SUMUKO ngunit agad ding pinakawalan ang 23-anyos na suspek sa hazing matapos bawiin ang kanyang pag-amin sa payo ng abogado. Ayon kay PLtCol Bismarck Mendoza, hepe ng Gen. Trias Component City Police Station, hindi maaaring gamitin laban sa suspek ang boluntaryong pagsuko at pag-amin kung walang extrajudicial confession. Ang suspek na si “alyas John,” 4th year maritime student ng Philippine Nautical and Technological Colleges – Dasmariñas at miyembro umano ng Tau Gamma Phi, ay kusang sumuko kay Gen. Trias City Mayor Jonjon Ferrer bago itinurn-over sa pulisya. Nabatid na si…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
LALAKI PATAY SA KAPWA RIDER
CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kung onsehan sa droga ang dahilan ng pagpatay sa isang motorcycle rider na binaril ng kapwa rider sa General Trias City noong Martes ng hapon. Naisugod pa sa General Trias Medicare Hospital ang biktimang si alyas “Ed”, 37, binata, ng Gen. Trias City, subalit idineklarang dead on arrival dahil sa tama ng bala sa ulo. Tinutugis naman ang suspek na kinilalang si alyas “Poks” na sakay ng kanyang itim na motorsiklong Yamaha Mio na may plakang 757UZO, na tumakas matapos ang insidente. Nabatid…
Read More21 PERSONS OF INTEREST SA HAZING SA CAVITE
TINATAYANG nasa 21 indibidwal ang mga suspek at persons of interest sa hazing sa 19-anyos na estudyante sa General Trias, Cavite. Ayon kay Cavite Police Provincial Office Director Police Colonel Ariel Red, nananatili sa kustodiya ng General Trias City Component Police Station ang driver na siyang nagdala sa biktima sa ospital. Aniya, walang katotohanan ang ulat na pinalaya ang naturang driver, binigyan lamang umano ito ng pagkakataong kumuha ng sariling abogado. Nakatakda namang isailalim ito sa inquest proceedings sa Dasmariñas City Prosecutor’s Office nitong Miyerkoles, dahil sa paglabag sa Anti-Hazing…
Read MorePNP NAGBABALA SA POSIBLENG DISGRASYA SA RILES NA TINAMBAKAN NG LUPA
QUEZON – Nagkaroon ng aberya sa riles ng tren matapos tambakan ng lupa ang isang barangay road crossing sa bayan ng Candelaria sa lalawigan. Ayon sa mga residente, nagpasya umanong tambakan ng makapal na lupa ang bahagi ng riles dahil nahihirapan umanong makatawid ang mga tricycle sa lugar na sakop ng Barangay Taguan. Itinuro pa ng ilang residente ang barangay bilang umano’y nagpasimuno ng naturang hakbang. Ngunit itinanggi ng mga opisyal ng barangay ang alegasyon at sinabing wala silang inilabas na utos para tambakan ang riles. Sa halip, itinuro nila…
Read MoreNaghatid ng P1.2-B surplus, BOC FEBRUARY TARGET NALAGPASAN
NAPANATILI ng Bureau of Customs (BOC) ang matatag na momentum sa kita sa unang bahagi ng 2026, matapos lumampas sa target ng koleksyon para sa Pebrero ng mahigit P1.2 bilyon. Ito ang ikalawang sunod na buwan ngayong taon na nakapagtala ang Bureau ng higit sa inaasahang performance. Batay sa paunang datos, nakapagtala ang BOC ng P73.798 bilyon na koleksyon noong Pebrero, lumampas sa target na P72.592 bilyon ng humigit-kumulang P1.206 bilyon, o tinatayang 1.7 porsyento. Ito ay mas mataas kumpara sa koleksyon noong Pebrero 2025 na P71.765 bilyon, na nagpapakita…
Read MoreHALOS P.5-B SMUGGLED YOSI NASABAT NG PHIL. NAVY
HALOS kalahating bilyong pisong halaga ng smuggled cigarette ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Navy-Western Mindanao Naval Command sa inilunsad na dalawang Maritime Operations. Ayon sa ulat na ibinahagi ng punong himpilan ng Hukbong Dagat ng Pilipinas, matagumpay na nasabat ng WMNC, sa pamamagitan ng kanilang Naval Task Force 61, ang smuggled foreign cigarettes na may kabuuang Final Estimated Market Value (FEMV) na P466,515,728.29 sa dalawang magkahiwalay na maritime interdiction operations sa loob ng kanilang Area of Operations. Unang nasabat ng mga pwersang pandagat ang M/V Sun Voyage sa…
Read More2 PATAY, 3 SUGATAN SA BUMAGSAK NA CHOPPER
RIZAL – Patay ang dalawa katao habang tatlo pa ang malubhang nasugatan sa pagbagsak ng isang civilian chopper sa bayan ng Pililla sa lalawigan nitong Martes ng umaga. Ayon sa ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), isang Bell 505 helicopter ang bumagsak kasunod ng tinangka nitong forced landing sa Barangay Quisao sa bayan ng Pililla. “The aircraft was en route from Manila to Quezon Province when the incident occurred,” ayon sa CAAP. Nabatid na lima katao, kabilang ang dalawang dayuhan, ang sakay ng aircraft nang mangyari ang…
Read MoreSUSPEK SA PAGPATAY SA 2 MINORS ARESTADO
RIZAL – Pormal nang sinampahan ng kaso ang 18-anyos na suspek sa kalunos-lunos na pagpatay sa pinsan at nobyo nito sa loob ng Old Cemetery sa Sitio Namay, Brgy. San Juan, sa bayan ng Morong noong Linggo ng hapon, Marso 1, 2026. Ayon kay Provincial Director PCol. Eleazar Barber, dalawang bilang ng kasong murder ang isinampa sa hindi pinangalanang suspek, sa Rizal Provincial Prosecutor’s Office matapos ang isinagawang inquest proceedings. Kalunos-lunos ang sinapit ni Russel Hernandez, 12-anyos, at nobya nitong si Rhea Jane Tayaban, 13-anyos na pinsang buo ng suspek,…
Read MoreHAZING VICTIM NA INIWAN SA OSPITAL, NAMATAY
CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa isang pasyenteng biktima ng hazing na dinala ng isang sasakyang Mitsubishi Mirage sa isang ospital at iniwan na kalaunan ay namatay sa Gen. Trias City noong Linggo, Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng pasyenteng biktima na dinala sa Gen. Trias Medical Hospital sa Brgy. Manggahan, General Trias City, bandang alas-2:11 ng hapon. Ayon sa ulat, isang Mitsubishi Mirage na may plakang NAV 9489, ang dumating sa nasabing ospital na may dalang pasyente na umano’y biktima ng hit and run, tinawag ang hospital…
Read More