CAVITE – Hindi umabot nang buhay sa ospital ang isang 26-anyos na rider nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang poste ng kuryente sa Imus City noong Huwebes ng gabi. Isinugod sa Medical Center of Imus ang biktimang si Rinnal Guzman Mijes, ng Brgy. Pasong Buaya 2, Imus City, subalit idineklarang dead on arrival sanhi ng mga sugat sa katawan. Ayon sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo na may plakang 617 TZH, habang binabagtas ang kahabaan ang Palanas Road patungo sa direksyon ng Buhay na Tubig Road. Ngunit…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
6 HIGH POWERED FIREARMS ISINUKO SA MAGUINDANAO
CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Anim na loose firearms ang isinuko ng mga residente ng bayan ng Datu Saudi Ampatuan, Lalawigan ng Maguindanao del Sur. Ang nasabing matataas na mga kalibre ng baril ay isinuko sa pamamagitan ng ‘Balik Baril Program’ na magkakasamang ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ng Datu Saudi Ampatuan, at ng Task Force 92 na binubuo ng 92nd Infantry (Tanglaw Diwa) Battalion, DSA MPS at JPST. Ayon kay Lt. Col. Rommel Agpaoa, pinuno ng 92IB, ang nasabing programa na isinusulong ng lokal na pamahalaan,…
Read MoreBEBOT ARESTADO SA P136K SHABU
CAVITE – Arestado sa ikinasang isang buy-bust operation ang isang babaeng hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang makumpiskahan ng P136,000 halaga ng umano’y shabu sa Imus City. Nakakulong na sa Imus City Custodial Center ang suspek na si Rebecca Caoile y Sandaga, nasa hustong edad, ng Brgy. Alapan 1-A, Imus City. Ayon sa ulat, dakong alas-8:10 ng gabi, nagsagawa ang anti-illegal drug operation ang Imus City Police sa Brgy. Alapan 1-A, Imus City na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek habang nakatakas ang kasama nito. Nakuha sa suspek ang 20…
Read MoreMEGA DIKE TINITINGNANG SOLUSYON SA BAHA SA BULACAN
Personal na naghatid si Senate Majority Leader Joel Villanueva kasama si Bulacan Governor Daniel Fernando ng relief goods and Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) funds mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residente ng Calumpit sa pangunguna ni Mayor Lem Faustino, na lubusang apektado ng pagbaha. Sa kanyang pagbisita, nanawagan si Villanueva sa pamahalaan na bumuo ng isang integrated flood control program para masolusyonan na ang lumalalang pagbaha sa bansa. Bumisita rin ang senador na tubong Bulacan sa bayan ng Hagonoy at Paombong at…
Read MoreCHOP-CHOP NA KATAWAN NG TAO NADISKUBRE SA CAVITE
CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Cavite Police sa magkasunod na pagkakadiskubre ng mga putol na bahagi ng katawan ng tao sa Gen. Trias City sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon. Unang nadiskubre ang isang putol na kanang paa ng isang tao dakong ala-1:50 noong Lunes ng hapon sa Bacao River sa Brgy. Bacao 1, Gen. Trias City, na natagpuan ng mga batang naliligo sa ulan. Sumunod ang pagkakadiskubre ng isa pang putol na katawan (torso) ng tao dakong alas-5:00 noong Martes ng hapon sa isang madamong lugar sa…
Read MoreLEPTOSPIROSIS CASES TUMAAS NG 76% SA CALABARZON
NAGBABALA ang Department of Health- Center for Health Development (DOH-CHD) Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) sa publiko na mag-ingat sa leptospirosis makaraang makaranas ang bansa ng walang tigil na pag-ulan na nagdulot ng pagbaha. Partikular na nagbabala si DOH CALABARZON Regional Director Ariel I. Valencia sa mga mahilig magtampisaw, naliligo at naglalaro sa baha. Kung hindi aniya ito mapipigilan ay gumamit ng bota at gloves, at maligo o maghugas gamit ang sabon. Iniulat ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) na may kabuuang 95 kaso ng leptospirosis. Labing-apat dito…
Read MoreHELICOPTER NAG-EMERGENCY LANDING SA BANANA PLANTATION
LIGTAS ang mga pasahero sa nag-emergency landing na helicopter sa banana plantation sa Barangay Lantapan, Bukidnon, ayon sa report na nakarating sa opisina ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP). Nangyari ang insidente bandang alas-10:00 ng umaga noong Hulyo 27, Habang nasa 8,000 feet above sea level ang helicopter nang magkaroon ng aberya ang makina nito. Ayon sa naturang report, ang Robinson R44 II helicopter ay ino-operate ng Philippine Adventist Medical Aviation Services (PAMAS) na naka-base sa MVC complex sa Valencia City, Bukidnon. At batay sa nakalap ng impormasyon,…
Read MorePAGPAPAKAWALA NG TUBIG NG 3 DAM PATULOY
PINANGANGAMBAHANG matatagalan pa bago humupa ang mga pagbaha sa ilang lugar partikular sa Central at Northern Luzon na sinalanta ng Bagyong Egay dahil tuloy-tuloy ang pagpapakawala ng tubig sa tatlong dam. Dahil na rin ito sa patuloy na pag-ulan dala ng Bagyong Falcon at habagat. Batay sa pinakahuling datos ng PAGASA-Hydrometeorology Division, patuloy na nagbabawas ng imbak na tubig ang Ambuklao, Binga at Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan. Umabot na sa 101.09 meters ang lebel ng tubig sa Ipo Dam na lagpas pa rin sa spilling level nito na 101…
Read More4 rescuers hinahanap pa MISSING ALUMINUM BOAT NATAGPUAN NA
NATAGPUAN na ang aluminum boat na kinalululanan ng apat na nawawalang rescuers ng Philippine Coast Guard (PCG). Gayunman, bigo pa ring matagpuan ang nawawalang mga rescuer na tutulong sana sa mga tripulante ng isang tug boat sa Barangay Fuga, Aparri, Cagayan. Base sa ulat ng Coast Guard District North Eastern Luzon, namataan ng MV Eagle Ferry ang aluminum boat sa karagatang sakop ng Calayan Island. Salaysay ng kapitan, nakita nila itong palutang-lutang, pitong milya mula sa naturang isla. Hindi naman tumitigil ang PCG sa paghahanap sa kanilang mga tauhan na…
Read More