NEGOSYANTE NIRATRAT SA MUNISIPYO, PATAY

BATANGAS – Patay ang isang 44-anyos na negosyante matapos na tadtarin ng bala ng hindi kilalang suspek habang sakay ng kanyang utility van sa harap ng munisipyo ng bayan ng Rosario sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga. Kinilala ang Rosario Police ang biktimang si Anselmo Javier Jr., residente ng Brgy. Bayawang, Rosario. Batay sa report ng Rosario Police, nakaupo ang biktima sa driver’s seat ng kanyang Isuzu Traviz na naka-park sa harap ng munisipyo, nang tabihan ito ng isang motorsiklo at pinagbabaril ng lalaking nakasuot ng helmet at naka-kapote.…

Read More

MWP SA CARNAPPING NATUNTON SA BAGUIO

BINITBIT ng mga operatiba ng District Investigation Division ng Special Mayor’s Reaction Team ng Manila Police District ang isang 33-anyos na driver na inakusahang carnapper, sa bisa ng arrest warrant sa Baguio City, unang pasok pa lamang ng taong 2023. Kinilala ang suspek na si Ariana Jawod Manzano, binata, ng Sarok Camp 7, Baguio City. Si Manzano ay naitalang most wanted person sa district level, nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 (An Act Providing New Anti-Carnapping Law of the Philippines). Batay sa ulat ni Police Major Edward Samonte,…

Read More

RIDER PUMAILALIM SA SASAKYAN, PATAY

patay

CAVITE – Naabutang nasa ilalim pa ng isang Toyota Altis ang katawan ng isang rider habang isinugod sa ospital ang backrider nito, makaraan ang aksidente sa bayan ng Mendez sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Kinilala ang biktima sa pangalang Jericho, dead on the spot sa pinangyarihan ng insidente, habang ang backride nitong si Fritz Selutan ay isinugod sa ospital ng Tagaytay dahil sa mga sugat sa katawan. Kiniala naman ang driver ng isang Toyota Altis na may plakang TYO 753, na si Janeen Rose Abrantes Torneros, nasa hustong edad. Ayon…

Read More

SANGGOL INABANDONA SA SEMENTERYO

QUEZON – Isang bagong silang na sanggol na lalaki ang inabandona sa loob ng sementeryo sa bayan ng Guinayangan sa lalawigang ito. Agad namang nasagip ng mga tauhan ng Guinayangan Municipal Police Station ang nasabing sanggol. Ayon sa report ng Guinayangan Police, dakong alas-3:20 noong Lunes ng hapon nang madiskubre ng isang residente ang sanggol na nakalagay sa isang sako sa bisinidad ng public cemetery. Agad itong ipinagbigay-alam sa mga awtoridad at natuklasan na buhay ang sanggol at nakakabit pa ang umbilical cord o pusod nito. Ayon sa mga awtoridad,…

Read More

HUSTISYA GIIT SA PINATAY NA BUSINESSWOMAN SA DAVAO

WALANG plano ang Gabriela party-list group na kinakatawan ni Rep. Arlene Brosas sa Kamara, na tantanan ang kasong pagpatay sa model at negosyanteng si Yvonne Chua Plaza sa Davao City lalo na’t isinasangkot ang dating commander ng Presidential Security Group (PSG) ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. “We join calls for justice and for a thorough and impartial investigation on the case, and urge that no sacred cows will be spared,” ayon sa grupo ni Brosas matapos makaladkad ang pangalan ni Brig. Gen. Jesus Durante III. Base sa mga report, malapitang binaril…

Read More

DEATH TOLL SA BAHA SA VISMIN, UMAKYAT SA 32

NAKAHANDANG tulungan ng  China  ang mga naging biktima ng malawakang Christmas flooding sa Visaya at Mindanao region bunsod ng malakas na mga pag-ulan sa mismong araw ng Pasko na nagdulot ng mga pagbaha at landslides. Sa isang statement, ipinaabot ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang kanilang pakikisimpatiya sa mga biktima ng naturang flash flooding. Nitong Huwebes, umakyat na sa 32 ang bilang ng mga namatay sanhi ng pagkalunod dahil sa baha at landslides, bukod pa sa 24 na idineklarang nawawala. Umaasa rin si Amb. Huang Xilian na makababangon…

Read More

MAGBEBENTA NG PELLET GUN KAKASUHAN

IPINAGBABAWAL ng lokal na pamahalaan sa mga negosyante na magbenta ng mapinsalang laruan kabilang ang pellet gun para tiyakin ang kaligtasan ng mga kabataan sa nalalapit na Bagong Taon sa Angono, Rizal. Sa isang kalatas ni Angono Vice Mayor Gerardo Calderon at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, inatasan ang lokal na pulisya para sa mahigpit na pagpapatupad ng Ordinance 15-695 na nagbabawal sa pagbebenta, paggawa at pamamahagi ng “pellet gun” sa nasabing baybaying lokalidad na mas kilala bilang Art Capital of the Philippines. Sa ilalim ng nasabing ordinansa, anim na…

Read More

WALANG HELMET, HULI SA MARIJUANA

CASTILLEJOS, Zambales –  Bagsak sa selda ang isang lalaki matapos  mahulihan ng marijuana sa PNP checkpoint sa naturang bayan noong Miyerkoles ng gabi, Disyembre 28. Kinilala ang suspek na si Jonnmer Amba y Flores, 29, residente ng Barangay Ilwas sa karatig-bayang Subic. Batay sa salaysay mula sa Castillejos Municipal Police Station, nangyari ang insidente ng pag-aresto dakong alas-7:55 ng gabi matapos sitahin ng mga pulis sa checkpoint ang suspek na sakay ng itim na Mio motorcycle dahil walang suot na helmet. Subalit habang kinikwestyon ng mga pulis ay biglang may nabitiwang ‘glass…

Read More

9 TUBBATAHA RANGERS NASAGIP NG AFP WESCOM

NAGLUNSAD ng rescue mission ang Armed Forces of the Philippine-Western Command gamit ang Philippine Navy  BRP Gregorio del Pilar para iligtas ang siyam na tauhan ng Tubbataha Ranger Station sa Cagayancillo, Palawan. Ayon sa ulat na nakalap mula sa himpilan ng AFP-WESCOM na pinamumunuan ni Navy Vice Admiral Alberto Carlos, kabilang sa siyam na nailigtas ang tatlong tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG), dalawang miyembro ng Philippine Navy at apat na sibilyan na nagmamando ng Tubbataha Ranger Station sa Tubbataha Reef, Cagayancillo, ng nasabing lalawigan. Nabatid na nagpadala ng distress…

Read More