BULAKENYO PINAG-IINGAT SA DENGUE

BUKOD sa COVID-19, pinaalalahanan din ni Gob. Daniel Fernando ang publiko na maging mapagmatyag kontra sa mapanganib na dengue lalo na ngayong tag-ulan. Ayon sa Epidemiology and Disease Surveillance Unit ng Provincial Health Office-Public Health, nakapagtala sila ng may kabuuang 1,718 na pinaghihinalaang kaso ng dengue at tatlo ang namatay mula Enero 1 hanggang Hulyo 3, 2021. “Manatili po tayong maalam, mapagmatyag at maingat. Ang dami po nating kalaban hindi lang ang COVID-19 na nagparalisa sa lipunan mahigit nang isang taon, hindi rin po nawawala ang dengue na malaking banta…

Read More

HIGIT 3K PROTOCOL VIOLATORS SINITA, PINAGMULTA

PINAGMULTA ang halos 85 indibidwal habang 3,425 indibidwal ang sinita ng mga awtoridad dahil sa paglabag sa minimum health protocols sa lalawigan ng Laguna na ngayon ay nasa ilalim ng MECQ. Sa ulat ni Laguna Police Provincial Director PCol. Serafin Petalio II kay Calabarzon Regional Director PBgen Eliseo DC Cruz, umabot sa 3,510 ang nahuling pasaway sa operasyon nitong nakaraang Agosto 3. Ilan sa mga ito ay nasita sa paglabag sa curfew hours simula alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga, hindi nagsusuot ng face mask, mga nagsagawa ng mass…

Read More

Sa pinaigting na operasyon ng PNP-PRO5 12 WANTED SA BICOL LAGLAG SA BITAG

LARAWAN ng huwarang paglilingkod si P/BGen. Jonnel C. Estomo, bilang Regional Director ng PNP Bicol, dahil binigyang pansin ang paghahandog ng serbisyong nakikita, nagpapahalaga at nararamdaman ng bawat Bicolano. Sa loob ng dalawang buwan niyang panunungkulan, hindi salita kundi aksyon ang mas ipinairal niya upang makamtan ang nais na katahimikan para sa pamayanan. Patunay rito ang pagkakahuli sa 12 suspek sa iba’t ibang panig ng rehiyon noong ika-2 ng Agosto ng taong kasalukuyan. Sa probinsya ng Camarines Sur, tatlo ang nadakip ng mga operatiba ng Camarines Police Provincial Office, kabilang…

Read More

PULIS TODAS SA SARILING BARIL

BATANGAS – Binawian ng buhay ang isang pulis makaraang aksidenteng pumutok ang kanyang baril sa bayan ng San Pascual sa lalawigang ito, noong Martes ng tanghali. Kinilala ang biktimang si P/Capt. Joval Lopez, 36, nakatalaga sa PNP CES, Camp Crame. Ayon sa San Pascual Police, dumating ang biktima sa kanilang bahay sa Barangay Del Pilar sakay ng kotseng Mitsubishi Lancer. Inihayag ng kapatid na babae na si Marshel Lopez, bago bumaba habang nakaupo sa driver’s seat ay inilabas ng biktima ang kanyang service firearm na cal. 9mm pistol Glock 17 para alisan ng bala…

Read More

6-ANYOS SAPUL NG BALA SA ULO

BATANGAS – Nasa ulo pa ng isang 6-anyos na batang lalaki ang ligaw na bala na tumama sa kanya habang naghahapunan ang pamilya sa kanilang bahay sa Purok 1, Buliran Highland, Brgy. San Mateo, sa bayan ng Sto. Tomas sa lalawigang ito, noong Lunes. Agad ipinagbigay-alam ng nanay ng menor de edad na si Annabelle Piezas y Andrino, 23, ang insidente sa Sto. Tomas City Police Station. Lahad ni Piezas, bandang alas-7:00 ng gabi noong Agosto 1, masayang naghahapunan ang pamilya nang makarinig sila ng malakas na putok ng baril.…

Read More

2 WANTED SA MURDER ARESTADO SA PNP-PRO5

“TRUTH is always self-evident,” pahayag ni PNP-PRO 5 Regional Director Jonnel C. Estomo nang madakip ng kanyang mga tauhan ang isang most wanted person sa kasong murder sa Masbate City. Ang suspek na si Antonio Albao Montilla, residente ng Barangay Balete, Aroroy, Masbate, ay inaresto sa ikinasang law enforcement operation sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder, na inisyu ni Presiding Judge Teofilo B. Tambago, ng RTC Branch 45, Fifth Judicial Region, Masbate City. Walang inirekomendang pyansa ang korte para sa nasabing kaso ng suspek. Ayon kay Estomo,…

Read More

DALAGITA NALIGO SA DAGAT, NALUNOD

CAVITE – Natagpuan ang bangkay ng isang 15-anyos dalagita sa Tanza noong Lunes ng umaga makaraang malunod sa dagat sa Naic matapos na magkayaang maligo kasama ng ilang mga kaibigan noong Linggo ng hapon. Kinilala ang biktimang si Mary Ann Asne, ng Block 15, Lot 113, Phase 3, Ciudad Verde, Timalan, Naic. Ayon sa ulat ni Corporal Nikko Paul Barranco ng Tanza Police Station, dakong alas-10:30 noong Lunes ng umaga nang nadiskubre ng isang Carlo Reymundo, 35, mangingisda, ang nakalutang na bangkay ng biktima sa dagat sa sakop ng Brgy.…

Read More

2 CTG MURDER SUSPECTS TIMBOG SA PNP-PRO5

“VISION is seeing the invisible.” Ito ang naging pahayag kahapon ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo matapos na madakip ng kanyang mga tauhan ang dalawang kasapi ng communist terrorist group (CTG) New People’s Army ng National Democratic Front sa Milagros, Masbate. Kinilala ni P/BGen. Estomo ang mga nadakip na sina Randy Cabarles Hermina at Elias Sinco Albao. Nabatid na ang dalawang nadakip na CTG ay kinilalang mga aktibong kasapi ng Militiang Bayan ng Larangan 2, Kilusang Partido 4 sa ilalim ng pamumuno ni Ka Luding Tulingan, secretary general ng Masbate,…

Read More

LAGUNA, MECQ SA AGOSTO 1-15

CALAMBA CITY – Itinaas ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang quarantine classification status ng Laguna sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula Agosto 1 hanggang 15 dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 Delta variant sa lalawigan. Naunang nairekomenda ng IATF na isailalim sa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions mula Agosto 1 hanggang 15 ang mga lalawigan ng Laguna, Cavite, Rizal at Lucena City habang ang lalawigan ng Batangas at Quezon ay nasa General Community Quarantine mula Agosto 1 hanggang 31. Ngunit itinaas sa MECQ noong Linggo ang…

Read More