MORE SABIT DIN SA ILOILO BLACKOUT – CASTRO

SABIT din ang MORE Power Corporation matapos banggitin ni Congresswoman France Castro ng Makabayan block na tila wala itong ginawa sa kasagsagan ng blackout na tumama sa Panay Island at ilang lugar sa Negros mula noong Enero 2. Matatandaan na ang MORE ang pumalit sa dating provider na Panay Electric matapos hindi makakuha ang huli ng prangkisa. Ang MORE ay pagmamay-ari ng negosyanteng si Enrique Razon. Kinuwestyon ni Castro ang kakayahan na proteksyunan ng MORE ang nasasakupan nito pero nabigo dahil nasadlak din sa blackout ang Iloilo City. Matatandaang nagalit…

Read More

CPP-NPA HIGH RANKING TERRORIST NAPATAY

NAPATAY ng mga tauhan ng Philippine Army ang high-ranking communist terrorist ng CPP-NPA Sub-Regional Committee (SRC) Sesame, Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC), nang makasagupa nito ang mga sundalo mula sa 78 Infantry “Warrior” Battalion, 8th Infantry “Stormtroopers” Division, sa bulubunduking bahagi ng Brgy. San Gabriel, Borongan City, Eastern Samar nitong nakalipas na linggo. Sa ipinarating na ulat sa tanggapan ni Army Commanding General Lt. Gen. Roy Galido, habang nagsasagawa ng routine combat operations ang tropa ng 8TH ID, nasabat nila ang isang grupo ng mga armadong kasapi ng Apoy…

Read More

P442K SHABU NASABAT SA HVI

CAVITE – Halos kalahating milyong pisong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa isang hinihinalang tulak na nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs) ng pulisya, sa buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Sabado ng gabi. Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Andoy”, nasa hustong edad, ng Brgy. Burol 3, Dasmariñas City, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-8:40 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Dasmariñas City Police sa Brgy. Buro 3 sa lungsod, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. Nakumpiska sa suspek…

Read More

Ide-deploy sa West Philippine Sea SASAKYAN BUMALIKTAD, 8 PCG CREW MEMBERS SUGATAN

SUGATAN ang walong Philippine Coast Guard (PCG) crew members na nakatakdang i-deploy sa West Philippine Sea (WPS) matapos bumaliktad ang kanilang sasakyan sa Barangay Labog, Sofronio Española sa Southern Palawan. Sinabi ni Capt. Dennis Labay, PCG District Palawan commander, ang nasabing crew members ay bahagi ng three-vehicle convoy na patungong Buliluyan Port sa Batazara para sa deployment sa Kalayaan Island Group. Ayon kay Labay, agad na tumugon ang mga serbisyong pang-emergency, tiniyak na ang mga nasugatan ay madala sa Sagrado Hospital sa Brooke’s Point. Sinabi ni Labay, susuriin nilang muli…

Read More

RETIRADONG SUNDALO PINATAY, INILIBING SA KANYANG BAKURAN

RIZAL – Bunsod ng masangsang na amoy na inireklamo ng mga kapitbahay, nadiskubre ng mga awtoridad ang bangkay ng isang retiradong sundalo na pinatay at inilibing sa mababaw na hukay sa kanyang mismong bakuran sa Talim Island, Purok 1, Brgy. Habagatan, sa bayan ng Binangonan sa lalawigan. Noong Huwebes ng hapon nang matuklasan ng barangay officials ang nangyaring krimen at agad ini-report sa pulisya. Ayon sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, nahukay ang labi ng biktimang si Rodolfo Lirio sa kanyang bakuran. Lumabas sa imbestigasyon na noong Disyembre 26 nang makaaway…

Read More

MAG-AMA PATAY SA PANANAGA NG EX-MANUGANG

QUEZON – Patay ang isang 67-anyos na lalaki at ang kanyang anak na binata matapos pagtatagain ng dating manugang sa Sitio Bulagsong, Brgy. Sta. Rosa, sa bayan ng Mulanay sa lalawigan noong Huwebes. Dakong alas-4:00 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Dominador Constantino na nakabulagta sa kusina ng kanilang bahay. Nakita naman ang bangkay ng anak nito na si Rodelio Constantino, 27, sa katabing bahay na halos 200 metro lamang ang layo sa bahay ng ama. Kapwa sa leeg ang tama ng mag-ama na agad nalagutan ng…

Read More

2 LADY BOARDERS PATAY SA KASERO

DAVAO CITY – Patay ang dalawang lady boarders matapos saksakin ng biyudong kasero sa kanilang boarding house sa Barangay 2-A sa lungsod noong Huwebes ng umaga. Duguan at wala nang buhay na nakahandusay sa kanilang kuwarto nang madatnan ng mga awtoridad ang mga biktimang sina Cora Andagit, 20, at Jazel Joy Indoy, 15, parehong taga Brgy. Salumay sa Marilog District. Ayon kay Police Captain Hazel Tuazon, spokesperson ng Davao City Police, ang isa sa mga biktima ay walang saplot na pang itaas. Kapwa may mga tama ng saksak sa dibdib…

Read More

NGCP SISINGILIN SA BLACKOUT SA PANAY AT NEGROS

HINDI papayag ang isang mambabatas sa Kamara na hindi mapanagot ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa malawakang blackout sa Panay Island at ilang lugar sa Negros mula noong Enero 2. Ayon kay House Deputy Minority Leader France Castro, malaking perwisyo ang idinulot ng malawakang blackout sa nabanggit na mga probinsya kaya hindi maaaring malibre sa pananagutan ang NGCP. “The National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) should be held accountable for the island wide blackout in Panay as well as some parts of Negros since January 2,”…

Read More

DRIVER NG L300 VAN NAKAIDLIP, 4 PATAY, 11 SUGATAN

CAVITE – Apat ang patay habang 11 na magkakamag-anak ang sugatan makaraang sumalpok ang isang Mitsubishi L300 van sa isang punongkahoy sa gilid ng kalsada nang makaidlip ang driver nito sa Naic noong Miyerkoles ng madaling araw. Pawang isinugod sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang mga biktimang sina Jaime Vasquez y Alibanto, Ralph Noel Vasquez y Almoquera, Norlie Vasquez Brocales, Lea Vasquez y Alibanto, Bernardo Tano y Alangco, Ariel Rivera y Lababdero, Geronimo Canaway y Dela Cruz, Precillano Pantebry Latoria, Jaime Vasquez y Alibanto, Noel Vasquez y Ranon, Jamin Vasquez…

Read More