ADOBO

ADOBO-5

Sarap sa iba’t ibang sangkap  (Ni Ann Esternon) Sa mga putaheng Pinoy, hindi mawawala sa hapag ang adobo. Bahagi na ito ng kultura at ng ating kasaysayan, kaya ba’t ito’y tinaguriang “Philippines’ National Dish.” Noong araw ito ay niluluto sa palayok dahil ibang lasa rin ang hatid nito gamit pa ang tradisyunal na paraan ng pagluluto – ang kahoy bilang panggatong. Unang niluto ang adobo sa panahon pa ng pananakop sa atin ng mga Kastila. Ang paraan sa pagluluto ng putaheng ito ay naobserbahan ng mga Kastila at tinawag na…

Read More

REMEDYO SA DRY SKIN

DRY SKIN

Kapag hindi panahon ng tag-init, pwedeng maging dry ang a­ting balat. Pero anoman ang panahon, may remedyo sakaling maging dry ang skin natin. Hindi rin uub­ra ang year-round routine para sa dry skin, kaya kailangan ay may adjustment o pagbabagong gagawin. Kapag hindi nagawa ang adjustment sa skin care, ang dry air ay maaaring maging daan sa pagkakaroon ng fine lines at wrinkles na mas nagiging obvious. Kapag tayo ay may dry skin, ito ay posib­leng mangati, magkaroon ng flakes, crack, at magdugo. Ayon sa dermatologists, ito ang mga dapat…

Read More

GILAS PILIPINAS: ROUGH ROAD TO CHINA

gilas33

SPECIAL FEATURE (NI JOSEPH BONIFACIO)   SA hinaba-haba man ng prusisyon, sa China din ang tuloy. Iyan ang destinasyon ng Gilas Pilipinas na isang linggo na lamang ay sasalang na sa pinakamalaking tanghalan ng basketball sa buong mundo – ang 2019 FIBA World Cup na nakatakda sa Foshan, China mula Agosto 31 hanggang Setyembre 15. Subalit hindi makinis, madali at swabe ang naging daan ng Gilas Pilipinas – bagkus – lubak-lubak, matarik at mahabang ruta ang kanilang binagtas. Upang makapasok sa World Cup, sumalang sa FIBA World Cup Asian Qualifiers…

Read More

FOOD ALLERGY, MAAARING MAGING DELIKADO

FOOD ALLERGY

Ang allergies ay nagsisimula kapag ang ating immune system ay nagkamali ng pag-identify sa isang substance tulad ng pollen, mold, animal dander, o pagkain na mas delikado. Ang allergies ay nag-i-stimulate sa immune system para maglabas ng certain chemicals, gaya ng histamine, na nagiging daan para sa pagkakaroon ng allergy symptoms. Ang lahat ng warm-blooded na mga hayop ay may kaunting paglagas ng flakes mula sa kanilang balat at ito ay tinatawag na dander. Para itong balakubak kung sa tao, pero ang sa mga hayop ay hindi basta nakikita. Sa…

Read More

MGA WIKANG MAS GINAGAMIT SA ‘PINAS

WIKA-1

(Ni ANN ESTERNON) Nagdiriwang ang bansa ngayon sa Buwan ng Wikang Pambansa. At sa taong ito ang tema ay “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino.” Ang pagdiriwang na ito ay alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1041 at ito ay pinirmahan noong Pebrero 15, 1997. Ang okasyong ito ay bilang pag-alala rin sa dating Pangulong Manuel L. Quezon na isinilang noong Agosto 19, 1878. Kinilala siyang ‘Ama ng Wikang Pambansa’. FILIPINO, PAMBANSANG WIKA Noong 1937, in-address ang bansa ni dating Pangulong Quezon sa wikang Filipino sa pamamagitan ng radyo. Ito…

Read More

IBA’T IBANG ESTILO SA MALIIT NA ESPASYO

ESPASYO

(Ni ANN ESTERNON) Batid naman natin na maraming bahay sa Pilipinas ang hindi talaga malalaki. Ang space ay limitado lamang dahil sa mahal ang presyuhan ngayon. Gayunman, kahit maliit lang ang ating space may paraan din naman na maging malaki ang itsura nito at maging maaliwalas pa rin. Dito natin iaplay ang “para-paraan lang iyan”. Pero hindi dapat diyan natatapos ang advice dahil kailangan din naman na may estilo rito para maging malamig at kaaya-aya. DECORS Iwasang maglagay ng sobra-sobrang abubot o kung anomang ornaments na hindi naman kailangan o…

Read More

FATS? KAILANGAN NG KATAWAN NATIN IYAN

FATS-1

(Ni Ann Esternon) Totoo, pero dapat in mo­deration lamang ang pagkonsumo nito. Ang taba o fats ay may iba’t ibang halaga sa atin. May tinatawag tayong “the good, the bad, and the in-between.” Dapat nating iwasan ang trans fats, bawasan ang saturated fats, at sa halip ay palitan ito ng essential polyunsaturated fats. Talakayin natin kung bakit masama sa atin ang trans fats, kung bakit okay ang polyunsaturated at monounsaturated fats, at kung bakit hindi basta-basta sa saturated fats. Noon kasi, kapag sinabing fats ay iniiwasan na natin ito kaagad…

Read More

SISIG NG ‘PINAS PANG-WORLD CLASS

SISIG-1

Kung pagkain lang naman ang pag-uusapan hindi mauubusan ang mga Filipino riyan. Tayo pa ba?! Sa usaping pagkaing makasaysayan pwede nating tutukan ang sarap ng istoryang sisig. Ang sisig ay nagmula sa norte – sa Angeles City, Pampanga. Sa loob ng maraming taon nag-evolve na ang timpla at lasa nito pero ang bottomline pa rin ay ito ay napakasarap. Hanggang sa naging bahagi na ito ng isang okasyon kada taon, ang Sisig Festival na unang ini-lunsad noong Mayo 17, 2003 sa Angeles City sa Pampanga. Ang kapistahan ay tinawag na…

Read More

NUNAL: CANCEROUS BA ANG LAHAT NG URI NITO?

NUNAL-1

Ang nunal ay may medical term na melanocytic nevus. Ang melanocytic nevus (nevi kung plural) ay binubuo ng masses of melanocytes, ang pigment producing cells ng ating balat. Gayunman ayon sa pag-aaral, may iba’t ibang klase ng skin lesion (sugat) na kahawig ng nunal. Kabilang dito ang seborrheic keratoses, skin tags, dermatofibromas, lentigines, at freckles o pekas. BAKIT NAGKAKAROON NG MGA NUNAL? Alam ninyo ba na sa unang 12 linggo ng pagbubuntis, habang nade-develop ang fetus ay nagkakaroon ng melanocytes – ito ang skin cells na nagpo-produce ng ordinary skin…

Read More