KUWENTUHANG LASING NAUWI SA SAKSAKAN

CAVITE – Nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 27-anyos na construction worker makaraang saksakin ng nipper ng kanyang kabaro sa kalagitnaan ng kanilang inuman sa bayan ng Gen. Mariano Alvarez sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Isinugod sa CARSIGMA Hospital ang biktimang si Robin Abarillo, binata, ng Brgy. F. Reyes, GMA, Cavite dahil sa saksak sa kanyang tadyang. Nakakulong na sa GMA Custodial Facility ang suspek na si Ronald Velasco y Abarillo, 42, binata, residente ng Brgy. F. Reyes, GMA, Cavite. Ayon sa ulat, nag-iinuman ang biktima at…

Read More

SUICIDE IBINIDYO NG BIKTIMA

CAVITE – Ibinidyo ng isang lalaki ang kanyang pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti matapos iwanan ng kanyang girlfriend sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Rico Gallan Rillion, nasa hustong edad, ng Brgy. Puting Kahoy, Silang, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-10:25 ng umaga nang natuklasan habang nakabigti ang biktima sa lace na itinali sa kisame ng kanilang bahay sa nabanggit na lugar. Nabatid na nakainom umano ang biktima nang isagawa ang pagpapakamatay dahil sa naranasang depresyon matapos iwanan ng kanyang girlfriend.…

Read More

EGAY DEATH TOLL UMAKYAT SA 25

UMAKYAT na sa 25 ang death toll mula sa pananalasa ng Bagyong Egay (international name: Doksuri) habang libo-libo pa ang nananatili sa evacuation centers partikular sa Northern Luzon. Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 52 ang sinasabing sugatan habang 23 pa ang nawawala kabilang ang apat na mga tauhan ng Philippine Coast Guard na sakay ng tumaob na aluminum vessel sa Abulug, Cagayan noong isang linggo. “Sumaklolo sila sa mga kababayan natin… Iyong aluminum boat [na sakay sila] ang nawawala at patuloy na hinahanap,”…

Read More

HOTEL STAFF INAMBUSH SA TULAY, PATAY

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Cavite Police hinggil sa pagkamatay ng isang 25-anyos na hotel staff matapos tambangan ng ‘di kilalang suspek habang minamaneho ng kanyang sasakyan sa bayan ng Indang sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Angelo Manlalo y Paragas, binata, ng Brgy. Lumampong Balagbag Indang, Cavite. Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng suspek o mga suspek na tumakas matapos ang insidente. Ayon sa ulat ni Police Chief Master Sergeant Houdini Cuevas ng Indang Police Station, minamaneho ng biktima ang…

Read More

GINANG PATAY SA 2 SUNOG SA CAVITE

CAVITE – Wala nang buhay nang nadiskubre ang isang ginang sa nangyaring sunog sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Kinilala ang namatay na si ‘Nanay Bahaw’, nasa hustong edad, ng Brgy. San Francisco, Gen. Trias City. Ayon sa ulat ni Police Master Sergeant Jayson C. Olivar ng Gen. Trias City Police, dakong alas-4:27 ng madaling araw nang nakatanggap ng tawag ang San Francisco COMPAC hinggil sa nagaganap na sunog sa Phase 2, Tierra Nevada Subd., Brgy. San Francisco sa Gen. Trias City. Mabilis namang nagresponde…

Read More

BULACAN ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY

Nagsimula nang mamahagi ng family food packs si Bulacan Governor Daniel Fernando kasama sina Vice Governor Alex Castro, Guiguinto Mayor Agay Cruz, 5th District Board Member Teta Mendoza, Sta Cruz Barangay Chief Emmanuel Joson para sa 1,500 families na sinalanta ng malaking baha dulot ng bagyong Egay. Ginanap ang distribusyon sa Sta Cruz Covered Court sa Guiguinto, Bulacan nitong Lunes. (Kuha ni: ELOISA SILVERIO) ISINAILALIM sa “state of calamity” ang buong lalawigan ng Bulacan makaraang lumubog sa baha na dulot ng malakas na buhos ng ulan dala ng Habagat at…

Read More

2 NPA PATAY SA SAGUPAAN SA ILOILO HABANG BAGYO

DEAD on the spot sa encounter site ang dalawang hinihinalang kasapi ng communist terrorist group, matapos na makasagupa ang mga tauhan ng 61st Infantry Battalion ng Philippine Army nitong nakalipas na linggo sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Egay at ng umiiral na southwest monsoon sa Brgy. Ayabang, Leon, Iloilo. Ayon sa ulat na ipinarating kay Lieutenant General Benedict M. Arevalo PA, commander ng AFP Visayan Command, nakasagupa ng mga sundalo mula 61st IB na nasa ilalim ng 3rd Infantry Division ng Joint Task Force Spear, ang apat na miyembro…

Read More

P100K SHABU NASAMSAM SA 2 SLIs

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P100,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa dalawang arestadong hinihinalang tulak ng ilegal na droga at nasa listahan ng Street Level Individuals (SLIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Sabado ng gabi. Kinilala ang arestadong mga suspek na sina Matt Lorenz Figuracion at Artemio Tandas y Cacayuran, kapwa nasa hustong edad. Ayon sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Dasmariñas City Police sa Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.…

Read More

GURO INARESTO SA MANILA CITY JAIL SA ESTAFA CASE

MULING inaresto ng mga operatiba ng Station Warrant and Subpoena Section ng Manila Police District – Sta. Cruz Police Station 3, ang isang 39-anyos na guro, dahil sa kasong estafa, sa loob ng Manila City Jail Female Dormitory sa Sta. Cruz, Manila noong Biyernes ng hapon. Itinago ang suspek sa pangalang “Susan”, residente ng Bacoor City, Cavite. Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, station commander, bandang alas-3:30 ng hapon nang makipagkoordina ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni Police Major Billy Ray Canagan, sa tanggapan ng MCJ…

Read More