Isa sa 3 suspek timbog sa PNP-PRO5 5 PATAY SA MASAKER

LIMANG kasapi ng isang pamilya ang walang-awang pinatay ng hinihinalang mga akyat-bahay noong Sabado ng gabi sa Barangay Tinapian, bayan ng Baleno, lalawigan ng Masbate. Agad namang nadakip nitong Linggo ng umaga ng mga tauhan ni PNP-Police Regional Office 5 Regional Director Jonnel C. Estomo, ang isa sa mga suspek habang target ng malawakang manhunt operation ang dalawa pang suspek. Tigmak ng dugo nang matagpuan ang mag-asawang sina Jesus Adigue y Dino, 70, at Adela Cortes y Adigue, 67-anyos. Nadatnan ding wala nang buhay ang biyudang si Jennifer Adigue y Cortes,…

Read More

14 CHINESE DINAMPOT SA SUGAL SA PAMPANGA

PAMPANGA – Labing-apat na Chinese nationals ang inaresto ng pulisya matapos mahuli sa aktong nagsusugal ng Poker sa Angeles City nitong Linggo ng umaga. Ayon kay PRO3 Police regional Director, P/BGen. Valeriano De Leon, bandang alas-2:30 ng madaling-araw nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng CIDG Regional Field Unit-Region 3, CIDG Provincial Field Unit-Pampanga, Police Station 2 & 5 ng Angeles City Police Office ang 2nd Floor ng Seven-Eleven sa Friendship Highway, Brgy. Pampanga, Angeles City, Pampanga makaraang makatanggap ng impormasyon hinggil sa ilegal na pasugalan na nagresulta sa pagkakadakip…

Read More

Kauna-unahang kaso sa Zambales 2 YEAR OLD BABY MAY DELTA VARIANT

NAKAPAGTALA ng kauna-unahang kaso ng Delta variant ng COVID-19 ang lalawigan ng Zambales. Ito ang inihayag ni Governor Hermogenes Ebdane Jr., kasabay ng pagtukoy sa 2 taong gulang na sanggol mula sa bayan ng San Antonio. Ayon sa gobernador, lumalabas na asymptomatic ang sanggol sa kabila ng pagkaka-exposed nito sa kanyang ina, na isang nurse sa ospital sa Iba. Subalit napag-alaman na hindi na-exposed o negatibo sa coronavirus infection ang ina ng bata na siyang ipinagtataka ng mga awtoridad partikular ng provincial IATF. “Dahil meron kakaibang tingin doon sa bata,…

Read More

TABANG BRIDGE BUBUKSAN NA SA PUBLIKO

INANUNSYO ng Department of Public Works and Highway (DPWH) Bulacan First District Engineering Office na nakahanda nang buksan sa mga motorista sa Agosto 31 ang Tabang Bridge makaraang matapos na ang isinagawang total replacement and widening nito. Ayon kay Engr. Henry Alcantara, district engineer ng DPWH-Bulacan First District Engineering Office, pormal itong bubuksan sa publiko sa Martes (Agosto 31, 2021) matapos ang mahigit pitong buwang konstruksyon. Paliwanag ni Alcantara, ang pagkabalam ng pagbukas ng nasabing tulay ay sanhi ng nakaraang malakas na pag-ulan dulot ng bagyong “Fabian”, “Ang initial scheduled…

Read More

AWOL NA PARAK, 7 PA HULI SA DROGA

CAVITE – Tinatayang P170,000 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam makaraang madakip sa buy-bust operation ng mga awtoridad ang walo katao, kabilang ang isang dating pulis, sa Bacoor City noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang mga arestado na sina Wilson Sabado, dating pulis na nakatalaga sa Southern Police District (SPD) ngunit nag-AWOL (Absence Without Official Leave) noong 2016; Jessie Aquino, 54; Alfredo Toledo, 50; Paul Harris Odivila, 36; Denmark Santianes, 23; Dennis Ayeras, 35; William Ducalang, 39, at Alexander Sementina, 33-anyos. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Christian Nel Cuevas ng…

Read More

Binabalewala sa request na bakuna CAVITE GOB SUKO NA!

DISMAYADO na si Cavite Governor Jonvic Remulla kaugnay ng tila kawalan ng suporta ng national government hinggil sa hiling na bakuna para sa lalawigan. “I’am already beyond frustrated. Naka-ilang meeting na pero everytime we ask for vaccine support the answer is “we will get back to you”. Puro ganyan” pahayag ni Remulla sa kanyang social media post. “Matira ang matibay?  Beyond frustrated with low vaccine support from national government” ayon pa sa gobernador. Una nang sinabi ni Remulla na kung siya lang ang masusunod, mas nanaisin niyang karguhin ng lalawigan…

Read More

2 BOMBA NATAGPUAN SA CAVITE

CAVITE – Dalawang bomba ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Napag-alaman, natagpuan ang isang bomba sa bayan ng Amadeo habang sa bayan ng Maragondon naman ang isa pa. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Arvin Balbuena, isang tawag ang natanggap ng Amadeo Police Station mula kay Kagawad Noel Advincula Salaban at sinabing isang bomba ang natagpuang sa isang bakanteng lote sa Brgy. Salaban ng naturang bayan dakong alas-10:00 noong Huwebes ng umaga. Habang nahukay naman sa isang bahagi ng kalsada sa Brgy. Bucal 1,…

Read More

ISA NA NAMANG ABOGADO NILIKIDA

ISA na namang abogado ang hinihinalang nilikida ng mga hired killer makaraang pagbabarilin ng riding in tandem habang sakay ng kanyang kotse sa Cebu City. Ayon sa ulat ng Cebu City Police Office, agad nalagutan ng hininga ang biktimang si Atty. Rex Jose Mario Fernandez makaraang tambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspek. Lumilitaw sa inisyal na pagsisiyasat, sakay ng kanyang kotse ang 64-anyos na abogado ngunit pagsapit sa R. Duterte St. sa Barangay Guadalupe ay dinikitan ito ng mga suspek at saka ilang ulit na pinaputukan. Hinihinalang biktima ng hired…

Read More

39 BAHAY NATUPOK, 2 PATAY SA QUEZON

QUEZON – Namatay ang isang 15-anyos na dalagita at isang 4-anyos na batang babae sa nangyaring sunog na tumupok sa 39 bahay sa bayan ng Guinayangan sa lalawigang ito, noong Biyernes ng madaling araw. Ayon sa report ng BFP Guinayangan, nangyari ang sunog pasado ala-1:00 ng madaling araw sa Barangay Manggagawa. Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na pinagtulung-tulungang puksain ng mga kagawad ng BFP ng Guinayangan at ng mga karatig bayan. Ayon pa sa report, sa bahay ng mga biktima nagsimula ang sunog at mabilis na kumalat sa mga katabing bahay dahil…

Read More