa People’s Initiative na isinusulong ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso para amyendahan ang 1987 Constitution at itali ang kamay ng mga senador. Kamakalawa ng gabi ay sinupalpal ni Albay Rep. Edcel Lagman si Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co, chairman ng House committee on appropriations, matapos itanggi ng una na ang P12 billion na isiningit ng Bicameral Conference committee sa budget ng Commission on Elections (Comelec) ay para sa Cha-cha. “Rep. Elizaldy Co, Chairman of the House committee…

Read More

9 TULAK LAGLAG SA CAVITE BUY-BUST

CAVITE – Swak sa kulungan ang siyam na hinihinalang tulak matapos makumpiskahan ng mahigit P200,000 halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan. Ayon sa ulat, dakong alas-12:30 ng hapon noong Martes nang magsagawa ng buy-bust operation ang Imus City Police sa Brgy. Anabu 1-E, Imus City na nagresulta sa pagkakaaresto kina alyas “Michael” at “Ricardo” at nasamsam ng 25 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P170,000. Dakong alas-9:30 naman ng gabi noong Martes nang madakip sa buy-bust operation ng City Drug…

Read More

LADY RESTO OWNER, ANAK PATAY SA PAMAMARIL

NORTH COTABATO – Patay ang babaeng may-ari ng isang restaurant at ang anak nitong lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa loob ng establisyemento sa Poblacion, sa bayan ng Pikit sa lalawigan noong Martes ng tanghali. Kinilala ang mag-inang sina Betty Cadulong-Lu at Jonard Lu, 47, mga residente ng Brgy. Poblacion, sa bayan ng Pikit. Ayon sa report ng Pikit Police, nasa loob ng restaurant ang mag-ina at nag-aasikaso sa kanilang mga pagkain nang pumasok ang suspek at pinagbabaril ang dalawa. Mabilis na tumakas ang suspek makaraang maisagawa ng…

Read More

VAN NAHULOG SA BANGIN, 4 PATAY

ZAMBOANGA DEL NORTE – Patay ang apat na sakay ng isang Toyota Innova van matapos mahulog sa malalim na bangin sa Sitio Mauswagon, Barangay Gunyan sa bayan ng Siayan sa lalawigan. Ayon sa Siayan Municipal Police, tatlong sakay ang dead on the spot habang ang isa ay pumanaw sa ospital, pawang mga residente ng Barangay Upper Landing, bayan ng Dumingag, Zamboanga del Sur ngunit naninirahan na sa Cebu. Nakuhanan ng video ang pagkahulog ng sasakyan na galing umano sa outing. Nakailang ikot ang sasakyan habang gumugulong pababa sa bangin. Agad…

Read More

‘HOLDAPER’ PATAY SA BUGBOG NG 2 BIKTIMA

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa natagpuang bangkay ng isang lalaki na umano’y holdaper at inaresto ang dalawang lalaking hinoldap umano nito sa Dasmariñas City noong Linggo ng hapon. Kinilala ang natagpuang patay na si Welchris Parong y Maraon, 36, tubong Negros Oriental. Iniimbestigahan naman sina alyas “Memark” at “Dominick”, kapwa residente ng Brgy. Sta. Maria, Dasmariñas City, unang nagreklamong biktima sila ng robbery holdup. Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Wilfred Guevarra ng Dasmariñas City Police, nagtungo ang suspek na si Dominick sa Barangay Hall…

Read More

7 BANGKAY NAHUKAY SA MASS GRAVE

LANAO DEL NORTE – Pitong bangkay ang nahukay ng mga pulis at sundalo sa bulubunduking lugar sa Sitio Lapao, Barangay Kurkom, sa bayan ng Sapad sa lalawigan noong Linggo ng hapon. Nangyari ang pagkakadiskubre matapos makatanggap ang Sapad Police ng report mula sa isang concerned citizen na may mga bangkay na inilibing sa nasabing lugar. Agad nakipag-coordinate ang PNP at mga sundalo sa Municipal health officer ng bayan at magkakasamang pinuntahan ang lugar na 30 kilometro ang layo mula sa kabayanan. Ayon sa PNP, ang nasabing lugar ay hindi napapasukan…

Read More

12 PASAHERO NASAGIP SA LUMUBOG NA MOTOR BANCA

NASAGIP ng Philippine Coast Guard (PCG) at ng local government unit (LGU) ang 12 pasahero ng lumubog na family motor banca sa karagatang sakop ng Dapitan City, Zamboanga del Norte noong Enero 7. Ayon sa ulat, habang naglalayag patungo sa Dapitan City mula Selinog Island, nang mamataan ng coast guard at LGU personnel ang mga indibidwal malapit sa lumubog na motorbanca kaya agad silang nagsagawa ng rescue operation. Kabilang sa 12 pasahero ang dalawang sanggol, dalawang bata, at walong nakatatanda. Ayon sa mga nasagip, umalis sila ng Purok Langaman sa…

Read More