BUMBAY NAGPAALAM BAGO NAGPAKAMATAY

patay

CAVITE – Nagpaalam muna ang isang 25-anyos na Indian national bago nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog sa Gen. Trias City at pagkaraan ay natagpuan ang bangkay nito noong Huwebes ng hapon. Bloated na nang matagpuan ang katawan ni Navjeet Gill Sigh, lalaki, binata at residente ng Leica Homes, Brgy, San Francisco, Gen. Trias City. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Christopher Dumlao ng Gen. Trias City Police Station, dakong alas-3:50 ng hapon nang matagpuan ang nakalutang na bangkay ng biktima sa ilog na sakop ng Brgy. Clara ng nabanggit…

Read More

LALAKI NA-SANDWICH NG 2 TRUCK

CAVITE – Mistulang na-sandwich ang isang 57-anyos na lalaki nang naipit ang katawan nito sa dalawang sasakyan sa loading dock sa loob ng isang kumpanya sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon. Isinugod sa UMC Hospital ang biktimang si Josefino Cesa ngunit hindi umabot nang buhay. Kinilala naman ang driver ng sasakyan na may plakang XHY 225 na nakaipit sa biktima na si Joel Asa, 49-anyos. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Apolonio Narte ng Dasmariñas City Police, nakatayo ang biktima sa harapan ng kanyang nakaparadang sasakyan na may…

Read More

2 SALVAGE VICTIMS ITINAPON SA CREEK

patay

QUEZON – Dalawang bangkay na hinihinalang biktima ng salvage ang itinapon sa isang creek sa Eco Tourism Road, Brgy. Guis- Guis Talon sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon. Ayon sa report ng Sariaya Police, nadiskubre ng ilang mga nagdaraan ang bangkay ng isang babae at lalaki sa creek sa gilid ng highway dakong alas-2:00 ng hapon. Ang mga bangkay ay kapwa nakahubad at nakasuot lamang ng underwear. Ayon sa pulisya, nakabalot ng packaging tape ang ulo ng mga biktima at nakagapos ang mga paa at at…

Read More

OBRERO PINATAY, INILIBING NI KAPITAN

CAVITE – Makalipas ang halos 14 araw, natunton ang bangkay ng isang 22-anyos na construction worker noong Huwebes ng hapon, matapos umanong patayin ng isang dating barangay captain at inilibing ang katawan nito sa isang madamong lugar Cavite City. Kinilala ang arestadong suspek na si Rowell Tamboon, 40, residente ng Soriano St., Brgy. 24, Caridad, Cavite City habang pinaghahanap ang mga kasama nito na sina Reynald Angeles Mayo, 20; at alyas Totoy, pawang mga responsable sa pagpatay sa biktimang si Ricky Boy Aleman Colarte, ng Soriano St., Brgy. 24, Caridad St.,…

Read More

CHINESE NATIONAL, INIHULOG MULA SA VAN

china

CAVITE – Itinulak at inihulog mula sa sasakyan ang isang Chinese national at natagpuan ng mga awtoridad habang pagala-gala sa Gen. Trias City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga. Dinala sa Gen. Trias Medicare Hospital si Xiao Kong, 57, pansamantalang tumutuloy sa Makati City, dahil sa mga sugat sa katawan. Ayon sa ulat ni Corporal R-Jay Magwale ng Gen. Trias City Police Station, dakong alas-6:00 ng umaga noong Huwebes, habang nagpapatrulya ang mga operatiba ng PASCAM COMPAC ng Gen. Trias CPS nang madaanan ng mga awtoridad ang biktima habang tulalang naglalakad…

Read More

9 WANTED SA BICOL LAGLAG SA PNP-PRO5

SA pinalawak na kampanya kontra kriminalidad ng PNP Police Regional Office 5 na nasa pamumuno ni Regional Director Jonnel C. Estomo, nagwakas na ang ilang taong pagtatago sa batas ng siyam na indibidwal sa ikinasang manhunt operation ng PNP Bicol nitong nakalipas na araw sa iba’t ibang panig ng rehiyon. Sa probinsya ng Sorsogon, tatlong wanted ang nadakip ng pulisya ng Sorsogon Police Provincial Office katuwang ang Regional Mobile Force Battalion 5, dakong 10:30 ng hapon noong Huwebes sa Brgy. 4, Poblacion, Sta. Magdalena. Kabilang sa mga nahuli ay ang…

Read More

Gimik para maabot ang target MILYONG PREMYO SA PAGPAPABAKUNA

SA hangaring mabilis na maabot ang target na herd immunity kontra COVID-19, inilunsad ng Department of Health – Calabarzon ang gimik na buwanang pa-premyo para sa mga residenteng magpapabakuna. Ayon kay DOH-Calabarzon regional director Eduardo Janairo, mayroon  na silang nakalaang premyong salapi kada buwan sa ilalim ng kanilang programang “Resbakuna: Bakunado Panalo,” para sa mapapalad na mabubunot para magwagi ng salaping nagkakahalaga ng P5,000 hanggang isang milyon. Aniya, simple lang manalo — kinakailangan lamang magpabakuna upang makasali sa “Resbakuna: Bakunado, Panalo” promo. “This is to encourage everyone to enlist and…

Read More

NEGOSYANTE, 2 PANG TULAK NALAMBAT

SWAK sa kalaboso ang isang negosyante matapos mahulihan ng isang pakete ng selyadong plastik ng hinihinalang shabu sa inilatag na buy-bust operation ng Sorsogon Police Provincial Office sa Brgy. Cogon, Sorsogon City. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, kinilala ang suspek na si Julius Cesar Roque Empleo, 40, residente ng Brgy. Pangpang. Samantala, dalawang kabilang sa Naga City drug watchlist database ang nadakip sa ikinasang anti-narcotics operation ng mga operatiba ng Naga City Police Office, sa pakikipag-ugnayan sa PDEA ROV. Alas…

Read More

ISA PA, HIRIT NG LAGUNA GOB

CALAMBA City, Laguna — Muling naghain ng kandidatura sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) para ikatlo at huling termino si incumbent Governor Ramil Hernandez. Kasabay namang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) ng gobernador ang katambal nitong si Vice Governor Karen Agapay at kabiyak nitong si Laguna 2nd district Rep. Ruth Hernandez. Sasagupain naman ng tambalang Hernandez at Agapay ang ang dating TV news reporter na si Rep. Sol Aragones bilang gobernador at Jerico Ejercito para naman bise gobernador. Kabilang din sa mga naghain ng kandidatura ang transgender na…

Read More