EALA ‘BEYOND PROUD’ SA 2nd GRAND SLAM

MAY kasabihan na “count your blessings,” at ganito ang naram­daman ni Filipina tennis ace Alex Eala makaraang mapasakamay ang kanyang ikalawang Grand Slam title. Sabado ng gabi (Manila time) nang mapanalunan ng 16-year teen sensation at kanyang Russian partner na si Oksana Selekhmeteva ang French Open girls’ doubles title kontra Amarisa Kiara Toth ng Hungary at Maria ­Bondarenko ng Russia, 6-0, 7-5. “Good partners, but better friends @oksana_selekh,” Instagram caption ni Eala, No. 3 sa ITF juniors, kahapon. “Didn’t go my way in singles but beyond proud to say we…

Read More

14 NA, PH ATHLETES SA TOKYO GAMES

HABANG papalapit ang araw ng pagsisimula ng 32nd Olympic Games sa Tokyo, patuloy na dumarami naman ang bilang ng mga Filipino athletes na nagkukuwalipika rito. Pinakabagong nadagdag sa listahan ay si Pinay weightlifter Elreen Ando. Nakasama siya sa pamamagitan ng continental quota o listahan na inilabas ng International Weightlifting ­Federation (IWF) nitong Sabado. Nakatipon si Ando ng 26,349,334 points para sa 12th place sa -64 kg division ­makaraang magbulsa ng ­dalawang silver at isang bronze medals sa International Weightlifting Federation (IWF) Asian Championships sa Tashkent, Uzbekistan noong Abril. Napabilang siya…

Read More

2021 Fiba Asia Cup Qualifiers KAI ISASABAK SA 3rd WINDOW

HINDI pa tiyak, ngunit may posibilidad na makapaglaro ang 7-foot-3 na si Kai ­Zachary Sotto sa third at final window ng 2021 Fiba Asia Cup Qualifiers sa susunod na linggo sa Clark, Pampanga. Aminado si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) program director Tab Baldwin at buong coaching staff sa pamumuno ni head coach Jong Uchico na malaking tulong sa Gilas Pilipinas kung makakasama si Sotto sa line-up. Patuloy na tinatapos ng 19-year old hoops sensation ang quarantine period, kahit nabakunahan na siya sa Estados Unidos bago bumalik sa Pilipinas. At…

Read More

Yuka, Bianca at Juvic sa Tokyo Olympics KUMPIRMADO!

Ni ANN ENCARNACION PASOK na sa Tokyo Games sina Filipino ­golf­ers Yuka Saso, Bianca Pagdanganan at Juvic Pagunsan. Kinumpirma ito mismo ng National Golf Association of the Philippines (NGAP), 42 araw bago ang pagsisimula ng 32nd Olympics. Sa pahayag ni NGAP Secretary general Bones Floro sa Radyo Pilipinas, kahit wala pang announcement ang International Golf Federation, kaunting torneo na lang ang nalalabi bago ang cut-off kaya’t tiyak nang magkukuwalipika sa Summer Games ang tatlong pambatong ­golfers ng Pilipinas. “We can safely say, pasok na pasok na sila with the add­ition…

Read More

Yuka Saso, tunay na Pinoy

Ni EDDIE ALINEA LALONG pinahanga ng Pilipina at bagong U.S. Women’s Open champion na si Yuka Saso ang daigdig ng golf noong Linggo (Lunes sa Manila) kung kailan ipinamalas niya ang kanyang pagmamahal sa Pilipinas at wikang Pilipino. Noong huling round ng 54-hole ng kompetisyon, ipinakita ng 19-anyos ang pusong palaban ng mga Filipino para ­maging kauna-unahang magreyna sa prestihiyosong torneo na ginanap sa Olympic Club course sa San Francisco. Sa sumunod na press conference sa pagbibigay ng ginintuang tropeo at medalya, sinagot ng tubong ­Bulakenyang golfer ang mga tanong…

Read More

YUKA SASO, 1st PINOY US OPEN CHAMPION

Ni ANN ENCARNACION SA edad na 19, naging kauna-unahang Filipino golfer si Yuka Saso na nanalo ng US Women’s Open title Lunes (Manila time) sa Olympic Club sa San Francisco. Humataw ng birdie sa third playoff hole ang ­Filipina-Japanese na si Saso upang manaig laban kay Nasa Hataoka ng Japan. Sa kabila ng back-to-back double bogeys, hindi nasiraan ng loob ang 2018 Asian Games gold ­medalist sa women’s individual at team golf events at pumalo ng birdies sa 16 at 17 para sa two-over 73 at umusad sa playoff na…

Read More

TOP SPOT NAKOPO NI YUKA SASO SA 2021 US WOMEN’S OPEN

SOLO leader na si Yuka Saso ng Pilipinas sa ginaganap na 2021 U.S. Women’s Open sa The Olympic Club, San Francisco. Ang nag-iisang Pinay sa US Open ay humataw ng 4-under sa day 2, 6 birdies at 2 bogeys para sa kabuuang 6-under par. Dahil dito ay lamang na siya ng one stroke kay Korea’s Lee Jeongeun na 5-under. Nasa likuran naman si Lee sina US’ Megha Ganne at Megan Zhang na kapwa 4-under. Sa edad na 19, si Saso ang tanging teenager na nanguna sa US Open patungo sa…

Read More

Istriktong protokol ipatutupad sa pagbabalik ng PBA

Ni EDDIE ALINEA ANG pagkatuloy ng 46th Season ng PBA ay nakasalalay pa rin sa istriktong pagsunod ng 12 miyembrong koponan sa itatakdang mga bagong protokol ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID). Ito ang nakapaloob sa mensaheng ipinadala ni PBA Commissioner Willie Marcial kahapon hinggil sa pagbibigay permiso ng IATF-MEID para makapag-ensayo na ang teams bago magsimula ang season sa Hunyo. Plano ng liga na magsagawa ng dalawang conference ngayong taon. Ipinarating ni Kume ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng isang zoom meeting sa…

Read More

Payo ng Manila LGU KAHIT BAKUNADO NA, MAG-INGAT PA RIN

KINUMPIRMA ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na fully vaccinated na siya makaraang tanggapin ang second dose ng Sinovac ngunit patuloy pa rin aniya siyang nag-iingat sa COVID-19, ganito rin ang payo niya sa iba pang mga bakunado na. Bilang patotoo, patuloy pa rin si Moreno sa pagsusuot ng face mask at pag-obserba sa proper physical distancing. Umapela rin ang alkalde sa lahat ng mga tumanggap ng kanilang first dose na huwag papalya sa pagtanggap ng kanilang second dose. “Di bale sobra sa araw, ‘wag lang kulang. Sa second…

Read More