BINAWI ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang inilabas na show cause order laban sa alkalde ng Maynila dahil sa umano’y kakulangan ng pamahalaang lungsod sa anti-illegal drugs operations noong 2018. Sa isang memorandum na pirmado ni Interior Undersecretary Ricojudge Janvier Echiverri, nakasaad na ang nailabas na show cause order ay isang “inadvertent re-issuance.” Dahil sa pagkakamali at base na rin sa kanilang polisiya at procedures na sinusunod sa kagawaran, sinabi ni Echiverri na kanilang binabawi ang show cause order laban sa alkalde. Base sa memorandum, may nauna…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
P95-M MARIJUANA WINASAK SA KALINGA
UMANI ng papuri mula kay Philippine National Police (PNP) chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang mga tauhan ng Police Drug Enforcement Group (PDEG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa pagwasak nila sa P95 milyong halaga ng marijuana kasunod ng ikinasang marijuana eradication sa Tinglayan, Kalinga. Ayon sa ulat na isinumite kay P/General Eleazar mula sa PDEG, sa pamumuno ni P/BGen. Remus B. Medina, winasak ng pinagsanib na pwersa ng PNP at PDEA ang 22,500 piraso ng fully grown marijuana at 420 kilo ng pinatuyong mga dahon nito na…
Read More2 CONCEPCION CRIME GROUP MEMBERS, NAKORNER
NADAKIP ang notoryus na miyembro ng Concepcion criminal gang sa isinagawang law enforcement operation ng Police Regional Office 5 –Albay PNP, kaugnay sa kasong paglabag sa probisyon ng RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, sa lalawigan ng Albay. Ayon kay PNP Bicol Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, naglunsad ng manhunt operation sa Brgy. Alongong, Libon, Albay sa bisa ng warrant of arrest laban sa akusadong si Jonathan Lascano y Cabrillas, 44-anyos, residente ng nasabing lugar. Sa nasabing operasyon, habang si Lascano ay binabasahan ng miranda doctrine ay…
Read MoreOperasyon ng PNP-PRO5 pinaigting TAX COLLECTOR NG CPP-NPA HULI SA ENTRAPMENT
HULI sa akto ang kolektor ng Rebolusyonaryong Buwis sa Kaaway na Uri (RBKU) at miyembro ng New People’s Army sa isinagawang entrapment operation ng PNP-PRO5 sa pangunguna ng Daet MPS, noong Miyerkoles ng hapon sa harap ng Golden Palace Restaurant, Zabala St., Purok 4, Brgy. IV, Daet, Camarines Norte. Sa report na natanggap ni PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo, kinilala ang revolutionary tax collector na si Edelyn Royo y Quierra, 37-anyos, dalaga, at residente sa Mabini St., Purok 2, Brgy. Kanluran, San Vicente, ng naturang probinsya. Ayon kay Major Malou Calibaquib, tagapagsalita…
Read MoreMay apat na kaso ng Delta variant BULACAN NAIS ITAAS SA MECQ
BUNSOD ng naitalang apat na kaso ng COVID Delta variant at sa mabilis at patuloy na pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease, pinaniniwalaan ng COVID Provincial Task Force na mga Delta variant na ang naitalang latest active cases sa nakalipas na 10 araw. Kaya naman hihilingin ni Governor Daniel Fernando sa national government partikular na sa COVID-19 Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolutions, na isailalim ang probinsiya sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) with some restrictions o kaya ay Modified ECQ with heightened restrictions. Sa isinagawang virtual meeting ng Bulacan COVID-19…
Read MoreSOLON: NUTRITION PLAN NG QUEZON I-UPDATE
PINAREREPASO ng isang mambabatas sa Kamara ang Provincial Nutrition Action Plan ng Quezon upang palakasin ang pagtugon sa malaking problema ng malnutrisyon sa lalawigan. Apela ito ni Rep. Helen Tan sa pamahalaang panlalawigan kaugnay ng panawagan ni Secretary Eduardo Año ng Department of Interior and Local Government sa lahat ng pamahalaang lokal sa bansa na i-update ang kanilang nutrition plans kasabay ng pagpapatupad ng full devolution sa susunod na taon. “Tunay na napapanahon ang kagyat na pagpapalakas ng mga plano at pagkilos ng ating lalawigan sa nutrisyon dahil sa mas…
Read MorePAGPATAY SA NEGOSYANTE SA NE, PINAIIMBESTIGAHAN
AGARANG pinaiimbestigahan ng Anak Mindanao (AMIN) party-list ang karumal-dumal na pagpatay at pagsunog sa isang negosyanteng Muslim sa Nueva Ecija. Naghain ng resolusyon si Anak Mindanao (AMIN) Partylist Rep. Amihilda Sangcopan para imbestigahan ang pagkidnap at pagpatay sa negosyanteng si Nadia Casar sa Nueva Ecija ng diumano’y limang pulis sa nabanggit na lalawigan. Sa paunang imbestigasyon, sinasabing si Casar at ang driver ng nirentahang transport network vehicle service (TNVS) ay kinidnap noong July 20 sa Barangay Tagpos, Sta. Rosa, Nueva Ecija. Ninakawan umano ang drayber ng TNVS ng cellular phone…
Read MoreTULAK NASUKOL NG PNP BICOL
TINATAYANG 50 gramo ng hinihinalang shabu ang nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Naga City Police Station 6, PDEA Cam Sur at Cam Norte sa ikinasang buy-bust operation noong Agosto 3 sa Vista Mall parking lot, Brgy. Del Rosario, Naga City. Sa isinumiteng ulat kay PNP-PRO5 Reginal Director Jonnel C. Estomo mula sa Naga City Police Office, na pinamumunuan ni P/Col. Marlon M. Catan, City Director, dakong alas-6:15 ng gabi nang mangyari ang palitan ng droga at bayad sa pagitan ng poseur buyer at suspek na kinilalang si Cesar C. Novelo, 45,…
Read More7 MOST WANTED TIKLO SA PNP-PRO5 MANHUNT OPS
PITONG pinaghahanap ng batas ang nadakip ng mga operatiba ng PNP Kasurog matapos ang inilunsad na Manhunt Charlie Operation laban sa most wanted persons na may kasong panggagahasa at tangkang pagpatay. Ayon sa ulat na ipinarating kay PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo, unang nadakip ang pangwalo sa provincial most wanted person (PMWP) ng Sorsogon na nahaharap sa apat na kasong panggagahasa na kinilalang si Mario Golim y Jobelo alyas “Boknoy,” 49, magsasaka at residente ng Purok 4, Brgy. San Vicente, Bulan, Sorsogon. Sinundan ito ng pagkakaaresto sa pangsiyam na municipal…
Read More