NBI REGION 3 PINUPULAAN SA ‘ZERO ACCOMPLISHMENTS’

PINUPULAAN ngayon ang pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Central Luzon dahil wala na nga umanong malalaking accomplishment ay may mga tauhan pang pinaghihinalaang ‘patong’ sa illegal gambling at ilan pang ilegalista sa Region 3.

Nauna nang lumabas sa balita ang pagsulat ni Korean Consul Kim Byunghan kay NBI director Melvin Matibag hinggil sa ‘wow mali operation’ na nangyari nang arestuhin ang mga kababayan nitong sina Shin Jaeho, 40-anyos; at Go Sangsoo, 48-taong gulang.

Sila ay napagkamalan ng mga ahente ng NBI nang aretuhin dahil umano sa drug related incident.

“It was reported that, following approximately five hours of investigation, it was confirmed that they were not the individuals being sought by the National Bureau of Investigation (NBI), and they were subsequently released without charges,” anang sulat ni Byunghan.

“However, it was noted that during the arrest, cash and valuables from a safe containing P1.5 million belonging to Mr. Go, two luxury watches, and approximately KRW 8 million (P380,520) were placed in a bag and confiscated,” sumbong pa nito.

“Despite their release without charges, the confiscated items have yet to be returned by the NBI to date. Furthermore, it was discovered that P100,000 in cash belonging to Mr. Shin, which had been kept in a wardrobe was also missing,” dagdag pa sa sumbong.

Ang kopya ng naturang sulat ay nakuha ng SAKSI Ngayon.

Wala namang malinaw na detalye kung naibalik na ng NBI ang mga gamit sa mga napagkamalang Korean suspects.

Ang Pampanga NBI umano ang nagsagawa ng ‘kontrobersiyal’ na operasyon na pinamumunuan ni Atty. Eric Isidoro. Minsan din siyang naging kontrobersyal sa NBI dahil sa pagkakasangkot naman umano sa shabu laboratory sa Camarines Sur.

Ang padrino ni Isidoro ay isang alyas Red na malapit umano kay Matibag, ayon pa sa importante.

Sa kaugnay na balita, dapat din umanong tanungin ni Matibag sina NBI Region 3 director Christoper Hernandez at Assistant Regional Director Vic Lorenzo kung bakit pumapangit ang imahe ng NBI Region 3.

Partikular sa dapat usisain sa dalawang opisyal kung totoong may tumatanggap ng kotong sa NBI Central Luzon mula sa mga ilegalista sa jueteng, STL, paihi, prostitusyon, pati ang sugal lupa na Perya at sakla.

Isang alyas HPG Manny umano ang pasimuno ng kotong, gamit ang isang alyas Patrick na sinasabing kolektor o tagadampot ng ‘weekly protection money.’

Nagtataka ang mga nakasubaybay sa kontrobersiya na ito kung bakit tila mas may kapangyarihan pa ang isang tauhan ng Highway Patrol Group (HPG) kumpara sa mga taga-NBI Region 3.

Dapat ding magsalita si NBI-Region 3 ARD Vic Lorenzo dahil ginagamit ang kanyang pangalan sa pakikipag-usap sa mga ilegalista.

Ilan sa mga illegal operators na hayagan kung magyabang na ‘nabayaran’ na nila ang ilang taga-NBI ay sina Marlon at Imelda na may sindikato ng paihi ng gasolina sa Orani, Bataan; gayundin sina Gie sa Tucop; Rap J ng Larac; Cris at Darwin ng Hermosa; Kap Lacey ng Manbog; Ren ng Samal; Ruby at Velasco ng Abucay, Malen ng Lamao at Pingay ng Limay, Bataan.

Sa sakla ay todo kamada rin ang ilang NBI personnel sa pangunguha ng ‘tongpats’ sa mga ilegalista na sina Dexter ng Angeles City; Jessie ng Tarlac; at Ricky G ng Concepcion.

May mga perya rin sa Angeles City at Bulacan na parang mga kabute na nagsusulputan ngayon.

Bukas ang SAKSI Ngayon sa anomang reaksyon at tugon ng NBI hinggil sa artikulong ito.

20

Related posts

Leave a Comment