SIYAM katao, kabilang ang ilang paslit, ang naiulat na nasawi sa loob ng dalawang araw na pananalasa ng bagyong Maring sa Mimaropa at bahagi ng hilagang Luzon base sa paunang ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC). Patuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operations sa 16 na nawawala. Ayon kay Mark Timbal na siyang tumatayong tagapagsalita ng NDRRMC, kabilang sa mga hinahanap pa rin ang apat kataong pinaniniwalaang natabunan sa pagguho ng lupa sa Benguet. Binayo ng bagyong Maring ang malaking bahagi ng Luzon na nagdulot…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
3 PATAY SA PAMAMARIL SA QUEZON
QUEZON – Tatlong lalaki ang namatay sa dalawang magkasunod na insidente ng pamamaril sa lalawigang ito, noong Lunes. Ayon sa ulat, magkasamang nanonood ng telebisyon sa loob ng isang vulcanizing shop sa Brgy. Malabanban Norte sa Candelaria ang dalawang biktimang sina Michael Tañada Fuentes, 40, at Jerome Luterte Maraon, 28, nang dumating ang mga suspek at sila ay pinagbabaril dakong alas-9:00 ng gabi. Habang sa bayan ng Lopez, pinagbabaril din hanggang sa mapatay ang furniture maker na si Michael Nobilla Fullante, 40, sa loob ng bahay nito sa Barangay Calantipayan. (NILOU DEL CARMEN) 209
Read MoreRIDER PATAY, ANGKAS SUGATAN SA DUMP TRUCK
CAVITE – Patay ang isang rider habang sugatan ang angkas nito nang mawalan ng balanse ang motorsiklo matapos masagi ng dump truck at magulungan sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Isinugod sa Las Piñas District Hospital ang mga biktima ngunit hindi umabot nang buhay si Eleazar Gulfo Agaraw, nasa hustong edad, habang inoobserbahan ang kalagayan ng angkas nitong si Orlando Pongon Velche. Pinaghahanap naman ang driver ng isang pulang HOWO dump truck na si Kenneth Mariano na tumakas makaraan ang insidente. Ayon sa ulat ni…
Read MoreKAP SASAGUPA SA BATA NI DU30
NAHAHARAP sa matinding sagupaan ang isang kapitan ng barangay sa bayan ng Sta. Maria sa lalawigan ng Bulacan. Ang kanyang tatapatan – pambato ng administrasyong Duterte. Gayunpaman, kampante si Kapitan Renato Castro ng Barangay Manggahan, na makakasilat ng panalo laban sa pambato ng PDP-Laban na si Vice-Mayor Ricky Buenaventura, lalo pa’t kabi-kabilang pag-endorso na ang ipinahatid ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor. Kabilang sa mga nagpahayag ng suporta kay Castro ang 20 pastor mula sa iba’t ibang religious organizations, mga negosyante, non-government organizations at maging ang mga residente…
Read MoreTURISTA PATAY SA WEEKEND OUTING
BATANGAS – Nalunod ang isang dalagang turista makaraang tangayin ng alon habang naliligo sa isang resort sa bayan ng Lian sa lalawigang ito noong Linggo ng umaga. Kinilala ng Lian Police ang biktimang si Yukumi Diamante Aoyagi, 20, residente ng Pasig City. Ayon sa report, kasama ng biktima ang tatlong binatang kaibigan at naliligo sa baybaying dagat ng Half Moon Village Resort sa Barangay San Diego nang mangyari ang trahedya bandang alas-10:00 ng umaga. Bigla na lamang umanong tinangay ang apat ng malalaking alon patungo sa malalim na bahagi ng dagat.…
Read MoreLIBO-LIBONG DINAMITA NASAMSAM SA BUKIDNON
LIBO-LIBONG piraso ng mga dinamita ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Army 4th Infantry Division sa Sitio Malinao, Barangay Kalasungay, Malaybalay City, Bukidnon. Ayon kay Army 4th ID commander, Maj. Gen. Romeo Brawner, umabot sa 1,076 na 22mm x 189 grams dynamites stick at isang anti-personnel mine (APM) ang nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng 8th Infantry “Dependable” Battalion, Philippine Army, Bukidnon Provincial Intelligence Unit, Bukidnon Provincial Explosive Ordnance Disposal at Canine Unit sa Sitio Malinao, Barangay Kalasungay, sa Malaybalay City. Ito ay matapos na matuntong ang imbakan ng mga pampasabog…
Read More3 MURDER, RAPE SUSPECTS NABITAG NG PNP-PRO5
DALAWANG murder suspects at isang akusado sa panggagahasa ang nadakip ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5 na nasa pamumuno ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, Regional Director, sa inilunsad na manhunt operation sa Samar at Camarines Norte. Sa isinumiteng ulat kay Bicol PNP chief, P/BGen. Estomo, nadakip sa inilunsad na law enforcement operation sina Sandro Marantal alyas “Andoy”, 33, ng Brgy. Mungolbungol, Northern Samar, at Jason Marantal alyas “Hadji/Buboy”, 31, binata, farmer/fisherman at naninirahan sa Brgy. Sablayan, Juban, Sorsogon. Nitong nakalipas na Linggo, sinalakay ng mga operatiba ng 2ND Police…
Read MoreGumagawa ng aralin sa gilid ng kalsada 3 ESTUDYANTE SINURO NG TRUCK, PATAY
DEAD on the spot ang tatlong estudyante nang salpukin ng rumaragasang 10-wheeler truck noong Linggo ng hapon sa Barangay Matagangtang, Placer, Masbate, ayon sa ulat ng PNP-PRO5 kahapon. Kinilala ang mga biktimang sina Christy Francisco, 16, Grade 11; Ferdalyn Cañete, 10, Grade 5, at Jelian Tamayo, 13, Grade 7, pawang mga residente ng Barangay Matagantang. Ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo mula kay Police Major Emerson Ecalnir, hepe ng Placer, Masbate Municipal Police Station, sinuro ang mga biktima sa tabi ng kalsada, ng…
Read MoreMay 354 active cases, 23 gumaling COVID DEATHS SA NAVOTAS NADAGDAGAN
ISANG COVID-19 patient ang binawian ng buhay sa Navotas City habang 354 ang active cases hanggang 11:59 pm noong Oktubre 8 matapos na 12 ang nagpositibo sa virus at 23 naman ang nakarekober. Pumalo na sa 17,419 ang mga tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 16,532 na ang gumaling at 533 ang namatay. Samantala, wala namang iniulat na namatay sa Malabon City dahil sa pandemya, habang anim ang nadagdag na confirmed cases noong Oktubre 9. Sa kabuuan ay nasa 20,824 ang positive cases sa lungsod, 257…
Read More