5 KALABOSO SA SHABU

KALABOSO sa Manila Police District-Raxabago Police Station 1 ang limang indibidwal makaraang madakip sa ipinatupad na anti-illegal drug operation sa Aroma Compound malapit sa Building 16, Temporary Housing, Barangay 105, Tondo, Manila noong Sabado ng gabi. Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Wilfredo Fabros Jr., ang mga suspek na sina alyas Ian, Mark, Argie, Jessie at Melvin, pawang mga residente ng nasabing lugar. Base sa ulat na isinumite ni Police Major Geo Colibao, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), bandang alas-6:40 ng gabi nang ikasa ang operasyon na nagresulta sa…

Read More

3 PATAY SA 3 AKSIDENTE SA CAVITE

CAVITE – Patay ang tatlong indibidwal, kabilang ang isang empleyado ng munisipyo, sa nangyaring tatlong aksidente sa kalsada sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito. Kinilala ang mga biktimang sina Renante Dagar y Dela Peña, 45, security guard; Cauro Cuevas y Espiritu, 65, at Alberto Ricohermoso y Revilla, 63, empleyado ng munisipyo. Ayon sa ulat, kapwa binabagtas nina Dagar na lulan ng motorsiklo, at Kristian Miguel Fernandez y Borgonia, 23, na minamaneho ang Honda City na may plakang WBM-575, ang kahabaan ng Molino-Paliparan Road, Brgy. Molino 4, Bacoor City. Ngunit…

Read More

BANGKAY ITINAPON SA ILOG SA QUEZON

QUEZON – Isang bangkay ng hindi kilalang lalaki ang itinapon sa gilid ng ilog sa Sitio Sinturisan, Brgy. Manggalang Bantilan, sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Nadiskubre ng mga residente ang katawan ng biktima na tinatayang nasa edad 45 hanggang 50-anyos, dakong ala-1:00 ng hapon. Ayon sa mga residente, hindi taga roon sa kanilang barangay ang biktima at hindi ito pamilyar sa kanila. Duguan ito at hinihinalang may tama ng hindi pa matukoy na armas. Wala rin anila silang narinig na anomang putok ng baril…

Read More

NAGTALO SA TRABAHO, OBRERO TINARAKAN

CAVITE – Patay ang isang 36-anyos na construction worker nang pagsasaksakin ng kabaro makaraang magtalo dahil sa kanilang trabaho sa Gen. Trias City noong Linggo ng hapon. Naisugod pa sa Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Ramos Brillo Satunero, stay- in sa construction barracks sa Brgy. Panungyanan, Gen. Trias City, subalit hindi umabot nang buhay dahil sa dalawang saksak sa dibdib. Ayon sa ulat, dakong alas-5:50 ng hapon nang mangyari ang insidente nang magkayayaang mag-inuman ang mga construction worker sa kanilang barracks. Sa kalagitnaan ng kanilang inuman, nagtalo ang suspek…

Read More

RIDER SUMALPOK SA VAN, PATAY

QUEZON – Patay ang isang motorcycle rider makaraang sumalpok sa nakaparadang van sa Quirino Highway, Brgy. Poblacion, sa bayan ng Tagkawayan sa lalawigang ito, nitong Lunes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Jojo Santos, 37, residente ng Brgy. Sta. Cecilia, Tagkawayan. Ayon sa report, tumatakbo patungong north direction ang biktima nang hindi nito mapansin ang nakaparadang aluminum van sa shoulder ng highway. Sumalpok ang motorsiklo sa hulihang bahagi ng van na nagdulot ng grabeng pinsala sa ulo ng biktima. Isinugod ito sa Ma. L. Eleazar General Hospital sa Tagkawayan…

Read More

SUNDALO PATAY, 7 SUGATAN SA MINDANAO AMBUSH

PATULOY na tinutugis ng mga tauhan ng Western Mindanao Command ang grupo ng hinihinalang lawless elements na nasa likod ng pananambang kay Vice Mayor Ahmadin Baharim ng Ungkaya Pukan, at tropa ng 64th Infantry Battalion at mga pulis, na kabilang sa Joint Peace and Security Team (JPST) nitong nakalipas na linggo. Isang sundalo ang namatay habang pitong kasamahan ang sugatan kabilang ang isang pulis matapos ang ilang minutong bakbakan sa Barangay Ulitan, Ungkaya Pukan, Basilan. Ayon sa ulat na nakarating sa punong himpilan ng Philippine Army na pinamumunuan ngayon ng…

Read More

Sen. Grace Poe’s FPJ Panday Bayanihan tinulungan mga biktima ng Rizal boat tragedy

NAGPAABOT ng tulong pinansiyal ang FPJ Panday Bayanihan Foundation nitong Sabado, Agosto 12, sa pamilya ng 27 kataong nasawi sa paglubog ng M/B Aya Express noong nagdaang buwan. Ang non-profit organization na pinamumunuan ni Brian Poe-Llamanzares ay nagbigay ng P5,000 cash aid para sa naulilang pamilya ng mga pasaherong namatay sa paglubog ng bangka sa Laguna Lake, sa bahagi ng Binangonan, Rizal noong Hulyo 27. Personal na nagtungo si Poe -Llamanzares sa kamag-anak ng dalawa sa mga nasawi sa kanilang tahanan sa Barangay Pila-Pila sa Binangonan. “Labis kaming nakikidalamhati. We…

Read More

MANGINGISDA TINODAS NI UTOL SA BUROL

QUEZON – Patay ang isang mangingisda matapos na pukpukin ng bato sa ulo ng kanyang half-brother sa burol ng kanilang tiyuhin sa Barangay Matinik, sa bayan ng Lopez sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Armin Bulila Dimalibot, 58, residente ng Barangay Matinik. Ayon sa report ng Lopez police, dakong alas-11:30 ng gabi nang magtalo ang biktima at ang kapatid nito sa ina na si Manny Bulilan Cero sa hindi nabatid na dahilan. Bunsod nito, nagpasyang umuwi na lamang ang biktima sa kanilang bahay para matigil…

Read More

8-anyos na bata isinilid sa suitcase KIDNAP VICTIM NASAGIP NG MGA PULIS

BUNSOD nang mabilis na pagkilos ng mga awtoridad, nasagip isang 8-anyos na batang babae na dinukot at isinilid sa luggage suitcase na may gulong para agad na mailayo mula sa kanilang bahay sa Mandaue City. Ayon sa ulat, dahil sa CCTV footages ay agad natunton ng Mandaue City Police Office ang pinagdalhan ng suspek sa batang kinidnap at isinilid sa itim na luggage trolley suitcase mula sa Barangay Bakilid, ng nasabing siyudad kamakalawa ng hapon. Nakita sa footages na itinutulak ng isang lalaki ang maletang may gulong bandang tanghali palabas…

Read More