7 MALAYSIAN, 3 PINOY NASAGIP NG PHIL. NAVY

NAGING masaya ang kapaskuhan para sa pitong Malaysian nationals at tatlong Pilipino nang masagip sila ng mga tauhan ng Littoral Mission Ship Bongao ng Philippine Navy sa magkahiwalay na lugar sa karagatan ng Tawi-Tawi noong Sabado. Ayon kay Brig. Gen. Romeo Racadio, commander ng Joint Task Force Tawi-Tawi, walo sa sampung nailigtas na mga indibidwal ay mula sa MV Belait Surita na naglalayag mula sa Sandakan, Malaysia patungo ng Talabtab, Malaysia kung saan nakaranas ng pipe explosion ang sinasakyan nilang barko. Habang ang dalawa pang nailigtas na mga Pilipino ay sakay ng…

Read More

PNP-PRO 7 DIRECTOR SINIBAK

TUMAGAL lang ng halos dalawang buwan bilang regional director ang isang opisyal ng pulisya matapos itong biglaang sibakin sa kabila ng pagkilalang kanyang nakamit sa mga ikinasang operasyon kontra illegal drugs at E-sabong. Sa ulat, inalis ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr., si Brig. General Augustus Alba, bilang hepe ng Police Regional Office (PRO) 7. Walang binanggit na dahilan sa pagkakasibak kay Alba na sinasabing sa loob ng kanyang halos dalawang buwang pamumuno sa PRO-7 ay nanguna ang rehiyon sa may malaking accomplishment laban sa ilegal…

Read More

PANGAMBA NG POGO EMPLOYEES, OPERATORS, TINULDUKAN NG PNP

TINULDUKAN na ng Philippine National Police (PNP) ang agam-agam ng mga operator at manggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hinggil sa problema sa mga insidente sa  kidnapping, pang-aabuso at nawawalang mga trabahador. Ito ang nakapaloob sa naganap na Signing of Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng PNP, POGO companies at Local Government Units ng Bacoor City, Kawit at Carmona sa lalawigan ng Cavite na ginanap sa Camp Pantaleon Garcia, Brgy. Poblacion A, Imus City, Cavite. Kabilang sa mga napagkasunduan ay ang ang pagbibigay ng assistance sa pagkuha ng mga ito ng…

Read More

P8-M ECSTASY NASABAT SA LAGUNA

LAGUNA – Tinatayang P8 milyong halaga ng ecstasy pills ang nasabat ng mga awtoridad sa isang operasyon sa Santa Rosa City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Arestado sa operasyon ang isang babae na gumamit ng alyas “Aira Almonte” na siyang tatanggap sana ng items. Batay sa report ng CALABARZON Police Regional Office (PRO IV-A), isinagawa ng mga tauhan ng NAIA-IADITG  kasama ang mga operatiba ng PDEA IV-A, RPDEU, 1V-A, PhilPost-Inspectorate at Sta. Rosa Police, ang controlled delivery operation sa isang gasolinahan sa Brgy. Dita, Sta. Rosa kung saan ide-deliver kay alyas “Aira” ang parcel. Ayon…

Read More

P7.27-B DROGA, ESSENTIAL CHEMICALS SINIRA SA CAVITE

TINATAYANG P7.27 bilyong halaga ng ilegal na droga at essential chemicals ang sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Integrated Waste Management Inc., sa Trece Martires City noong Martes ng umaga. May kabuuang 1,426,477.49 gramo at net volume na 101,811,553.20 milliliters na mga drug evidence na nakumpiska sa iba’t bang drug operations ng ahensiya at iba pang law enforcement at military units, ang sinira ng PDEA, na umabot sa halagang P7,273,125,331.09 sa IWMI sa Barangay Aguado, Trece Martires City, Cavite. Base sa consolidated report ng PDEA Laboratory Service, kabilang dito…

Read More

P5.3-M COCAINE NALAMBAT SA DAGAT

TINATAYANG umabot sa P5.3 milyong halaga ng cocaine ang narekober ng mga tauhan ng Philippine Marines na nakatalaga sa 21st Marine Company/Marine Battalion Landing Team-1, na nakabase sa Barangay Bubuan, South Ubian, Tawi-Tawi. Agad nagresponde ang mga awtoridad hinggil sa kahinahinalang bagay na nakitang palutang-lutang sa dagat na sakop ng nabanggit na barangay. Pagsapit sa area ay nakita ng mga tauhan ng Marines ang isang plastic cellophane na naglalaman ng isang bloke ng yellowish substance na pinaniniwalaang cocaine. Ayon kay Brig. Gen. Romeo Racadio, commander ng Joint Task Force Tawi-Tawi, itinuro…

Read More

SEPULTURERO NAHULOG MULA SA NITSO, PATAY

QUEZON – Binawian ng buhay ang isang sepulturero nang ito ay mahulog sa nitso at matusok ng kutsarang pansemento sa bayan ng Dolores sa lalawigang ito, noong Martes. Kinilala ang biktimang si Eleazer Caneo, 62-anyos. Nadiskubre ang wala nang buhay na biktima dakong alas-4:00 ng hapon sa loob ng sementeryo. Lumabas sa imbestigasyon ng Dolores Police, umakyat ang biktima sa apartment type na nitso sa public municipal cemetery at nag-ayos ng katatapos pa lamang na paglibingan na nitso, nang madulas ito at mahulog. Bumagsak ito sa lupa subalit aksidenteng natusok sa…

Read More

Sa Calabarzon performance review ng RPMD: REVILLA, RECTO AT SUAREZ NAKAKUHA NG MATAAS NA RATING

SI Ramon ‘Jolo’ Revilla III na first district representative ng Cavite, ang nakapagtala ng pinakamahusay o best performance sa Calabarzon Region, sa puntos na 95%. Ito ay batay sa Boses ng Masa survey na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. Pumangalawa sa kanya si Ralph Recto ng Batangas (6th District) matapos na makakuha ng 92 percentage points. Si David ‘Jay-jay’ Suarez ng Quezon (2nd District) at Maryln ‘Len’ Alonte naman ng Biñan City (Lone District) ay kapwa nakakopo ng ikatlong puwesto sa puntos na 88 percent. Ang mga kinatawan…

Read More

BINATILYONG MIYEMBRO NG DRUG GROUP, TIMBOG

CAVITE – Nadakip ang isa sa mga kabataang miyembro ng Usman drug group at nasa listahan ng high value individuals (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Kinilala ang suspek na si Norlito Bigot y Estipona alyas “Jojo Cordero”, 18, ng Brgy. Malagasang 2C, Imus City, Cavite. Ayon sa ulat ni Corporal Marnol Cunanan ng Imus City Police, dakong alas-7:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU)-Cavite PPO sa Brgy. Malagasang 2C Imus, City,…

Read More