NPA NAPATAY, BARIL AT PAMPASABOG NAKUMPISKA

ISANG kasapi ng communist terrorist group ang napatay habang ilang baril at mga pampasabog ang nakumpiska sa ikinasang joint internal security operation ng PNP-Regional Office 5 at Philippine Army sa lalawigan ng Camarines Sur. Ayon kay PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, isang kasapi ng Communist Party of the Philippine armed wing New People’s Army ang napatay sa sagupaan Barangay Salvacion, Ragay, Camarines Sur noong Linggo ng hapon. Nabatid na nagsasagawa ng security operation ang pinagsanib na puwersa ng 9th Infantry Battalion (9IB), 92nd Division Reconnaissance Company (92DRC), 1st Camarines…

Read More

TRAVEL TAX DAPAT ALISIN NA -TURISMO

“ALISIN na dapat ang pangongolekta ng travel tax sa mga Pilipino na bumibiyahe palabas ng bansa”. Ito ang inihayag at kahilingan sa pamahalaan ni Atty. Marco Bautista, nominee ng Turismo Isulong Mo Party-list (TURISMO). “Malaking ginhawa sa mga kababayan nating biyahero kung matutupad ang naturang panukala na ma-repeal ang probisyon ng Republic Act 9593 o Tourism Act of 2009 na nagpapataw ng travel tax na PHP P1,620,” sabi ni Atty. Bautista. Ang TURISMO Party-list ay isa sa 165 party-lists na kinilala ng Commission on Elections (Comelec) bilang kalahok sa May…

Read More

TEENAGER PATAY SA SNATCHER

LUCENA CITY – Patay ang isang menor de edad na lalaki matapos na saksakin ng isa sa dalawang nang-agaw ng kanyang cellphone sa lungsod na ito, noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Don Rosas Bulawan, residente ng Barangay 4, Lucena City. Batay sa report ng Lucena City Police, bandang alas-11:30 ng gabi, naglalakad ang biktima kasama ng kanyang kaibigan, sa Merchan St. sa city proper nang bigla na lamang hablutin ng dalawang lalaki ang cellphone nito na tumilapon naman sa kalsada. Bagama’t hindi nakuha ang cellphone, hinabol ng dalawa ang mga…

Read More

3 PUSHER TIMBOG SA P200K MARIJUANA

RIZAL – Arestado ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang makumpiskahan ng P200,000 halaga ng marijuana sa bayan ng Montalban, sa lalawigang ito. Kinilala ni P/Lt. Col. Marcelino B. Pipo Jr., hepe ng Montalban Municipal Police, ang mga nadakip na sina John Paul Añonuevo y Orosa, James Lariosa y Pajagas at Ulama Alonday y Romapa. Nadakip ang mga suspek sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa B-43, L-12, P5, Centella Subdivision, Brgy, San Isidro Rodriguez, Rizal dakong alas-10:00 ng gabi noong Disyembre 9, 2021. Ayon sa ulat, naaresto…

Read More

KASO NG COVID-19 SA PAMPANGA MANIPIS NA

KAKAUNTI na lamang ang naitatalang kaso ng COVID-19 simula nitong Disyembre 3 sa halos lahat ng bayan sa lalawigan ng Pampanga. Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Pampanga Provincial Health Officer Dr. Zenon Ponce, na sa nasabing petsa, isang tao lamang ang nahawa ng virus sa San Fernando City, habang zero o wala naman silang naitalang kaso noong Disyembre 5, sa buong Pampanga. Pagsapit ng Disyembre 6, nagkaroon aniya ng isang kaso sa Guagua at isa rin noong Disyembre 7, sa bayan ng San Luis. Samantalang noong Disyembre 8 ay…

Read More

5 TULAK TIMBOG SA ANGONO

RIZAL – Arestado ang lima katao nang bentahan ng ilegal na droga ang isa sa mga operatiba noong Huwebes ng gabi sa bayan ng Angono sa lalawigang ito. Kinilala ni P/Lt. Col. Ferdinand Ancheta, hepe ng pulisya, ang mga nadakip na sina Ronnie Barrera, alyas “Macmac; Jeffrey Quibra, Domingo Garate, Alymark Brillo, at Gabriel Barrera, pawang nasa hustong gulang. Ayon sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi nang isagawa ng grupo ni P/Lt. Herald Medrano ang buy-bust operation laban kina alyas Macmac at Quibra sa Del Rosario Street. Nagresulta sa ito…

Read More

1,254 mga armas nasamsam PNP-PRO5 AGRESIBO KONTRA LOOSE FIREARMS

TULOY-TULOY ang pag-iskor ng Police Regional Office 5 sa kanilang pinaigting na kampanya kontra loose firearms. Kasunod nito ay 1,254 sari-saring undocumented small firearms at light weapons ang nasamsam simula Enero 1 hanggang Nobyembre 30, 2021. Ayon kay PNP-PRO5 Public Information Office chief and spokesperson, P/Major Malou Calubaquib, bunga ito ng malawakang pagsisikap ng mga miyembro ng PRO5 sa pangunguna ni Bicol PNP chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo, na hulihin ang mga sangkot sa talamak na paggamit at pagbebenta ng mga ilegal na baril. Sa kabuuan, 1,423 na operasyon ang…

Read More

11 BAYAN SA LAGUNA, COVID-FREE NA

LAGUNA – Pumalo na sa 11 bayan ang naitalang COVID-free sa lalawigang ito, ayon sa pinakahuling bulletin na inilabas ng Laguna Provincial Health Office noong Huwebes. Nabatid sa ulat, wala nang kaso ng COVID-19 sa mga bayan Alaminos, Majayjay, Lumban, Victoria, Liliw, Pangil, Mabitac, Paete, Luisiana, Rizal at Magdalena. Habang sumadsad pa sa bilang na 106 ang aktibong kaso sa lalawigan kung saan naitala ang lungsod ng Calamba na may 36 active cases, sunod ang San Pedro, 13; Sta. Rosa, 7; San Pablo. 8; Biñan, 7; Cabuyao at Sta. Cruz,…

Read More

Nagpahangin sa labas GINANG NASAPUL NG BALA NG GANGSTERS

CAVITE – Sa kamatayan nauwi ang pagpapahangin sa labas ng isang 48-anyos na negosyanteng ginang nang tamaan ng ligaw na bala mula sa dalawang grupo ng gang na nagka-engkwentro sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng gabi. Isinugod pa sa Pagamutan ng Dasmariñas City ang biktimang si Rebecca Fuentes y Balancar, taga Dasmariñas City ngunit idineklarang dead on arrival. Itinuro namang mga suspek sina Kevin Arguelles Acsaba, alyas Onyok at alyas Gerald, kapwa ng Brgy. Paliparan 3 ng nasabi ring lungsod. Ayon sa ulat ni P/MSgt. Elmo Caboboy ng Dasmariñas City…

Read More