RIZAL – Arestado ng mga awtoridad ang isang babae na umano’y ibinugaw ang kanyang mismong anak sa lalawigan. Ayon sa Rizal Police Provincial Office, dakong alas-9:00 ng gabi noong Miyerkoles nang matimbog ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit (PIU) at iba pang Enforcement Unit ng Rizal PNP, ang 51-anyos na suspek na si alyas “Dina”, sa operasyon sa Brgy. San Juan, Taytay. Inaresto ito sa bisa ng tatlong warrant of arrest para sa kasong qualified trafficking na walang inirekomendang piyansa. Nabatid sa ulat, kabilang sa naging mga biktima ng…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
ENGINEER PINATAY, TSINAP-TSAP NG CARETAKER
CAVITE – Nabunyag ang brutal na pagpatay sa isang engineer na pinagputol-putol ang katawan, matapos maaresto ang 30-anyos na caretaker nito, bitbit ang mahigit P4 milyong cash at mga kagamitan sa isinagawang operasyon sa Bacoor City, noong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ang suspek na si Romnick Bombeo y Missiona, 30, binata, construction worker, at residente ng Brgy. Zapote-Las Piñas, Las Piñas City, caretaker ng biktimang si Napoleon Fernandez y Cuevas, isang civil engineer. Ang pag-aresto sa suspek ay bunsod ng reklamo ni Danilo Fernandez, 64, ng Brgy. San Isidro, Talisay,…
Read More3 PATAY SA 2 VEHICULAR ACCIDENTS SA QUEZON
QUEZON – Patay ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo nang ang mga ito ay salpukin ng kasalubong na van sa Maharlika Highway sa Brgy. Sumulong, bayan ng Calauag sa lalawigang ito, nitong Huwebes ng madaling araw. Kapwa dead on the spot ang mga biktimang sina Bobette Adonis, 35, driver ng motorsiklo, at Aldy Sollestre, backrider, parehong residente ng Brgy. Mabini, Calauag. Ayon sa Calauag police, nag-overtake ang Toyota Hi Ace van sa sinusundan nitong sasakyan kaya nasakop nito ang linya ng kasalubong at nabangga ang motorsiklo dakong ala-1:20 ng madaling…
Read MoreBAHAY NG GEN. TRIAS MAYOR NASUNOG
CAVITE – Iniimbestigahanng Cavite Police ang sunog na nangyari sa abandonadong bahay na pagmamay-ari ni Gen. Trias City Mayor Jon Jon Ferrer sa Tagaytay City noong Martes ng hapon. Ang nasabing bahay ay nasa Brgy. Silang Crossing West, Tagaytay City na binabantayan lamang ng caretaker na si Petronjo Marinduque y Amulong. Ayon sa ulat, dakong ala-1:30 ng hapon nang nagsimula ang sunog sa abandonadong bahay ni Ferrer sa Brgy. Silang Crossing West, Tagaytay City. Ayon sa caretaker ng bahay na si Marinduque, nang mapansin nito na nasusunog ang bahay ay…
Read MoreLAGUNA VICE MAYOR SINUSPINDE NG DILG
INIUTOS ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Region 4-A CALABARZON, ang pagpapatupad ng siyam na buwang suspensyon sa vice mayor ng Cavinti, Laguna na si Milbert Oliveros. Sa inilabas na memorandum ni DILG CALABARZON Regional Director Ariel Iglesia, na may petsang Agosto 2, iniutos nito kay DILG Provincial Director John Cerezo ang implementasyon ng suspensyon sa panunungkulan ng vice mayor sa kanyang tanggapan sa loob ng 9 na buwan nang walang suweldo. Ang suspensyon ay batay sa naging desisyon ng Office of the Ombudsman hinggil reklamo ng…
Read MoreKASO VS 9 PULIS-CAVITE SA HULIDAP, TINIYAK
CAVITE – Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police na mahaharap sa administrative at criminal case ang siyam na miyembro ng Cavite PNP na sinasabing nagtanim ng ebidensiya at nagnakaw sa sinalakay nilang bahay ng isang 67-anyos na dating propesora. Ayon sa ulat na ipinarating sa Camp Crame, nakahanda na ang kasong administratibo at kriminal laban sa dawit na mga pulis na una nang sinibak sa puwesto kasama ng hepe ng Imus, Cavite Police. Sinibak sa pwesto ng Police Regional Office Calabarzon, ang 9 na miyembro ng Cavite PNP na…
Read More4 PATAY SA SUNOG SA BULACAN
BULACAN – Apat na miyembro ng pamilya ang namatay makaraang matupok ang kanilang bahay sa El Pueblo Del Rio Subdivision, Barangay Caypombo, sa bayan ng Sta. Maria, sa lalawigang ito, noong Martes ng madaling araw. Ayon sa report ng Bureau of Fire Protection – Region 3, na-trap ang mga biktima sa kanilang kuwarto sa ikalawang palapag ng bahay nang sumiklab ang sunog pasado alas-3:00 ng madaling araw. Kinilala ang mga namatay na si Roy Lozano, asawa nitong si Marie, parehong 39-anyos, at ang dalawang anak nila na sina Cedric, 13,…
Read More5 TULAK ARESTADO SA BULACAN DRUG DEN
PINANINIWALAANG tuluyang nalansag ng mga tauhan ng San Jose Del Monte PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang umano’y drug den sa Bulacan. Ayon kay Col. Rannie Lumactod, hepe ng SJDM PNP, sinalakay ng kanyang mga tauhan at mga operatiba ng PDEA ang hinihinalang drug den na nagsisilbi ring bentahan ng ilegal na droga sa Barangay Kaypian. Base naman sa ulat na ibinahagi ni PDEA Public Information Office chief, Director Derrick Carreon, limang suspek ang kanilang nadakip sa isinagawang anti-narcotics operation katuwang ang local police noong Lunes ng…
Read MoreDREDGING OPS PAIIGTINGIN SA BULACAN, PAMPANGA
INIUTOS ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga ahensiya ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) na tulungan ang mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga sa pagpapaigting ng dredging operation sa nabanggit na mga lalawigan. Ang paghuhukay sa mga kailugan at sapa ang isa sa pangunahing mga aksyon na kailangang gawin para sa pangmatagalang solusyon na nakikita ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan upang mabawasan ang pagbaha. Sa isinagawang Situation Briefing kasama sina Gob. Daniel Fernando, Bise Gob. Alex Castro at…
Read More