PATAY ang dating mambabatas makaraang pagsasaksakin ng isang parking attendant sa isang parking area sa Antipolo City.
Kinilala ang biktimang si dating United Movement Against Drugs Party-list Representative Teodoro Lim.
Ayon sa ulat, sinundan ng suspek ang dating mambabatas sa sasakyan nito ilang minuto bago sumakay.
Lumitaw sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, humingi umano ng barya ang suspek kay Lim subalit hinampas nito ng likurang bahagi ng pintuan dahilan upang siya ay saksakin.
Ayon sa Antipolo City PNP, makailang beses na sinaksak ng suspek ang biktima sa loob ng sasakyan ngunit hindi nahagip ng CCTV.
Kaagad namang naaresto ang suspek sa isinagawang follow-up operation sa kanilang bahay sa Angono, Rizal.
Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang wallet at cellphone na pagmamay-ari ng biktima at ang damit nito na may bahid ng dugo.
Batay sa salaysay ng suspek, humingi umano siya ng barya kay Lim, ngunit hinampas siya ng dating kongresista gamit ang likurang pinto ng sasakyan.
(TOTO NABAJA)
23 