MULING pinatunayan ni Japanese boxer Naoya Inoue kung bakit siya tinawag na “Monster.” Tatlong beses pinabagsak ni Inoue ang Pinoy challenger na si Michael Dasmariñas para itala ang 3rd round knockout win at mapanatili ang kanyang IBF at WBA bantamweight crowns, Linggo (Manila time) sa Virgins Hotel sa Las Vegas. Sa opening round, hindi dumidikit ang 28-anyos Pinoy boxer habang tinatantiya naman ni Inoue ang kalaban. Pagsapit ng second round, nakakita ng opening ang Japanese champion nang makakonekta ng left hook sa ribs ni Dasmariñas, bagsak ang Pinoy matapos ang…
Read MoreCategory: SPORTS
DONAIRE-CASIMERO UNIFICATION SA AGOSTO
HINDI pa man halos nakapagpapahinga, sasabak na naman sa puspusang training si newly-crowned WBC champion Nonito Donaire Jr. Hindi gaya sa mga nakaraan niyang laban, sa pagkakataong ito ay sasabak si Donaire sa kapwa Pinoy at WBO champion John Riel Casimero para sa word bantamweight unification match sa Agosto 14 sa Carson, California. Mismong ang registered manager ni Casimero na si Morris East, dati ring world champion na nakabase ngayon sa Las Vegas, ang nagkumpirma sa nasabing laban, na magaganap isang linggo bago ang Manny Pacquiao vs Errol Spence Jr.…
Read MoreCLIPPERS vs SUNS SA WEST FINALS
NAGING ‘man of the hour’ si Terance Mann matapos umiskor ng career-high 39 para bitbitin ang Clippers sa conference final, kasunod ng 131-119 win kontra Utah Jazz, Sabado (Manila time) sa Los Angeles. Ito ang unang pagkakataon sa 51-year history ng franchise na umusad sa conference final ang koponan. Humugot ng tulong si Mann mula kina Paul George, may 28 points at Reggie Jackson (27 points) para sa Clippers, na makakaharap ang second-seeded Phoenix Suns sa Western Conference finals, na ang Game 1 ay magsisimula sa Lunes. Magkasunod na panalo…
Read MoreINOUE–DASMARIÑAS WALANG ATRASAN
Ni VT ROMANO TATANGKAIN ni Filipino challenger Michael “Hot ‘N Spicy’ Dasmariñas na agawin ang korona ni unified bantamweight champion Naoya Inoue, sa kanilang paghaharap ngayong araw sa Virin Hotels sa Las Vegas, Nevada. Dalawang taon ang hinintay ng kaliweteng Pinoy para makasagupa ang undefeated ‘Japanese Monster.’ Tinalo ni Dasmariñas (30-2, 20KOs) ang kababayang si Kenny Demecillo sa title eliminator noong Marso 2019 para sa karapatang harapin si Inoue. Katunayan, kahit sumailalim sa lockdown ang bansa sanhi ng COVID-19 pandemic, hindi tumigil sa pag-eensayo si Dasmariñas bilang paghahanda anumang oras…
Read MoreObiena, handa nang handugan ang bansa ng Olympics gold
SPORTS FEATURE Ni EDDIE ALINEA DALAWANG taon matapos pawiin ang 100 taong pagkauhaw ng Pilipinas sa medalyang ginto sa pang-Asya na lebel ng kompetisyon sa pole vault, ipinamalas ng Filipinong pole vaulter na si Ernest John Obiena ang kanyang kakayahang mahandugan ang bansa ng medalya sa Olimpiyada. Noong Biyernes (Sabado sa Maynila), nakuhang tumalon ni Obiena sa taas na 5.85 metro para masungkit ang gintong medalya sa kompetisyong tinawag na “Jump and Fly” na ginanap sa Mossingen, Germany. Ipinakita niya sa lahat ng aspirante na kaya niyang makapag-uwi ng medalya…
Read MoreBayaning atleta na, sundalo pa
NOONG Sabado, ika-12 ng Hunyo, ipinagdiwang natin ang ika-123 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas. Gaya ng taunang selebrasyong ginagawa sa araw na iyon, ginunita rin ng sambayanan ang kabayanihan ng mga kababayan nating buong katapangang ibinuwis ang kanilang buhay sa pagtatanggol sa bayan. Lingid sa kaalaman ng marami, kabilang ang mga matataas nating opisyal sa palakasan, 52 Filipinong atleta kasama ang siyam na Olympian, na bukod sa nagpakilala ng kanilang kakayahan sa maraming kampanya sa kompetisyong pang-internasyonal ay nagsakripisyo rin ng kanilang buhay sa larangan ng digmaan. Kabuoang bilang na…
Read MorePH BEACH SPIKERS HAHATAW SA OQT
NAKATAKDANG sumabak ang Philippine men and women beach volleyball teams sa Olympic qualifying tournament na Asian Volleyball Confederation (AVC) Continental Cup sa Thailand. Ang dalawang araw na kompetisyon ay isasagawa simula sa Biyernes sa probinsiya ng Nakhon Pathom. “We are hoping for a strong finish for our men and women beach volleyball teams in this Olympic qualifier,” sabi ni Philippine National Volleball Federation president Ramon “Tats” Suzara. “Our athletes are adequately prepared for the competition, having set up a training camp in Pagudpud since last month,” dagdag niya. Ito ang…
Read MoreFIBA Asia Cup 2021 qualifiers final window BALDWIN KUKUMPAS SA GILAS
MAGBABALIK si Tab Baldwin bilang coach ng Gilas Pilipinas sa final window ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers at maging ng FIBA Olympic Qualifying Tournament, ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP). “I have accepted the opportunity and the challenge to be Gilas’ Head Coach at this time,” ayon sa statement ng SBP program director din na si Baldwin. Ang coach din ng reigning UAAP champions Ateneo de Manila University, ang pangatlong coach ng national team sa FIBA Asia Cup 2021 qualifiers. Nauna si Mark Dickel noong first window ng…
Read More4 NA LIGA LABO-LABO SA CHAMPIONS LEAGUE
MAGKAKAALAMAN kung alin team ang pinakamagaling sa ilulunsad ng Chooks-to-Go Pilipinas na Champions League, tampok ang apat na amateur at professional basketball leagues – Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), National Basketball League (NBL), Women’s National Basketball League (WNBL) at VisMin Pilipinas Super Cup. “We all love the sports. And I’m happy and proud working on the same vision and mission with the organizers of this respectable four leagues,” pahayag ni Chooks-To-Go Pilipinas president Ronald Mascariñas. “This One Chooks-to-Go Pilipinas is a platform for our talented homegrown players on their quest…
Read More