CAVITE – Inaresto ang isang nagpakilalang empleyado sa gobyerno na tumangging magbayad matapos uminom at nanutok ng baril sa bayan ng Silang sa lalawigan nitong Huwebes ng madaling araw. Nakapiit na sa Silang Municipal Police Station ang suspek na si alyas “Michael”, 35, isang personal bodyguard, ng Barangay Gregoria De Jesus, GMA, Cavite. Ayon sa reklamo ni alyas “Archie”, 30, doorman ng Highway Star Bar sa Brgy. Banaba, Silang, Cavite, pumasok ang suspek at nag-order ng isang bucket ng beer, pero nang natapos uminom bandang alas-12:45 ng madaling araw at…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
PDEG BUKAS SA IMBESTIGASYON SA 3 NAPATAY SA BUY-BUST
BUKAS sa imbestigasyon ang Police Drug Enforcement Group (PDEG) sa kanilang isinagawang buy-bust operation sa Cubao, Quezon City na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong drug suspects. Nanindigan si PDEG Director BGen. Elmer Ragay na lehitimo ang isinagawa nilang buy-bust operation kahit pa nauwi ito sa madugong engkwentro na ikinamatay ng tatlong umano’y drug suspects. Aniya, bukas sila sa anomang imbestigasyon, lalo na sa motu proprio inquiry ng Internal Affairs Service upang suriin ang legalidad at proseso ng operasyon. Sinabi ni Ragay, mula pa noong buwan ng Agosto ay minamanmanan na…
Read MoreAUCTION SA 7 LUXURY CARS NG DISCAYAS SINIMULAN NA
SINIMULAN na ang kauna-unahang public auction sa nakumpiskang luxury vehicles ng mga contractor na mag-asawang sina Curlee at Sara Discaya sa tanggapan ng Bureau of Customs sa Port Area, Maynila nitong Huwebes ng umaga. Ayon kay Customs Commissioners Ariel Nepomuceno, pito mula sa 13 luxury cars ang kanilang isusubasta. Aabot aniya sa kabuuang mahigit P100 milyon ang halaga ng pitong magagarang sasakyan na natuklasang walang kaukulang mga dokumento. Kabilang sa isinubasta ang Rolls-Royce Cullinan, 2023 edition na nagkakahalaga ng P45,314,391.11. Kasama rin ang Toyota Tundra (2022) na halagang P4,994,078.00; Toyota…
Read MorePAGBAWI SA PERANG NINAKAW SA FC SCAM PINABIBILISAN
PINABIBILISAN na ng pamahalaan ang pagbawi sa perang ninakaw sa taumbayan ng mga sangkot sa maanomalyang flood control projects, ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon. Sa isinagawang public auction sa luxury cars ng mag-asawang contractor na sina Curlee at Sara Discaya sa Bureau of Customs (BOC) nitong Huwebes, Nobyembre 20, sinabi ni Dizon na hindi titigil ang pamahalaan para agarang maibalik ang pera ng taumbayan. Bukod dito, sinisiguro rin na makukulong ang mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), contractors at iba pang indibidwal na sangkot…
Read MoreLOLO PATAY SA STUDENT DRIVER
NASAWI ang isang 73-anyos na lalaki matapos mabangga ng estudyanteng driver habang tumatawid sa kalsada sa Maragondon, Cavite, Martes ng madaling araw. Kinilala ang biktima bilang alyas ‘Catalino’, residente ng Brgy. Bucal 4B, Rosario, Cavite. Isinugod pa siya sa ospital pero idinaklarang dead on arrival. Batay sa ulat, nangyari ang insidente bandang alas-3:40 ng madaling araw sa kahabaan ng Bypass Road, Brgy. Bucal 4A, habang minamaneho ng suspek na si alyas ‘Jedrick,’ 20-anyos, ang isang Toyota Vios (plakang NGT 5244). Hindi na nagsampa ng kaso ang pamilya ng biktima matapos…
Read MorePATAY KAY ST UWAN 33; 253 KAY TS TINO
UMAKYAT na sa 33 ang bilang ng mga nasawi dahil sa Super Typhoon Uwan matapos na hagupitin nito ang Central at Northern Luzon. Habang nasa 253 naman ang death toll ng Tropical Storm Tino bukod pa sa 119 indibidwal na iniulat na nawawala at 502 ang nasaktan. Samantala, 51 namang ang bilang ng injured persons at isa ang nawawala bunsod ng pananalasa ng Super Typhoon Uwan sa bansa, na nakaapekto sa mahigit pitong milyong indibidwal at marami sa mga ito ang nasa evacuation centers pa rin. Sa latest report nitong…
Read MoreVISAYAS GRID INILAGAY SA YELLOW ALERT
ISINAILALIM ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa yellow alert ang Visayas Grid mula alas-3:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi nitong Miyerkoles. Ayon sa NGCP advisory, umabot sa 20 power plants ang bumagsak habang 14 pang planta ang may kulang sa kapasidad, dahilan para mawala ang kabuuang 898.6 megawatts sa grid. Sa kabila nito, nananatiling normal ang kondisyon ng Luzon at Mindanao grids. Ipinaliwanag ng NGCP na tinaas ang yellow alert dahil kulang ang operating margin ng grid para matugunan ang contingency requirements sakaling magkaroon ng biglaang…
Read More12 LOCAL TERRORISTS SUMUKO
LABINDALAWANG dating terorista ang sabay-sabay na tumalikod sa karahasan at nagbalik-loob sa pamahalaan sa magkahiwalay na lugar sa Maguindanao del Sur bago sumapit ang kapaskuhan, bilang patunay na mas pinipili na ngayon ng marami ang pag-asa at kapayapaan kaysa patuloy na pakikipaglaban. Sampu sa mga nagbalik-loob ang kusang sumuko sa 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion sa Brgy. Kabingi, Datu Saudi Ampatuan noong Nobyembre 17. Kasabay ng kanilang pagtalikod sa karahasan ang pagsuko ng 11 na matataas na kalibre ng armas, kabilang ang isang Rocket-Propelled Grenade (RPG), isang 60mm mortar, at siyam…
Read More3 NPA PATAY SA ENGKWENTRO SA LEYTE
LEYTE – Patay ang tatlong miyembro ng New People’s Army sa nangyaring pakikisagupa sa mga sundalo nitong Martes ng umaga sa bayan ng Jaro sa lalawigan. Ayon sa ulat ng Jaro Municipal Police Station na nakarating sa Camp Crame, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa presensya ng mga armadong kalalakihan sa mabundok na bahagi ng Barangay Pange. Kaagad namang nagresponde ang mga tauhan ng 802nd Brigade ng nasabing unit sa mabundok na lugar ngunit hindi pa nakalalapit ang mga sundalo ay pinaputukan na sila ng mga rebelde hanggang sa gumanti…
Read More