PUGOT NA ULO NI LOLA INIREGALO SA KAINUMAN

AGUSAN DEL SUR – Bunsod ng matinding kahihiyan makaraang pagbintangang nagnakaw, pinugutan ng isang lalaki ang kanyang 65-anyos na lola at dinala ang ulo sa kanyang mga kainuman sa Purok 1, Brgy. Canayugan, Bayugan City noong Martes ng tanghali. Kinilala ng Bayugan City Police ang suspek na si Mario Fortun, nahaharap sa kasong murder matapos tagain sa leeg na ikinapugot ng ulo ng kanyang lola na si Rosalina Abing. Ayon kay Police Colonel Shalom Faye Cornelio, hepe ng Bayugan City Police, inamin ng suspek ang krimen at sinabing nagawa niya…

Read More

Aregluhan ng 2 angkan nauwi sa pamamaril POLICE ESCORT PATAY; SUNDALO, 3 PA ARESTADO

PATULOY ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) kung bakit nauwi sa pamamaril ang sana ay pagkakasundo ng dalawang kilalang angkan sa Maguindanao. Patay sa tama ng bala sa ulo ang police escort na si S/Sgt. Zahraman Mustapha Diocolano, taga Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte at nakatalaga sa Provincial Mobile Force Company ng Maguindanao Del Norte Provincial Police Office. Dinakip naman ng nagrespondeng mga tauhan ng PNP at Marines sa lugar ang apat na mga suspek na sinasabing responsable sa pamamaril. Kinilala ang mga ito na sina PFC…

Read More

P40-M ALAHAS, CASH TANGAY SA BINUTAS NA SHOPPING MALL

PATULOY ang imbestigasyon at pagtutok ng mga pulis sa ilang ‘persons of interest’ na posibleng may kinalaman sa nangyaring ‘New Year’s Day heist’ kung saan hindi bababa sa P40 milyong halaga ng mga alahas at salapi ang natangay matapos looban ang tindahan ng mga alahas sa loob ng isang mall sa Ozamiz City, Misamis Occidental. Sa inisyal na impormasyon ng Ozamiz City Police planado ang pagnanakaw sa Gaisano Mall sa Purok 3, Barangay Baybay, Sta. Cruz. Nadiskubre ang insidente bandang alas-11:00 ng tanghali noong Bagong Taon, kung saan sangkot umano…

Read More

HEPE NG TANOD PATAY SA PAMAMARIL

BATANGAS – Patay ang hepe ng barangay tanod ng Brgy. Cogunan sa bayan ng Nasugbu sa lalawigan, matapos pagbabarilin habang patungo sa barangay hall noong Martes ng gabi. Subalit bago nalagutan ng hininga ang biktima ay nasabi nito kung sino ang bumaril sa kanya. Ayon sa report ng Nasugbu Police, dakong alas-7:00 ng gabi, naglalakad ang biktimang si Hilario Rodriguez, 53, nang pagbabarilin ng suspek gamit ang .45 kalibreng baril, hindi na kalayuan sa barangay hall. Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril. Nakita naman ng isa pang barangay…

Read More

JEEP SWAK SA KANAL, 1 PATAY

QUEZON – Isa ang patay habang 26 ang sugatan matapos bumulusok sa kanal ang isang pampasaherong jeep na nawalan ng preno sa national highway sa bayan ng San Francisco sa lalawigan, noong Martes ng hapon. Ayon sa report ng San Francisco Police, nangyari ang insidente dakong alas-3:00 ng hapon, habang tinatahak ng jeep na minamaneho ni Brian Anonuevo Catapang, ang bulubunduking bahagi ng kalsada sa Sitio Centro, Brgy. Butanguiad. Nawalan umano ng preno kaya bumulusok pababa ang jeep sa palusong na kalsada at nahulog sa kanal na nasa gilid ng…

Read More

PAGPAPATUPAD NG RIGHTSIZING SA NATIONAL GOVERNMENT, NAPAPANAHON – SEN VILLANUEVA

SA layuning mapaganda pa ang serbisyo ng gobyerno, iginiit ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang pangangailangan ng rightsizing o pagsasaayos sa bilang ng mga empleyado sa national government. Layon ng Senate Bill 2502 o ang proposed National Government Rightsizing Act ni Villanueva na matiyak ang tamang paggalaw ng mga ahensya ng gobyerno. Kasama rin sa panukala ang pagpapaubaya sa pribadong sektor o sa mga lokal na pamahalaan ng mga gawain o programa na kaya nilang gawin at hindi na kailangan ng pagkilos ng national government. Nakasaad din sa panukala…

Read More

AWAY SA LUPA TINAPOS SA BARILAN, MAG-AMA PATAY

TAYABAS CITY – Tinapos ng magkapatid ang matagal nang alitan ng kanilang mga pamilya hinggil sa pag-aagawan sa lupa sa pamamagitan ng pamamaril na nag-iwan ng dalawang patay noong hapon ng bagong taon. Ayon sa report ng Tayabas City Police, nangyari ang insidente noong alas-5:00 ng hapon sa Barangay Isabang sa lungsod. Lumabas sa imbestigasyon, matapos mag-inuman sa kanilang bahay, dinayo ng pamilya ng suspek na kinilalang si Armando Ormacido, sa bahay ang kanyang nakababatang kapatid na si Elgelito Ormacido, 64-anyos. Kasama ni Armando ang kanyang mga anak at pamangkin…

Read More

SEKYU UMAWAT SA AWAY, NAPATAY

CAVITE – Arestado ang isang lalaki habang pinaghahanap ang tatlong kasamahan nito na pinagtulungang patayin ang isang security guard na nagtangkang umawat sa kaguluhan sa bayan ng Silang noong Lunes ng madaling araw. Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Angelo”, 35, isang construction worker, habang tinutugis ang mga kasamahan nito na sina alyas “Jonjon”, “Patrick”, at “Flores”, na tumakas matapos ang insidente ng pagpatay kay Joel Escaros y Baclayon, 38, at pagbugbog kay Jaymark Vera Y Gabuso, 25-anyos, kapwa ng Silang, Cavite. Ayon sa ulat ni Police Corporal Ralph…

Read More

Muling ipinakita ni Ms. Rodriguez PAGMAMAHALAN AT PAGBIBIGAYAN SA PAGTATAPOS NG 2023

MULING ipinakita at pinatunayan ni Ms. Virginia Rodriguez na ang pagbibigay ay hindi nangangailangan ng tamang panahon, oras o lugar. Ayon kay Ms.Rodriguez, sa bawat sandali ng ating buhay, ang pagtulong ay dapat laging mamalagi sa ating puso at isipan. “Ito ang aking laging panuntunan sa buhay ang tumulong sa mga less fortunate nating mga kababayan” ani Ms.Rodriguez. Nitong nakalipas na Disyembre 28 at 29 o pagtatapos ng taong 2023, ginugol pa rin ni Ms.Rodriguez ang mga importanteng oras sa pagtulong sa mga kababayan sa Mindanao. Muling nagpasaya at namahagi…

Read More