PASSENGER BOAT, TINANGAY NI ‘FLORITA’

QUEZON – Isang cargo passenger boat ang nawawala matapos na tangayin ng malalaking alon dulot ng bagyong Florita sa bayan ng Jomalig sa lalawigang ito. Batay sa report ng Jomalig Police, Lunes ng gabi nang madiskubre ng mga crew na nawawala ang MV Jomalig Express habang ito ay naka-angkla sa Jomalig Port sa Barangay Talisoy. Wala namang sakay sa bangka na pag-aari ng alkalde ng nasabing bayan na si Mayor Nelmar Sarmiento, nang ito ay tangayin ng mga alon. Ang Jomalig ang pinakamalayong island municipality sa lalawigan ng Quezon na…

Read More

LOVE TRIANGLE SINISILIP SA ABDUCTION SA LAGUNA

LAGUNA – Love triangle ang tinitingnang motibo ng mga awtoridad sa pagdukot ng tatlong kalalakihan sa isang lalaki sa Sta. Rosa City sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Rojin Perez na tinangay ng tatlong armadong kalalakihan mula sa kanilang bahay sa Brgy. Balibago. Batay sa report ng Sta. Rosa City Police, tumawag pa ang biktima sa kinakasama nito na pauwi na ito sa kanilang bahay subalit nang lumabas ang babae para buksan ang gate, nakita nito na bitbit ito ng tatlong lalaki na armado ng…

Read More

SEKYU NABUNDOL HABANG NAGMAMANDO NG TRAPIKO

CAVITE – Patay ang security officer ng Orchard Golf and Country Club nang mabundol ng isang Sport Utility Vehicle (SUV) habang nagmamando ng trapiko sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Isinugod sa Dasmariñas City Medical Center ang biktimang si Rodolfo Mejos y Tina, 52, security officer ng Orchard Golf and Country Club, subalit idineklarang dead on arrival. Kinilala naman ang driver ng Mitsubishi Montero na may plakang DAM 4991, na si Primo Salarda y Mallari, 51-anyos. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Jesus Bae ng Dasmariñas City Police, dakong…

Read More

Bubong ng sasakyan inakyat ng ‘taong grasa’ 7 SUGATAN SA SUMIRKONG VAN SA HIGHWAY

QUEZON – Sugatan ang pito katao matapos na ang sinasakyan nilang SUV ay bumaliktad sa highway sa bayan ng San Narciso sa lalawigang ito, nitong Martes ng madaling araw. Batay sa report ng San Narciso Police, nawalan ng kontrol sa manibela ang nagmamanehong si Genaro Esquilo matapos na may biglang umakyat na isang ‘taong grasa’ na may kapansanan sa pag-iisip, sa bubong ng sasakyan sa paakyat na kalsada sa Brgy. Villa Reyes dakong ala-1:00 ng madaling araw. Nalito umano ang driver at nagpagewang-gewang ang sasakyan hanggang dalawang beses na bumaliktad.…

Read More

Special Investigation Task Group binuo 2 SA 4 BANGKAY SA KOTSE, TUKOY NA

RIZAL – Nagbuo ang pulisya ng Special Investigation Task Group o (SITG) matapos kilalanin ang dalawa sa apat na mga biktima ng salvage na natagpuan ang bangkay sa loob ng kotse sa bayan ng Montalban sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ni P/Col. Dominic Baccay, Rizal PNP Provincial Director, kay Calabarzon-4A Regional Director P/BGen. Jose Melencio Nartatez Jr., kinilala ang dalawa sa mga biktima na sina Robert Ryan Amarillo y Shares, 40, tubong Vigan, Ilocos Sur, residente sa Brgy. Otso, Lucena City, at Carl Pabalan y Alvarado, 51, tubong Negros…

Read More

4 TINADTAD NG BALA SA ALITAN SA DROGA

RIZAL – Droga ang sinisilip na dahilan sa pagmasaker sa apat katao na ikinamatay sa dalawa sa mga ito at ikinasugat ng dalawa pang biktima kabilang ang isang kritikal ang kalagayan sa Antipolo City. Ayon sa ulat ng Antipolo PNP kay Calabarzon-4A Regional Director P/BGen. Jose Melencio Nartatez Jr., kinilala ang mga napatay na sina John Albert Padasay at Francis Labutan, kapwa may tama ng bala sa ulo at natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay sa loob ng bakanteng bahay sa Lantion Compound, Road-28, Bagong Nayon sa lungsod. Habang kritikal…

Read More

MOTORIZED BOAT NA SINASAKYAN NG MGA HINIHINALANG NPA SA SAMAR SUMABOG

SUMABOG ang bangkang sinasakyan ng mga pinaghihinalaang miyembro ng rebeldeng grupo na nagtatangkang tumakas sa mga awtoridad sa sagupaan sa Catbalogan City kahapon ng umaga. Inaalam pa kung kabilang ang mag-asawang Benito Tiamzon at Wilma Austria, kapwa miyembro ng CPP-NPA Politburo at Central Committee official ng CPP-NPA-NDFP sa mga lulan ng bangka. Ayon kay MGen. Edgardo De Leon, Commander ng 8th Infantry Division, “as of now hindi pa namin naba-validate yun ano, we are tracing back kasi yung information at hand…may sumakay sa bangka na suspicious na na-alert yung aming…

Read More

Isinusulong sa Kamara TSUPER NA BIKTIMA NG ABUSADONG TRAFFIC ENFORCER BAYARAN

SA gitna ng kabi-kabilang reklamo laban sa traffic enforcers, isang panukala ang inihain sa Kamara sa hangaring kastiguhin ang abusado habang danyos naman para sa mga tsuper na biktima ng gawa-gawang paglabag sa batas trapiko. Sa House Bill 3366 na inihain ni 1-Rider party-list Rep. Bonifacio Bosita, babayaran ng estado ang mga driver na hinuhuli ng mga traffic enforcer kapag napatunayan na ilegal at gawa-gawa lang ang mga paglabag ng mga ito sa batas trapiko. Sa hanay naman ng mapapatunayang abusado sa pagiging tagapangasiwa sa daloy ng trapiko, suspensyon at…

Read More

2 baka tinangkang itawid sa ilog MAGSASAKA TINANGAY NG AGOS SA BENGUET

NATAGPUAN na ang nawawalang bangkay ng isang lalaki na tinangay ng agos nang tangkain niyang itawid sa kabila ng ilog ang dalawang alagang baka sa lalawigan ng Benguet, ayon sa ulat ng pulisya. Kinilala ng Benguet PNP ang biktimang si Mateo Dal-it, 46-anyos, natagpuan ang bangkay matapos ang tatlong araw na search and retrieval operation sa Bakun River sa Barangay Poblacion, Bakun. Ayon sa mga awtoridad, dakong alas-9:00 ng umaga noong Miyerkules, Agosto 17, nang i-report ang umano’y pagkalunod ng biktima. Lumitaw sa pagsisiyasat ng PNP, sinubukang itawid ni Dal-it sa…

Read More