HALITOSIS HINDI DAPAT PABAYAAN

HALITOSIS

Nakaka-turn off sa tao na mayroon itong mabahong hininga. Hindi ito basta masamang amoy ng hininga dahil sa hindi ka lang nagsipilyo matapos mong kumain kanina ng agahan kundi isang malalang kondisyon na ang tawag ay halitosis dala ng pagpapabaya at walang maayos na oral hygiene. Ang halitosis na tinatawag ding bad breath (o fetor oris) ay nangyayari sa 25 porsyento ng tao sa mundo o isa sa bawat apat na tao ang mayroon nito. Siguro ay karaniwan pero dapat ito ay iniiwasang mangyari dahil nakahihiya sa katabi o kausap.…

Read More

7-ANYOS MAY 526 NGIPIN

526 NGIPIN

Matinding pananakit sa bandang ibabang bagang at namamaga pa ito. Kalaunan ay mas sumakit pa ang panga ng isang batang pasyente sa India na kanya nang idinadaing. Ito pala ay dahil sa 526 niyang ngipin. Na-admit ang 7-anyos na bata sa ospital noong nakaraang buwan dahil nasuri ng mga doktor nito sa pamamagitan ng scan at x-ray ang kanyang bibig. Dito nakita na ang bata ay may tinatawag na “abnormal teeth” sa kanyang dental sac o dental follicle. Ayon kay Dr. Prathiba Ramani, head ng Oral and Maxillofacial Pathology sa…

Read More

SIMPLENG MGA EHERSISYO SA SENIORS

EHERSISYO-2

Nakababahala ngayon ang ating mga senior citizen dahil marami sa kanila na kapag tumuntong na ng 60-anyos ay iba’t iba na ang nararamdaman sa katawan at sa kanilang kalusugan. Ang mas nakalulungkot pa rito ay kahit wala sa edad na nabanggit ay marami na sa atin ang mahihina na ang katawan dahil lantad din tayo sa iba’t ibang mga bagay na nakasisira sa ating mga kalusugan. Para sa mga nasa edad 50 pataas o sa ating senior citizens lalo pa’t kung may malakas pa silang pangangatawan at matibay-tibay pa ang…

Read More

DELIKADO SA KALUSUGAN: MAPWERSANG PAGBAHING

PAGBAHING

Uso ang sipon ngayong tag-ulan at dahil virus ito ay madali rin itong kumalat. Ang pagbahing ay kadalasang nangyayari kapag may foreign particles na nakaiirita sa nasal mucosa. Kailangan nating bumahing dahil beneficial ito upang mailabas ang mucus na mayroong irritants mula sa nasal cavity. Nangyayari ang pagbahing nang biglaan o walang kontrol. May pagkakataon naman na maaaring makontrol ito at ito ang mas dapat na bantayan. Sa pagbahing iwasan ang magkaroon ito ng matinding pu¬wersa o lakas upang hindi naman maging peligroso ito o mag-iwan ng masamang epekto sa…

Read More

50 TAON NG PHILIPPINE FILM HISTORY SA CCP KASABAY NG ANIBERSARYO NG CINEMALAYA

CCP-2

Ipinagmamalaking ihandog ng Cultural Center of the Philippines ang isang ekstensibong exhibition ng Philippine film history na magsisimula sa Sabado, Agosto 3 sa ganap na alas-3:30 ng hapon sa CCP Bulwagang Juan Luna (Main Gallery). Pinamagatang Scenes Reclaimed: CCP 50 x Cinemalaya 15, ang naturang exhibiting ay muling kikilala sa historical participation ng CCP sa paglago ng Philippine Cinema sa loob ng 50 taong serbisyo, na nagtatapos sa pagtatatag ng unang nationwide independent film festival, ang Ci­nemalaya, na sa ngayon ay nagdiriwang ng ika-15 taong a­nibersaryo. Ang Scenes Reclaimed ay…

Read More

MT. BATULAO: CHALLENGING AKYATIN SA GANDA!

MT BATULAO

Kung trip na trip mong umak­yat ng bundok pero beginner ka pa lang, isa ang Mount Batulao sa pwede mong piliin at simulang akyatin. Ang Mt. Batulao ay matatagpuan sa Nasugbu sa lalawigan ng Batangas. Ito ay may taas na 811-m o 2,660ft above sea level. Isa ang bundok na ito sa mga paborito para sa trekking at climbing. Paborito ito dahil may pagpi­pilian dito ang mga hiker mula sa dalawang trails nito: ang luma at ang bagong daan. Sa pag-akyat mas maiging magdala ng trekking poles o kaya pwedeng…

Read More

MGA PARAAN PARA MAIWASAN ANG OILY HAIR

OILY HAIR

Nakasisira talaga ng ganda kapag ang hair mo ay sobrang oily, para kasing nababad ito sa deep fryer. Kapag oily ang hair prone ka sa dumi o uncomfortable itching and seborrheic dermatitis. It can even provide a feast for the fungus na sanhi ng dandruff. Yuck ‘di ba? Pero naroon din ang health advice na hindi naman dapat mawala ang lahat ng oil sa buhok. Ang natural oils kasi ang pumuprotekta sa hair mismo at mahalaga ito para sa healthy scalp and lustrous hair. May remedyo ba sa oily hair?…

Read More

FASHION TIPS PARA SA KIDS

KIDS FASHION TIPS-2

Sa maraming aspeto, malaki ang pagkakaiba ng mga bata sa mga nakakatanda sa kanila kaya pagdating sa pormahan ay ibang-iba rin naman talaga sila. Sa paglipas ng panahon, naiiba rin ang fashion pagdating sa mga bata. Gayunman, sa batang tulad nila, may mga bagay pa rin na dapat ikonsidera bago sila bihisan. Katunayan marami sa mga kasuotan ngayon ng mga bata ay parang nasa level na rin ng kasuotan ng mga matatanda. At ang nakagugulat pa rito ay iba na rin ang mga “taste” ng mga ito pagdating sa mga…

Read More

MGA PARAAN PARA MABAWASAN ANG MGA KALAT SA BAHAY

KALAT SA BAHAY

Mataas ang posibilidad na kapag maraming mga gamit ay marami rin ang pwedeng ma­ging kalat sa bahay. May iba naman na kahit ma­raming mga gamit ay maayos o naayos naman ito agad. May iba rin na hindi na maayos pa ito kaya nagiging santambak ang ligpitin kabilang pa rito ang mga bagay na hindi naman talaga nagagamit at mga kalat nang matatawag. Paano ba mababawasan ang mga kalat na ganito? 1. Alamin ang clutter perso­nalities. Para mapanatiling maayos ang bahay o anumang lugar dito dapat masuri kung ano talaga ang…

Read More