9 CAVITE POLICE SINIBAK SA VIRAL NA ANTI-DRUG OPS

CAVITE – Siyam na miyembro ng Cavite Police ang sinibak sa kanilang pwesto habang isinasailalim sa imbestigasyon matapos mag-viral sa social media ang hinggil sa isang police operation na may caption na “Bahay ng isang retiradong professora, niransak, ninakawan ng 8 pulis Imus” na may petsang Agosto 7. Nabatid na agad ipinag-utos ni Police Lt. Colonel Michael Batoctoy, Acting Chief of Police ng Imus City Police Station, na magpaliwanag hinggil sa insidente si SDEU Team Leader/Deputy Chief of Police Major Alexis Tuazon at walong mga tauhan nito. Ipinag-utos din ni…

Read More

AERIAL INSPECTION SA MGA BINAHANG LUGAR SA BULACAN AT PAMPANGA

NAGSAGAWA kahapon ng aerial inspection si Pangulong Ferdinand ” Bongbong” Marcos Jr. sa lalawigan ng Bulacan at Pampanga na lubhang naapektuhan ng pagbaha dulot ng nagdaang Habagat at bagyong Egay at Falcon. Kasunod nito ay nagkaroon din ng pamamahagi ng various government assistance na pinangunahan din ni Marcos kasama sina Bulacan Governor Daniel Fernando at Vice Gov. Alexis Castro na ginanap sa Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lungsod ng Malolos. Sa situational briefing ay tinalakay ang mga pamamaraan kung paano matutugunan ang suliranin sa lumalalang pagbaha sa lalawigan. Unang pinatututukan…

Read More

DALAGA NAGBIGTI SA PINTUAN NG BAHAY

CAVITE – Nagbigti ang isang 20-anyos na dalaga dahil sa matinding depresyon sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga. Wala namang nakitang senyales ng foul play ang mga awtoridad sa pagkamatay ng biktimang si Sardenil, ng Brgy. Malainen Bago, Naic, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-5:50 ng umaga nang nadiskubre ang pagpapatiwakal ng biktima sa kanilang bahay sa pamamagitan ng pagbibigti gamit ang electric wire na isinabit sa pintuan ng kanilang bahay. Nabatid mula sa pamilya, dumaranas umano ng matinding depresyon ang biktima na pinaniniwalaang dahilan…

Read More

LIDER, MIYEMBRO NG 2 DRUG GROUP SA QUEZON TIMBOG

QUEZON – Natimbog ng mga awtoridad ang isang lider at isang miyembro ng dalawang drug group sa Quezon Province sa magkahiwalay na anti-illegal drug operation sa mga bayan ng Tiaong at Candelaria noong Sabado at nitong Linggo. Ayon sa report ng Quezon PNP, dakong alas-9:30 noong Sabado ng gabi nang matimbog ng mga tauhan ng Tiaong Police ang suspek na si Edgar Mercado, 46, sa buy-bust operation sa Sitio Tondo, Brgy. Tagbakin, Tiaong. Si Mercado ay nakatala bilang high value individual (HVI) sa PNP drug watchlist, at lider ng Edgar…

Read More

RIDER PATAY SA KURBADA

CAVITE – Patay ang isang 27-anyos na rider nang nawalan ng kontrol sa kanyang manibela nang dumaan sa isang kurbadang bahagi ng kalsada at bumangga sa poste ng ilaw sa Trece Martires City nitong Linggo ng madaling araw. Naisugod pa sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Jeromani Colobong y Cabanatuan, 27, ng Carosucan Sur, Asingan, Pangasinan subalit idineklarang dead on arrival dahil sa matinding pinsala sa katawan. Ayon sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo habang binabagtas ang kahabaan ng Governor’s Drive galing ng General Trias City…

Read More

OBRERO NAKURYENTE HABANG NAGPIPINTURA

CAVITE – Patay ang isang 23-anyos na construction worker nang makuryente habang nagpipintura sa Bacoor City noong Sabado ng umaga. Hindi na nadala pa sa ospital ang biktimang si Gerald Castillo y Escano, binata, ng Brgy. Molino 3, Bacoor City, na nalagutan ng hininga sa pinangyarihan ng insidente. Ayon sa ulat, nagpipintura ang biktima kasama ang kanyang ninong na si Joel Villarama y Casas, 50, sa firewall ng ikalawang palapag ng bahay na pagmamay-ari ng isang Joey Caringgan sa nabanggit na lugar, dakong alas-10:30 ng umaga. Dahil tirik na ang…

Read More

13 BARIL NAKUMPISKA SA FARM NG KFR GROUP LEADER

LAGUNA – Umabot sa 13 matataas na kalibre ng baril at mga bala ang nakumpiska sa isinagawang raid sa farm na pag-aari umano ng lider ng isang kidnap for ransom group, sa bayan ng Pangil sa lalawigang ito. Isinagawa ng mga tauhan ng Laguna PNP Special Operation Unit, kasama ang Anti-Kidnapping Group mula Camp Crame, at iba pang PNP unit ng Laguna, ang paghahain ng search warrant sa Madriaga farm na nasasakop ng Brgy. Sulib at Brgy. Galalan. Pag-aari umano ang farm ng lider ng Madriaga kidnap for ransom group.…

Read More

EDCA SITE SA CAGAYAN BINISITA NG DEFENSE SECRETARY AT AFP CHIEF OF STAFF

BINISITA noong Huwebes nina Department of National Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro at bagong Armed Forces Chief of Staff General Romeo S. Brawner ang Lal-lo Air Base sa Cagayan na isa sa apat na karagdagang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites na napagkasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos. Kasabay ng pagbisita nina Sec. Teodoro at Gen. Brawner ang pagtiyak na maihahatid ang kinakailangang relief goods para sa mamamayan sa dulong hilaga ng Luzon na sinalanta ng bagyo at habagat nitong nakalipas na linggo partikular sa Calayaan Islands. Personal na inspeksyon…

Read More

BULACAN DRUG DEN BINUWAG, 8 ARESTADO

Camp General Alejo S. Santos, City of Malolos – Binuwag ng mga operatiba ng City of San Jose Del Monte Police Station ang nadiskubreng hinihinalang dug den at nadakip ang walong drug suspect sa Brgy. Bagong Buhay 1, CSJDM, Bulacan noong Huwebes ng hapon. Kinilala ni Bulacan Police Provincial Office (PPO) director, Col. Relly Arnedo, ang inarestong mga suspek na sina Orlando Briones, 42; Mark Christian Calipayan, 35; John Mico Aguilos, 18; Neptune Anuevo, 40; Jeffrey Ducoy, 24; Aira Kenneiker, 20; Raiza Canonigo, 22, at Rowena Evite, 51, pawang ng…

Read More