TATLONG taon ang nakaraan matapos ideklara ng promoter ni Manny Pacquiao noong Enero 7, 2010 na si Bob Arum na patay na ang negosasyon para ilaban ang Filipino sa wala pang talong Amerikanong si Floyd Mayweather Jr., biglang sumulpot ang isang Pinoy na artista at waiter na si Gabriel Salvador na nagpresintang kaya niyang mamagitan sa dalawang kampo para matuloy ang sagupaang pinakahihintay ng buong daigdig ng boksing. Isang araw bago ang deklarasyon ni Arum, ang kampo ng eight-division world champion at seven-division world champion ay kinailangang sumailalim sa isang…
Read MoreCategory: SPORTS
Alamat ni Manny Pacquiao (Ika-27 Bahagi) Paano nangyari ang Pacquiao-Mayweather?
NOONG panahong wala nang pag-asang pagsabungin ang Pilipinong may hawak ng korona ng WBO welterweight na si Manny Pacquiao at walang talong si Floyd Mayweather Jr., biglang umeksena ang isang Pilipinong part-time actor cum waiter na nagpresintang kaya niyang mamagitan upang matuloy ang sagupaan ng dalawa. Noong ika-7 ng Enero 2010 ay nagpahayag si Bob Arum, CEO ng Top Rank Promotions at pangunahing promoter ni Pacquiao, na kanselado ang lahat ng negosasyon para sa pinakahihintay ng mundo ng boksing na sagupaan ng dalawang pinakamagaling na mandirigma sa ibabaw ng ring.…
Read MoreAlamat Ni Manny Pacquiao (Ika-26 Bahagi) Kambal na masaker sa Macau
TAONG 2013 at 2014 nang muling ipamalas ng Pilipinong si Manny Pacquiao ang kanyang kakayahang bumangon mula sa pagkakadapa at ituloy ang kanyang misyon bilang boksingero – magpaligaya ng tao. Pinili ng noon ay 28 taon nang beterano sa pakikipagbasagan ng mukha ang Cotai Arena, Macau para doon supilin ang mga ambisyosong humamon sa kanya na sina Brandon Rioz at Chris Algieri. Sariwa pa sa alaala ng marami ang mapait na kambal na pagkatalo ni Manny sa kamay ni Timothy Bradley (split decision sa 12) at Juan Manuel Marquez (KO…
Read MoreAlamat ni Manny Pacquiao (Ika-24 Na Bahagi) Paano tinahak ni Manny ang daan tungo sa walong dibisyong kampeonato
Ni EDDIE ALINEA LABINDALAWANG taong singkad at ‘di matingkalang pawis at dugo ang pinuhunan ni Manny Pacquiao para mapasa-kamay ang karangalang maging kaisa-isang boksingero na nanalo ng walong pandaigdig na korona. Nagsimulang umani ng titulo ang ipinagmamalaki ng lahing Pilipino noong 1998, tatlong taon matapos siyang matutong magsuot ng glab, nang patulugin niya sa ikawalong round ang Thai na si Chatchai Sasakul at ariin ang korona ng lineal flyweight, na kauna-unahan niyang pandaigdig na kampeonato. Sa kasamaang palad, kung gaano kabilis niyang nakamit ang korona ay ganoon din kadaling nawala…
Read MoreAlamat Ni Manny Pacquiao (Ika-23 Bahagi) 8th Wonder of the World
Ni EDDIE ALINEA MAKARAANG muling mabigo ang ikalawang negosasyon na pagsabungin ang naghaharing WBO welterweight champion na si Manny Pacquiao at wala pang talong Amerikano na si Floyd Mayweather Jr., nasumpungan na lamang ng Pilipino na kalabanin sa ring ang hamak na mas malaki sa kanyang si Antonio Margarito. Itinakda ang pagtutuos ng dalawa noong Nobyembre 13, 2010 sa At&T Stadium, Arlington, Texas para sa bakanteng kampeonato ng WBC super welterweight (light-middleweight). Kapag nanalo ang Pambansang Kamao, magiging kaisa-isa siyang nilalang sa kasaysayan ng sweet science na hahawak ng korona…
Read MoreMichael Jordan at Kobe Bryant: Dalawang alamat sa basketball
Ni EDDIE ALINEA NAHULAAN ba ninyo kung sino ang naatasang magparangal sa pagdadambana kay Kobe Bryant sa seremonya sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame? Sino pa nga ba kundi ang nilalang na sa tingin ng marami ay pinakamagaling na nakapagsuot ng jersey at naglaro ng basketball na si Michael Jordan. Si Jordan o MJ na ang estilo ng paglalaro ay tinularan, kinusa man o hindi, ni Bryant noong kanyang kapanahunan. Katunayan, lahat ng mga parangal na nakamit ng maalamat na Chicago Bulls player ay halos naduplika ng superstar ng…
Read MoreAlamat Ni Manny Pacquiao (Ika-22 Bahagi) Pangalawang usapan sa paghaharap nina Pacquiao at Mayweather, bigo muli
Ni EDDIE ALINEA SA bisa ng pag-agaw ng korona ng WBO welterweight noong 2009 kay Miguel Cotto ng Puerto Rico at matagumpay na pagtatanggol laban kay Joshua Clottrey ng Ghana, pinangalanan ang idolo ng bayan na si Manny Pacquiao ng Boxing Writers Association of America ng “Fighter of the Decade” 2000-2010. Nauna nang ginawaran ang Pambansang Kamao ng prestihiyosong ‘Sugar Ray Robinson Fighter of the Year’ noong 2006 at 2008. Ang dakilang heavyweight sa daigdig na si ‘Smokin’ Joe Frazier ang nag-abot kay Manny ng tropeo sa isang seremonyang ginanap…
Read MoreAlamat ni Manny Pacquiao (Ika-19 na Bahagi) Pampitong korona, inagaw ni Pacquiao kay Cotto
MAKARAANG dispatsahin ang maalamat na Mehikano-Amerikanong si Oscar De La Hoya sa kanyang unang laban bilang welterweight, uminit ang bulong-bulongang di maglalaon at ang Pilipinong si Manny Pacquiao ay tatanghaling kampeon sa 147-librang dibisyon para dagdagan ang anim na koronang napagwagihan niya bago dumating ang Nobyembre 2009. Nahawakan na noon ng ipinagmamalaking tubong Kibawe, Bukidnon ang mga titulo sa flyweight, super-bantamweight, featherweight, super-featherweight, lightweight at junior-lightweight, at hangad niyang maiuwi rin ang korona sa welterweight. At noong gabi ng Nobyembre 14, 2009 ay ipinagbunyi ng boxing world ang Pambansang Kamao…
Read MoreAlamat Ni Manny Pacquiao (Ika-18 Bahagi) Panalo kay De La Hoya, nagdala kay Pacquiao sa welterweight division
Ni EDDIE ALINEA EKSAKTONG limang buwan matapos talunin si David Diaz para makamit ang korona ng WBC lightweight, iniwan ni Manny Pacquiao ang 135 librang timbang at tumalon sa welterweight o 147 librang dibisyon. At ang nakaharang sa kanyang daraanan ay walang iba kundi ang tangkang agawin ang maalamat din na Amerikanong may dugong Latino na si Oscar De La Hoya. Si De La Hoya ay gold medalist noong 1992 Barcelona Olympics at sa walong taong pagiging pro ay nagmayari ng 11 pandaigdig na titulo sa anim na dibisyon, kabilang…
Read More