QUEZON – Hindi inalintana ng masasamang loob ang katandaan ng isang lolo na pinagbabaril ng mga ito sa loob ng bahay sa bayan ng Gen. Nakar, noong Lunes ng hapon. Patay na nang madatnan ng mga pulis ang 84-anyos na biktima na nakabulagta sa salas ng kanyang bahay sa Barangay Batangan dahil sa mga tama ng bala sa dibdib. Kinilala ang biktimang si Solomon Martinez Zamora, walang trabaho at residente ng Sitio Rosal, sa Bayan ng General Nakar. Batay sa imbestigasyon, bandang alas-5:30 ng hapon nang pasukin ito ng tatlong armadong…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
WANTED SA CAMNORTE, LAGLAG SA PNP-PRO5
HINDI na nakapalag ang isang lalaki nang dakpin ng mga tauhan ng PNP Regional Office 5 dahil sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, sa Camarines Norte. Kinilala ang nadakip sa isinagawang manhunt operation ng mga kawani ng Camarines Norte Police Provincial Office, na si Blandino Borjal y Anoñuevo na inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Branch 39, Daet, Camarines Norte noong Nobyembre 12, 2021. Si Borjal ay isang negosyante at residente ng Purok-9, Luklukan Sur, Jose Panganiban, Camarines…
Read More3 TULAK LAGLAG SA PNP-PRO5
TATLONG kalalakihang sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga sa siyudad ng Naga ang nadakip sa ikinasang anti-narcotics operations ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5, sa pamumuno ni P/BGen. Jonnel C. Estomo katuwang ang PDEA RO5. Ayon sa isinumiteng report ng Naga City Police Office kay Bicol PNP chief, Gen. Estomo, unang nadakip sa ikinasang buy-bust operation si Rafael Pabilona Martinez, 28, residente ng Zone 7, San Rafael, Cararayan. Pagsapit ng 6:50 ng gabi, arestado rin ang isang tricycle driver na si Edgardo Manago Reyes, 42, ng Zone 6,…
Read MoreACTIVE COVID CASES SA CALABARZON, SUMADSAD SA 1K
CALAMBA CITY – Pababa nang pababa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa rehiyon ng Calabarzon kung saan naitala lamang ang 917 na bilang, ayon sa inilabas na bagong tala ng Department of Health CHD 4-A noong Lunes. Ayon sa ulat, nasa 190 na lamang ang bagong kaso ng coronavirus habang nakapagtala ng 215 na mga gumaling at 11 katao ang pumanaw. Ang lalawigan ng Cavite ang nakapagtala ng pinakamataas na aktibong kaso na pumalo sa 266, sumunod ang Rizal na may 167; Quezon, 157; Batangas, 154; Laguna, 129, at Lucena City na…
Read MoreP13-M SHABU NASAMSAM SA 3 DRUG DEALERS
UMABOT sa P13 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa isinagawang joint anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at 4th Marine Brigade ng Philippine Navy sa lalawigan ng Sulu. Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlong itinuturing na mga bigtime drug dealer na nasakote sa inilatag na joint buy-bust operation. Kinilala ang mga nadakip na sina Ilahan Yahya, 48; Murida Ahajan, at Elwina Unaid, 24, pawang mga residente ng Indanan, Sulu. Una rito, nagsagawa ng intelligence operation ang…
Read MoreSa harap ng barangay hall TRADER, KASAMA SAPUL SA BALA
QUEZON – Patay ang isang negosyante habang sugatan ang kasama nito matapos na tambangan ng hindi kilalang suspek sa bayan ng Sariaya, noong Lunes ng gabi. Kinilala ang biktimang napatay na si Ruperto Mabuna Labrague, 42-anyos, habang sugatan naman si Renante Aguila Tisbe, 44, parehong residente ng Barangay Bignay. Batay sa report ng Sariaya Police, magkaangkas ang dalawa sa motorsiklo na minamaneho ni Labrague at tinatahak ang barangay road patungo sa bahay ni Tisbe. Ngunit pagsapit sa madilim na bahagi sa harap ng barangay hall, ay pinaulanan ang mga ito ng…
Read MorePatayan na 2 MAYOR SA ZAMBOANGA INAMBUSH
(JESSE KABEL) PATAY sa pananambang ang isang alkalde at drayber nito, habang sugatan naman ang isa pang mayor na kasama nila nang tambangan ng hindi pa kilalang mga suspek sa Baliwasan Seaside sa Zamboanga City kahapon ng umaga. Hindi umabot pang buhay sa pagamutan si Mayor Darussalam Lajid ng bayan ng Al-Barka, Basilan habang kritikal naman si Mayor Alih Awal Sali ng bayan ng Akbar sa Basilan. Patay rin sa insidente ang pinsan ni Mayor Sali na si Barad Nuruddin na nagmamaneho ng sasakyang tinambangan bandang alas-8:30 ng umaga sa…
Read MoreP230K NATANGAY NG BASAG-KOTSE
NAGPALABAS ng isang malawakang babala ang Cavite provincial police kaugnay ng magkahiwalay na pagsalakay ng isang grupong pinaniniwalaang nasa likod ng pagnanakaw ng mga kagamitan sa loob ng mga sasakyan. Sa tala ng Cavite PNP, hindi bababa sa P230,000 halaga ng mga kagamitan ang natangay ng mga miyembro ng Basag Kotse gang sa bayan ng Silang nito lamang nakaraang Sabado. Kinilala ang mga biktimang sina Glenn Rosales ng Sta. Rosa. Laguna at Kimberly Briones Coloma na mula naman sa Lipa City sa lalawigan ng Batangas. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya,…
Read MoreKONSEHAL SAPUL SA TANDEM
SA pagtatapos ng himig ng pambansang awit, muntik na ring matapos ang buhay ng isang konsehal makaraang puntiryahin ng riding-in-tandem sa Barangay San Agustin, Sarrat, Ilocos Norte kahapon ng umaga. Sa paunang ulat ng pulisya, papasakay na sa kanyang sasakyan si Konsehal Apolonio Medrano pagkatapos dumalo sa flag raising ceremony sa munisipyo, nang paputukan ng hindi pa kilalang mga suspek na lulan ng humaharurot na motorsiklo. Mabilis namang isinugod sa pagamutan ang biktimang agad na nilapatan ng lunas. Ayon sa mga saksi, mabilis na tumalilis palayo sa lugar ng insidente…
Read More