NASABAT ng pinagsamang puwersa ng Criminal and Investigation Detection Group (CIDG)- Cavite at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tinatayang 750 kilos ng ammonium nitrate na sangkap sa pampasabog, at 1,000 piraso ng improvised blasting caps, sa dalawang lalaki sa operasyon sa magkahiwalay na lugar sa Lucena City, Quezon at Gen. Trias City, Cavite noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang arestadong mga suspek na sina Charlito Tenorio, 52, may asawa, ng Daffodil St., Brgy. Salcedo, Noveleta, Cavite, at Jay-Ar Suson, 34, binata, ng Brgy. Isabang, Tayabas, Quezon Ayon sa…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
SENIOR CITIZEN PATAY SA KURBADA *2 pa dedbol sa bundol
CAVITE – Binawian ng buhay ang isang 65-anyos na senior citizen nang bumangga ang sinasakyang L300 van na minamaneho ng kanyang anak sa isang nakaparadang trailer van sa pakurbadang bahagi ng kalsada sa Imus City nitong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang namatay na si Arnel Cruz, Sr. habang sugatan ang anak nitong si Arnel Joseph Cruz, 27, miyembro ng Philippine Air Force (PAF), na isinugod sa MCI Hospital. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Wilfred Guevarra ng Imus City Police Station, dakong alas-12:15 ng madaling araw nang mangyari ang insidente habang…
Read MoreMga miyembro balik-loob sa gobyerno – Gen. Estomo PWERSA NG NPA, PALIIT NANG PALIIT
MABABAKAS ang unti-unting paghina ng pwersa ng New People’s Army sa sunod-sunod na pagsuko ng mga miyembro nito sa iba’t ibang probinsya ng Bicol Region partikular na sa Masbate, ayon kay PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo. Ito ay matapos na sumuko ang isang ama na nagnanais magbagong buhay at maging ehemplo sa kanyang mga anak sa Brgy. San Antonio, Milagros, Masbate. Itinago ito sa pangalan “Tatay Caloy”, 63-anyos at isang magsasaka. Bakas sa mukha ng dating rebelde ang kasabikan na tahakin ang tuwid na landas at gayundin ang…
Read More6 PATAY SA ANTIPOLO SHOOTOUT
ANTIPOLO City, Rizal – Anim kataong pinaniniwalaang miyembro ng isang notorious robbery at carnapping group ang patay nang makipagbarilan umano sa mga rumespondeng pulis makaraang holdapin ang isang gasoline station sa Sitio Boso-boso na sakop ng Barangay San Jose kahapon ng madaling araw. Sa paunang ulat ng pulisya, lumalabas na dakong 1:30 ng madaling araw nang matiyempuhan ng mga miyembro Antipolo PNP sa kahabaan ng Marcos Highway sa nasabi ring barangay ang dalawang lulan ng motor kasama ang kalalakihan sakay naman ng isang kotseng may plakang naka-alarma. Nang lapitan umano…
Read More2 JEEP INARARO NG TRUCK SA SLEX, 2 PATAY
LAGUNA – Dalawa ang patay matapos araruhin ng trailer truck ang dalawang service jeepney na nakatigil sa northbound lane ng SLEX sa bayan ng Cabuyao, Huwebes ng madaling araw. Batay sa report ng Regional Highway Patrol Unit -IVA, na-flat ang gulong ng unang cargo jeepney na minamaneho ni Joseph Agdan kaya huminto ito sa Lane 3 ng SLEX bandang alas-2:50 ng madaling araw. Tinulungan it ng ka-convoy na jeep na minamaneho ni Limuel Rosales, 31, na tumigil sa shoulder lane sa unahan ng nasiraang jeep. Ngunit dahil nasa gitna, hindi…
Read More1 PATAY, 3 SUGATAN SA BANGGAAN SA CAVITE
CAVITE – Binawian ng buhay ang isang backrider habang sugatan ang driver ng motorsiklo, driver ng Mitsubishi Adventure at isang pasahero makaraang magbanggaan ang dalawang sasakyan sa Imus City noong Miyerkoles ng gabi. Kapwa isinugod sa Medical Center Imus sina Ryan Chavez Lopez, 28; Vernon Hebron Ronquillo, 27; Roderick Pangan De Leon at Maria Dolores Baluyot De Leon, 55, ngunit idineklarang dead on arrival si Lopez. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Carlo Punzalan ng Imus City Police Station, dakong alas-9:30 noong Miyerkoles gabi habang binabagtas ng Mitsubishi Adventure GLS Wagon…
Read MoreTAIWANESE NA 17-TAONG WANTED NABITAG NG BI
QUEZON – Nalambat sa mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Taiwanese national na wanted sa mga awtoridad sa Taipei dahil sa tangkang pagpatay sa kanyang kababayan, 17 taon na ang nakalilipas. Ayon sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente mula sa BI’s Fugitive Search Unit (FSU), kinilala ang dayuhan na si Huang Kuan-I, 53, naaresto noong Lunes ng umaga sa bayan ng Real sa lalawigan ng Quezon. Ang mga ahente na humuli sa dayuhan ay armado ng warrant of deportation na inisyu ni Morente matapos makatanggap ng…
Read More8 WANTED PERSONS NALAMBAT NG PNP BICOL
SA gitna ng pangamba dulot ng banta ng COVID-19 pandemic, ang PNP Bicol, sa pamumuno ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, Regional Director, PRO5, ay mas pinaigting ang kampanya kontra kriminalidad upang matiyak ang seguridad ng bawat Bicolano. Noong ika-12 ng Oktubre 2021, nagsagawa ng anim na operasyon ang PNP Bicol sa ilalim ng ‘campaign against wanted persons’ na nagresulta sa pagkakahuli sa walong indibidwal. Sa probinsya ng Albay, timbog ang rank 7 city most wanted person ng Ligao City sa bisa ng warrant of arrest sa kasong qualified rape na inisyu ng RTC Branch 12, Ligao City. Kinilala ang suspek na si Romeo…
Read MoreLIDER NG GUN FOR HIRE GROUP, TIMBOG
BATANGAS – Natimbog ng mga awtoridad ang umano’y lider ng isang gun for hire group sa bayan ng Padre Garcia sa lalawigang ito. Kinilala ang suspek na si Sulpicio Andal, 55, lider ng Andal gun for hire group na nag-o-operate sa lalawigan ng Batangas. Si Andal ay inaresto sa ikinasang search warrant operation ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit-Batangas PPO, OPD-Drug Enforcement Unit, 1st Batangas Provincial Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion 403rd-A Maneuver Company, at Padre Garcia MPS sa bahay nito sa Barangay Maugat, Padre Garcia. Nakuha kay Andal ang isang kalibre .45 na baril, mga magazine at bala nito. Nasa kustodiya na ng Batangas PPO ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa…
Read More