Isang ongoing exhibition ng landscape ni Mark Sanchez na pinamagatang On Conflicts and Terrains ang matutunghayan sa Pasilyo Vicenta Mansala ng Cultural Center of the Philippines. Ang exhibit sa ikalawang palapag ay nagsimulang buksan noong Hunyo 8 at bukas ito sa publiko hanggang Agosto 18. Ang landscape ay tumatalakay sa hurisdiksyon, paggawa, pag-aari at awtoridad. Nagpapakita rin ito ng mga sakit sa lipunan tulad ng korapsyon, agawan sa teritoryo, pagkasira sa kalikasan, pag-aagaw sa mga karapatan at ang kanilang mga kahihinatnan. Si Sanchez ay nagtapos ng Bachelor’s Degree in Fine…
Read MoreCategory: SPECIAL FEATURE
CCP: 5 DEKADA SA PAGSULONG SA SINING AT KULTURA
(Ni Ann Esternon) Setyembre 1966 nang itayo ang CCP at ngayon ito ay nasa ikalimang dekada na sa industriya. Noong Hulyo 20 ay ipinagdiwang ng Cultural Center of the Philippines (CCP) ang ika-50 taon nitong anibersaryo sa pagpapakilala, paghubog at pagpreserba ng sining at kultura ng mga Filipino. Nagtanghal din dito ang Koryolab Choreographers na binubuo nina Buboy Raquitico, Christopher Chan, Dingdong Selga, Michael Que, at Sarah Samaniego. Nagbigay din ng talumpati sina Baltazar Endriga at Nestor Jardin, mga dating CCP President; at Chris Millado, CCP VP/Artistic Director. Si dating…
Read MorePAANO MAGING SUNDALO?
(Ni JG Tumbado) Karaniwang pangarap ng mga batang lalaki ang maging sundalo sa pagtuntong nila sa tamang edad. Naroon kasi ang paniwala nila na ibang responsibilidad ito at tunay na karangalan ang magsilbi at maprotektahan ang bansa. Sa kabila ng mga kontrobersya na naipupukol sa Armed Forces of the Philippines (AFP), mataas pa rin ang tiwala at respeto ng mga tao sa nasabing puwersa ng militar ng Pilipinas. Ito ay dahil ang bigat ng mandato at tungkulin ng AFP na panatilihing ligtas ang lawak ng nasasakop na teritoryo ng bansa…
Read MoreRUNWAY MODELS: BAKIT SILA PAYAT?
(Ni Ann Esternon) Marami sa atin ang nakapanood na ng iba’t ibang fashion shows kahit sa television lamang. Pero habang nanonood tayo ay sunud-sunod din ang tanong natin tulad ng bakit payat ang models? Habang nanood din tayo ay hindi natin namamalayan na nagiging observant tayo at iyon ang ating topic ngayon sa mga tanong na dapat sagutin when it comes to fashion world. Skinny Kadalasang models sa runway ay mga skinny. Pero bakit sila ang pinipiling rumampa? Measurements matter. Sizes matter. Ito ang bagay na ikinokonsidera ng designers. Paniwala ng…
Read MorePAGLILINIS NG ALULOD, DRAINAGE
NAGDEKLARA na nito lamang ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na opisyal nang panahon ng tag-ulan. Isa sa mga pinoproblema natin ay ang alulod o rain gutter at drainage o im-burnal na nakakaranas ng pagbara kaya naroong nagreresulta ito ng mga pagbaha. Ang unang dapat abangan ay ang magandang panahon lalo na kung maaraw. Sa-mantalahin habang walang ulan at linisan o palinisan ang inyong alulod at im-burnal. ALULOD Kadalasang bumabara sa alulod ay ang mga bato, mga dahon o mga tangkay mula sa mga puno, iba’t ibang basura,…
Read MorePARAAN PARA MAKAIWAS SA KALAWANG
(ANN ESTERNON) ANG kalawang ay kumakapit sa mga bakal. Ang kulay nito ay orange-brown na namumuo nang husto na pwedeng magsimula nang unti-unti o biglaang pagkapal nito na magreresulta sa pagkasira ng bakal. Ang tubig at hangin ang mga bagay na numero unong pinagsisimulan ng kalawang ng mga bakal. Kapag ang bakal ay lantad din sa sulfur oxide at carbon dioxide nasisira rin ito nang unti-unti. Ang kalawang ay resulta ng isang electrochemical reaction na katulad ng isang battery; ang bakal ay nagiging iron oxide na may tubig na siyang…
Read MoreMGA SAKIT NA NAKUKUHA SA LAMOK
(Ni Cherk Balagtas) Hindi lang pamamantal at pangangati ng balat ang naidudulot ng mga kagat ng lamok, ang mga ito ay posibleng may dala ring mga sakit na mapanganib sa buhay ng isang tao. Kapag ang lamok ay nakakagat sa isang hayop o tao na apektado ng isang partikular na sakit, ang virus o parasitiko ay maaaring kumapit sa laway ng lamok, at saka makakahawa sa susunod na tao na kanyang kakagatin. Sa buong mundo, hindi bababa sa 1 milyong tao ang apektado ng mga sakit na nakukuha mula sa…
Read MoreSI RIZAL AT ANG WALANG DAHAS NA PAGKONTRA SA MGA KASTILA
(Ni Ann Esternon) Kahapon ay ika-158 na anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Jose Rizal. Ipinanganak si Rizal noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Ang ama ni Jose ay si Francisco Mercado habang ang kanyang ina ay si Teodora Alonzo Realonda. Sa kwento, ang kanyang mga magulang ay parehas na may dugong Intsik. Sa kanilang pagmamahalan ay nagkaroon sila ng 11 mga anak kung saan si Jose ang pampito sa mga ito. PANGALAN NI RIZAL Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang tunay na pangalan ng ating Pambansang Bayani.…
Read MorePAANO MAGING PULIS?
(Ni JG Tumbado) Karaniwan sa mga paglalaro ng mga batang lalaki na pag-usapan kung ano ang kanilang gusto sa paglaki. Maririnig mo si Isko na nagsabing nais niyang maging pulis tulad ng kanyang tatay habang si Oca naman, pangarap na maging sundalo sa tamang edad. Sa kabila ng mga kontrobersya na naipupukol sa Philippine National Police (PNP), mataas pa rin ang tiwala at respeto sa mga tinaguriang unipormadong indibidwal sa bansa. Sapagkat ang bigat ng mandato at tungkulin ng PNP na panatilihing ligtas ang lawak ng nasasakop na teritoryo ng…
Read More