MAGBIBIGAY ang GoTyme Bank ng pagkakataon sa mga customer nitong manalo ng round-trip flights at cash prizes sa pamamagitan ng pagpapadala o pagtanggap ng international remittances gamit ang GoTyme Bank app.
Sa pakikipagtulungan sa Cebu Pacific at TapTap Send, inilunsad ng GoTyme Bank ang “It’s Tyme to Be Together” campaign na naglalayong mapalapit ang mga pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng pagkakataong makauwi ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at makasama ang kanilang mga mahal sa buhay ngayong holiday season.
Bilang bahagi ng pagpapalakas ng inward at outward international remittance services nito, magsasagawa ang GoTyme Bank ng homecoming raffle kung saan limang grand prize winners ang makatatanggap ng round-trip economy flights para sa kanilang sarili at isang kasama, bukod sa iba pang mga premyo.
Isinasagawa ang promo sa pakikipagtulungan sa Cebu Pacific bilang official airline partner at TapTap Send bilang global remittance provider.
Ayon kay GoTyme Bank President at CEO Nate Clarke, layunin ng kampanya na gawing higit pa sa financial transaction ang banking services at makatulong sa paglalapit ng mga Pilipino sa kanilang mga mahal sa buhay.
“Banking should do more than just move money—it should bring people closer to the things and the people that matter most,” ani Clarke.
Sinabi ni Clarke na bawat remittance ng mga Pilipino sa ibang bansa ay kumakatawan sa kanilang pagsisikap, sakripisyo at pagmamahal para sa kanilang pamilya.
Samantala, sinabi ni Cebu Pacific Marketing Director Michelle Eve De Guzman na tahanan pa rin ang nais puntahan ng maraming Pilipino tuwing holiday season.
“Home is where Filipinos want to be during the holidays, and at Cebu Pacific, we are proud to play a part in bringing them there,” ani De Guzman.
Tatagal ang “It’s Tyme to Be Together” raffle promo mula Setyembre 16 hanggang Nobyembre 30, 2026.
Kailangang mag-opt in ang mga GoTyme Bank customer upang makasali. Makakakuha sila ng isang raffle entry sa bawat qualifying international remittance na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P5,000 na ipinadala o natanggap nang direkta sa pamamagitan ng GoTyme Bank app.
Para sa kumpletong promo mechanics at iba pang impormasyon, maaaring bisitahin ng mga customer ang official GoTyme Bank app o website nito.
Pinadali rin ng GoTyme Bank ang pagpapadala at pagtanggap ng international funds gamit ang mobile app nito.
Sa pamamagitan ng Send Money Abroad service, maaaring magpadala ng pera sa mahigit 200 bansa at teritoryo gamit ang walong currency—AUD, CNY, EUR, GBP, JPY, KRW, SGD at USD.
Para naman sa mga Pilipinong tumatanggap ng pera mula sa ibang bansa, maaaring direktang ipadala ang funds sa kanilang GoTyme Bank account sa pamamagitan ng international bank gamit ang SWIFT, mga remittance partner gaya ng TapTap Send o mga participating Visa partner.
57 