MATAPOS ang matagumpay na National Mountain Bike Trials sa Danao City noong nakaraang buwan, gaganapin naman ang PhilCycling National Trials for Road sa Hulyo 10 at 11 sa Clark Freeport and Special Economic Zone sa Pampanga. “Competitive cycling’s been out for more than one and a half years now, but we’re back to racing, thanks to the private sector support and the government’s endearing effort to beat the pandemic through sports,” pahayag ni Philippine Olympic Committee (POC) at PhilCycling president, Rep. Abraham “Bambol” Tolentino. Nauna rito, nakakuha ng ‘go signal’…
Read MoreCategory: SPORTS
Denice Zamboanga: PREPARASYON, SUSI SA TAGUMPAY
WALANG tigil sa paghahanda si Pinay fighter Denice Zamboanga para sa napipintong laban kontra South Korea’s Seo Hee Ham. Ito’y kahit wala pang petsa ang laban nila na bahagi ng first round ng ONE Women’s Atomweight World Grand Prix ngayong taon. Aminado si Zamboanga na hindi ‘walk in the park’ o madaling kalaban ang South Korean. “Seo Hee Ham is a dangerous opponent.” Kaya tuloy-tuloy lang sa kanyang training ang Pinay mix martial artist upang aniya’y mabigyan niya ng magandang laban ang isa sa itinuturing na “most experienced athletes in…
Read MoreANTI-DOPING SEMINAR SA OLYMPIC QUALIFIERS
NAGSAGAWA ang Philippine Sports Commission-Philippine National Anti-Doping Organization (PSC-PHI-NADO), sa pakikipagtulungan ng Philippine Olympic Committee (POC), kamakailan ng ‘virtual seminar’ sa Anti-Doping Regulations para sa mga atletang lalahok sa Tokyo Olympics. Pinangunahan ni Dr. Alejandro Pineda, Jr., PHI-NADO head at Director ng Southeast Asia Regional Anti-doping Organization (SEARADO), ang mga detalye sa dapat gawin ng mga atleta at mga coach sa aspeto ng anti-doping bago at matapos ang kompetisyon. Ang 2020 Tokyo Games, nabalam ng isang taon dahil sa COVID-19 pandemic, ay nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8. Nakiisa…
Read MoreELITE, PARA-ATHLETES PANTAY-PANTAY SA PSC
ELITE man o para-athletes ay may pantay-pantay na karapatan pagdating sa mga benepisyo. Ibinida ni PSC commissioner at in-charge sa para-athletes na si Arnold Agustin, pareho ang natatanggap na financial support sa ahensiya ng mga atletang nag-qualify sa Tokyo Olympics at Paralympics. Nagkakaisa aniya ang PSC Board sa pangunguna ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez, na karapat-dapat makatanggap ng sapat na mga benepisyo mula sa pamahalaan ang mga para-athletes. Kaya’t ipinarehas ang kanilang monthly allowances sa mga elite athletes. “Nakalulungkot na sa Incentives Act, hindi pantay ang nakukuha ng mga para-athletes…
Read MoreOLYMPIC RINGS NAKATATAK NA KAY MARGIELYN DIDAL
LITERAL na nakaukit na kay Filipina skateboarder Margielyn Didal ang pagiging Olympian. Katunayan ay nagpatattoo siya ng Olympic rings makaraang mag-qualify sa Tokyo Games na gaganapin sa Hulyo-Agosto. Lumahok ang 22-anyos na Cebuana sa dalawang Olympic qualifying tournaments sa Amerika at Italy nitong Mayo at Hunyo na naging daan upang tuluyan siyang makapasok sa Summer Games. Sa kanyang Instagram post kahapon ay ipinagmalaki ng 2018 Asian Games at 2019 Southeast Asian Games gold medalist na si Didal ang bago niyang tattoo. Ang Olympic rings ay simbolo ng kada apat na…
Read MoreEastern Conference finals HAWKS RUMESBAK SA BUCKS, 2-2
Ni VT ROMANO TINAMBAKAN ng Hawks ang Milwaukee Bucks kahit wala ang superstar nitong si Trae Young, 110-88 tungo sa tablahang Eastern Conference finals series (2-2), Miyerkoles (Manila time) sa Atlanta. At sa isa pang hindi inaasahang pangyayari sa serye, nilisan ni two-time MVP Giannis Antetokounmpo ng Bucks ang laro matapos magtamo ng left knee injury. Si Lou Williams ang naging relyebo ni Young at nagsumite ng 21 points, habang si Bogdan Bogdanovic naman na matagal-tagal na ring hindi nararamdaman sa serye ay nagdagdag ng 20 points, para makalayo ang…
Read MorePINAY SWIMMER BIGO SA OQT
HINDI pinalad ang Pinay swimmer na si Jasmine Alkhaldi sa Olympic qualifier na 58th International Trophy Sette Colli sa Rome, Italy nitong weekend. Tumapos lang ang 2012 at 2016 Olympian na si Alkhaldi sa 31st place ng 50m women’s butterfly event nang maorasan ng 27.78 segundo. Ika-32 naman siya sa 50m freestyle (26.38s) at ika-44 sa 50m backstroke (30.73s). “This last weekend I raced at my first ever swim competition since December 2019. Regardless of the numerous lockdowns Manila had, I believed I was capable of achieving what I set…
Read MoreSWIMMER BEJINO, 5th PINOY SA TOKYO PARALYMPICS
PASOK na si swimmer Gary Bejino sa Tokyo Paralympics na nakatakda sa Agosto. Siya ang ikalimang atletang Pinoy na umabante sa kada apat na taong Paralympics. “We just received official communication from World Para Swimming of his approved bipartite application,” pahayag ni Team Pilipinas Paralympic chef de mission Kiko Diaz. Ang apat na iba pang qualifiers ay sina Allain Ganapin sa taekwondo, Jerold Magliwan at Jeanette Acevedo sa athletics, at Ernie Gawilan sa swimming. Sinabi ni Philippine Paralympic Committee president Michael Barredo, nadagdagan ang pag-asa ng bansa na makapag-uwi ng…
Read MoreOLYMPICS-BOUND JAYSON VALDEZ, ATBP. SA TOPS
ANO ang tsansa ng Pilipinas sa Tokyo Olympics at Paralympics? Ito ang tatalakayin ng mga bisita sa “Usapang Sports on Air” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) via Zoom ngayong umaga. Ibibida ni Tokyo Olympics-bound shooting champion Jayson Valdez ang kanyang mga ginagawang paghahanda para sa quadrennial Games. Ibabahagi naman ni 2021 Asian Taekwondo poomsae bronze medalist Rodolfo Reyes Jr. ang kanyang journey sa sinalihang torneo sa Lebanon. Habang ihahayag ni Tokyo Paralympics Commissioner Arnold G. Agustin ang mga pinakabagong kaganapan sa limang Pinoy Para qualifiers at kanilang preparasyon…
Read More