9 MANGINGISDA NASAGIP SA TUMAOB NA BANGKA

SIYAM na mangingisda ang nasagip ng mga mga tauhan ng PNP Police Regional Office 5 na nasa pamumuno ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, sa karagatan matapos tumaob ang sinasakyan nilang fishing boat malapit sa baybayin ng Mercedes town sa lalawigan ng Camarines Norte. Ayon sa ulat na ibinahagi ni PNP-PRO5 Public Information Office chief, Police Major Malou Calubaquib, matapos na makatanggap ng distress call ay agad nagbuo ng rescue team ang mga tauhan ng Jose Panganiban Municipal Police Station at Camarines Norte Maritime Police Station para saklolohan ang mga tripulante…

Read More

Sa joint ops ng PNP-PRO5, AFP SAKO-SAKONG MAGAZINES, BALA NG M-16 NASAMSAM

bala

BUNSOD ng sumbong ng mga residente, nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippine ang sako-sakong bala at sangkap na pampasabog sa Barangay San Bartolome, Sta. Magdalena, Sorsogon noong Martes ng umaga. “Ito ang panlaban natin sa CTG (Communist Terrorist Group), ang pagkakaisa natin tungo sa iisang layuning tapusin na ang mahigit limang dekadang armadong tunggalian,” ani P/BGen. Jonnel C. Estomo, regional Director ng PNP-PRO5, matapos na matunton ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ang isang M-16 armalite rifle; tatlong sako na…

Read More

Walang kuryente, limitadong oxygen COVID CASES LUMOLOBO SA BATANES

BATANES – Nalalagay sa balag ng alanganin ang 28 positibo sa COVID-19 na naka-confine sa nag-iisang pampublikong pagamutan, bunsod ng kawalan ng kuryente at kapos na supply ng oxygen sa lalawigang ito. Sa tala ng Batanes General Hospital, halos kalahati ng kanilang mga pasyente ang tinamaan ng nakahahawang sakit na pinaniniwalaang nakuha sa evacuation centers nang salantain ang nasabing lugar ng bagyong Kiko. Ayon kay Dr. Jeffrey Canceran, 16 sa 28 nagpositibo ang kinakitaan ng moderate symptoms, habang tatlo ang kritikal. Dalawa naman ang sinasabing mild cases pero kinailangang i-confine…

Read More

Kahit stickers di pwede! CAMPAIGN POSTERS TABLADO SA KAMPO

NANINDIGAN si Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar na ang kapulisan ay walang kinikilingan. Kaya naman kanyang direktiba – bawal ang mga campaign posters sa lahat ng kampo, himpilan ng pulisya at kahit pa sa mga police detachments nito. Maging ang mga sasakyan ng pulisya, off-limits din at di pwedeng gamitin sa anomang paraan ng pangangampanya – kahit pa stickers, bawal, aniya. Sa isang kalatas, inatasan ni Eleazar ang lahat ng police personnel na iwasan mabahiran ng pulitika ang kanilang institusyon, lalo pa’t inaasahan ang pagratsada ng pamumulitika…

Read More

8 WANTED PERSONS NASAKOTE NG BICOL PNP

DAHIL sa adbokasiya na “SAFE BICOL” ang Police Regional Office 5 ay patuloy ang paglulunsad nang malawakang operasyon kontra kriminalidad at kampanya laban sa mga wanted ng batas. Nadagdag sa huling datos ng PNP-PRO ang pagkakahuli sa walong “top ranking most wanted persons” sa probinsya ng Sorsogon at Masbate matapos ang ikinasang manhunt operation ng pulisya noong Lunes, Oktubre 4, 2021. Sa Sorsogon, nabigyan ng tuldok ang pagtatago sa batas ng pitong indibidwal sa kamay ng batas. Tinawid pa ng mga kawani ng Sorsogon Police Provincial Office ang probinsya ng…

Read More

12 HAZING SUSPECTS, NABITAG NG PNP-PRO5 SA LAGUNA

“HAZING is a serious crime,” deklara ni Bicol PNP Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo nang madakip ng mga tauhan ng PNP-PRO5 Sorsogon ang 12 miyembro ng Tau Gamma Phi na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa RA 11053 o Anti-Hazing Law. Ayon kay P/BGen. Estomo, mula sa lalawigan ng Sorsogon ay nagsagawa ng simultaneous law enforcement operations ang mga tauhan ng Bulan Municipal Police Station, sa pangunguna ni P/Col.  Arturo P. Brual Jr., Provincial Director ng Sorsogon PPO, sa Calamba, Laguna na nagresulta sa pagkakaaresto sa 12 miyembro ng nasabing fraternity…

Read More

Matapos magreklamong hindi pinasusweldo CHINESE POGO WORKER INABANDONA SA TUNNEL

CAVITE – Iniwan sa Kaybiang Tunnel sa bayan ng Ternate ang isang Chinese national makaraang umano’y magreklamo ito na hindi pinasusweldo bilang call center agent. Kinilala ang Chinese national na si Wu Weihong, 31-anyos. Ayon sa ulat ni P/SMSgt. Noel Villanueva ng Ternate Police, dakong alas-9:00 umaga noong Lunes nang i-turnover ng mga operatiba ng CPMFC sa pulisya ang biktima matapos na matagpuang pagala-gala sa Kaybiang Tunnel sa Brgy, Sabang 1, Ternate, Cavite. Ayon kay Villanueva, madaling araw noong Lunes nang ibaba ng isang gray na sasakyan na minamaneho ng…

Read More

84% SA NCR BAKUNADO NA SA NOBYEMBRE

TINATAYANG 84% ng eligible population sa National Capital Region (NCR) ang inaasahan na magiging fully vaccinated laban sa COVID-19 sa buwan ng Nobyembre. Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benjamin “Benhur” Abalos Jr., 75.57% ng eligible population sa NCR ang fully vaccinated at inaasahan na aabot ito ng 84% sa susunod na buwan. Sa Disyembre naman aniya ay 92% ng populasyon sa NCR ang inaasahan na magiging fully vaccinated. “In one month, ang projections po namin, aabot siguro tayo ng mga 84 percent, dahil ‘yung mga naka-first dose…

Read More

Mga armas isinuko 4 NPA NAGBALIK-LOOB

BOLUNTARYONG sumuko ang apat na miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa pinagsanib pwersa ng Philippine Army at Philippine National Police sa Headquarters ng 1st Infantry Battalion,sa Brgy Tongohin, Infanta, Quezon nitong araw ng Sabado. Bitbit ng apat na miyembro ng KLG NARCISO, SRMA4A ang kanilang armas na kinabibilangan ng isang kargadong Garand rifle, isang Anti-Personnel Mine (APM), isang Shotgun at isang kalibre 38 revolver. Ayon sa mga nagpakilalang mga dating rebelde, hindi na nila kaya pa ang hirap na nararanasan sa kabundukan. Pagod na rin umano sila sa pakikipaglaban.…

Read More