RIDER SUMALUBONG SA VAN, PATAY

LAGUNA – Dead on the spot ang isang lalaking nakamotorsiklo matapos na bumangga sa kasalubong na utility van sa Maharlika Highway sa Barangay Makiling, Calamba City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Kinilala  ang biktimang si Almanzor Alvin Dimaunahan. Batay sa report ng Calamba City Police, bigla na lamang inokupa ng motorsiklo ang linya ng pa-southbound na van kaya nangyari ang head on collision ng dalawang sasakyan. Hindi na naisugod sa ospital ang biktima at namatay noon din dahil sa grabeng pinsalang sa ulo at katawan. (NILOU DEL CARMEN)  …

Read More

MAGSASAKA PINATAY NG KAPATID

patay

QUEZON – Patay ang isang magsasaka makaraang barilin ng nakababatang kapatid dahil sa matagal nang alitan sa kanilang lupang sakahan sa bayan ng San Francisco sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Michael dela Cruz, 39, residente ng Sitio Labrahan, Brgy. Don Juan Vercelos, idineklarang dead on arrival sa ospital dahil sa dalawang tama ng bala sa likod at sa tiyan. Batay sa report ng San Francisco Police, ang biktima ay pinagbabaril ng kanyang kapatid na si Melencio Yare, 37, malapit sa bahay ng suspek  sa Sitio Labrahan,…

Read More

PAGPUPUGAY, FINANCIAL AID SA BULACAN FALLEN HEROES

ISANG espesyal na pagpupugay bilang parangal sa limang rescuer na namatay habang gumaganap ng tungkulin sa pananalasa ng Super Typhoon Karding ang igagawad para sa kanilang kabayanihan sa “Luksang Parangal” na gaganapin ngayon (Biyernes, Setyembre 30, 2022), sa Capitol Gymnasium sa Lungsod ng Malolos, Bulacan. Ang programa ay tinawag na “Salamat at Paalam… Bayaning Tagapagligtas! Luksang Parangal para sa mga Yumaong Lingkod Bayan” na dadaluhan ng pamilya ng mga biktima, mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno nina Gov. Daniel R. Fernando at Vice Gov. Alexis C. Castro,…

Read More

Nais nang makipagkalas 18-ANYOS, PINATAY NG LIVE-IN PARTNER

LAGUNA – Patay ang isang 18-anyos na babae matapos na ito at ang kanyang pinsan ay pagsasaksakin ng live-in partner ng una sa Brgy. Langkiwa, Biñan City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang biktimang napatay na si Rochelle Ann Flores, isang estudyante, may tatlong tama ng saksak sa katawan. Sugatan naman ang 14-anyos na pinsan  nito na si Jimsher Soriaga na kasama nitong nakatira sa bahay. Batay sa report ng Biñan City Police, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang pwersahang pasukin ng 21-anyos na suspek na si John…

Read More

MGA SENADOR UMAYUDA SA MGA NASALANTA NI ‘KARDING’ SA BULACAN

PERSONAL na tinungo nila Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, Robinhood Padilla at Ronald “Bato” Dela Rosa ang bayan ng San Miguel, Bulacan upang maghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong ‘Karding nitong Huwebes. May inisyal na 500 pamilyang benepisyaryo ang tumanggap ng tig-P5 libong Assistance to Individuals on Crisis Situation mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), tig-iisang food packs kada pamilya mula sa tanggapan ni Senador Go. Mayroon namang ipinadala na 3,300 food packs ang tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)  at 500…

Read More

NAKALIGTAS SA BAGYONG KARDING TINAMAAN NG KIDLAT, PATAY

QUEZON – Patay ang isang senior high school student habang kritikal ang kalagayan ng kasama nito makaraang tamaan ng kidlat habang sakay ng bangka patungo sa bayan ng Real sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Magdadala sana ang dalawa ng kanilang mga huling pugita (octopus) sa Real sakay ng bangkang de motor nang abutan ang mga ito ng masungit na panahon at matatalim na pagkidlat  sa karagatan malapit sa bahagi ng Baluti island sa nasabing bayan dakong alas-10:00 ng gabi . Kinilala ang namatay na si Justine Establecida, 17, habang…

Read More

Nilumpo ng Super Typhoon Karding KOMUNIDAD SA BURDEOS, QUEZON NAGPAPASAKLOLO

(NILOU DEL CARMEN) HUMIHINGI ng tulong ang mga residente sa isang barangay sa bayan ng Burdeos sa Quezon na labis na sinalanta ng nagdaang Bagyong Karding. Isa ang Barangay Carlagan sa pinakamatinding napinsala ng Bagyong Karding nang mag-landfall ito sa nasabing bayan na nasa isla ng Polillo noong Linggo ng hapon. Batay sa datos PAGASA, unang tumama ang sentro ng bagyo sa kalupaan sa northeast portion ng bayan ng Burdeos kung saan naroon ang islang Barangay ng Carlagan at dalawang katabi nitong barangay ng Mabini at Bonifacio. Sa ngayon ayon…

Read More

P7-M SHABU SA STUFFED TOYS, NASABAT SA CAVITE

CAVITE – Mahigit P7 milyong halaga ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang package na idineklarang “stuffed toys” ang nasamsam matapos maaresto ang isang babae na tumanggap nito sa Bacoor City, noong Martes ng hapon. Kinilala ang arestado na si Noelle Denise Azul, 29, dalaga, habang pinaghahanap ang kaibigan nito na si Octavia Dela Cruz, 30, dalaga, kapwa residente ng Brgy. Queens Row Central, Bacoor City, Cavite. Ayon sa ulat, isang package mula sa London ang dumating noong Setyembre 23, 2022 na nakapangalan kay Dela Cruz at idineklarang “Baby Soft Toys” pero nang…

Read More

DATING MAYOR KULONG SA ELECTION OVERSPENDING

LAGUNA – Ilang buwan pagkatapos ng national and local elections sa bansa, nahaharap ang isang dating mayor ng bayan ng Paete sa lalawigang ito, sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code dahil sa overspending sa kanyang kampanya. Inaresto ng pulisya si Elmoise Afurong, 56-anyos, ng Bonifacio St., Brgy. Longos, Kalayaan, Laguna, na kumandidato noong nakaraang May 9, 2022 local and national elections. Ayon kay Laguna OIC Provincial Director Col. Randy Glenn Silvio, si Afurong ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ma. Lourdes Santos Mendoza ng Regional Trial Court,…

Read More