WALANG malaking nakakapuwing. Ito ang patutunayan ng team Philippines sa pagharap nila kay world No. 6 Stefanos Tsitsipas at team Greece sa Davis Cup World Group II playoff tie sa Philippine Columbian Association (PCA) Plaza Dilao courts sa Paco, Manila simulang ngayong araw hanggang bukas (March 6-7). Napili ng national team na humarap kontra Tsitsipas ang 20-anyos na si AJ Lim sa alas-10 ng umaga, habang si Jeson Patrombon ang makakatapat ng nakababatang Tsitsipas na si Petros. Si Tsitsipas ay kagagaling lang sa masaklap na pagkatalo kay Novak Djokovic sa…
Read MoreCategory: SPORTS
1 PANALO NA LANG, PETECIO KASADO NA SA TOKYO OLYMPICS
IPINAKITA ni featherweight Nesthy Petecio kung bakit siya world champion, nang dominahin si Krismi Lankapurayalage ng Sri Lanka, 5-0 sa ikalawang araw ng kompetisyon ng Asian-Oceania Olympic Qualification Tournament for Boxing sa Prince Hamzeh Hall, Sport City sa Amman, Jordan. At isang panalo na lang para makakuha ng tiket pa-Tokyo Olympics. Ang 27-anyos na pambato ng Pilipinas mula sa Davao de Sur ay angat na angat ang husay sa pagdomina sa Sri Lankan, dahil kahit walang naganap na knockdowns o standing 8-count ay nagbigay ang ilang hurado ng 10-8 scores.…
Read MoreTIGRESSES SINAKMAL NG LADY BULLDOGS
GINULANTANG ng National University ang last season’s runner-up University of Santo Tomas matapos magtala ng 22-25, 25-23, 20-25, 25-20, 15-13 win kahapon sa UAAP Season 82 Women’s Volleyball sa SM Mall of Asia Arena. Nagpakita ng tatag ang Lady Bulldogs nang bumalikwas mula sa one-set deficit tungo sa paghablot sa decider. Sa nasabing fifth set, umangat agad ang NU mula sa mga errors ng UST, 7-2. Nakabawi ang Golden Tigresses nang magtulong sina Imee Hernandez at Laure sisters nang idikit ang iskor sa 8-9. Muling nakapuntos ang NU sa pamamagitan…
Read MoreUAAP 82 MEN’S FOOTBALL: TITULO IPAGTATANGGOL NG ATENEO
APAT na manlalaro ang nawala sa line-up ng Ateneo, pero tutok pa rin ang Blue Eagles sa pagdepensa ng kanilang korona sa pagsisimula ngayon ng UAAP Season 82 men’s football tournament sa Rizal Memorial Stadium. Sasagupain ng Blue Eagles ang Katipunan rival nitong University of the Philippine Fighting Maroons sa televised match sa alas-4:00 ng hapon. Sina Jarvey Gayoso, Julian Roxas, Rupert Baña at Jeremiah Rocha ang mga sandatang ginamit ng Ateneo sa kanilang championship sa nakaraang season at ngayong wala na sila sa koponan, sasandal ang Blue Eagles sa…
Read MoreOCONER KAMPEON NG RONDA 2020
Morales Stage 10 winner pero… VIGAN CITY, Ilocos Sur – Inangkin ni two-time champion Jan Paul Morales ng Philippine Navy-Standard Insurance ang ikatlo nitong lap victory nang manguna sa Stage 10 criterium race ng 10th Ronda Pilipinas. Sa kabila nito, tinanghal na bagong kampeon ang kakampi niyang si George Oconer sa pagtatapos ng ika-10 taon ng LBC Ronda Piipinas na nagsimula sa Sorsogon at nagtapos sa harap ng Vigan Provincial Capitol kahapon. Muling ipinakita ng 34-anyos na si Morales ang kanyang utak sa matinding sprint upang singitan ang dalawa nitong…
Read MoreUE KAMPEON SA UAAP WOMEN’S JUDO
HINDI nagpatinag si Veneza Dayao laban sa University of Santo Tomas at University of the Philippines, nang kanyang pangunahan ang University of the East sa kauna-unahan nitong UAAP Women’s Judo crown noong Linggo sa MOA Arena. Sa kabilang banda, ang University of Santo Tomas ay sumandal sa rookie at seasoned senior para talunin ang UP tungo sa pag-angkin sa ikaapat na sunod nitong men’s title. Tumapos ang Lady Warriors na may 30 points, angat lang ng dalawang puntos sa former five-time champions UST Lady Judokas. Sapat ang one gold at…
Read MoreDIDAL NAKA-TANSO SA US
WAGI si Margielyn Didal sa 26th Tampa Pro Competition Women’s Open sa Florida, USA. Naka-bronze si Didal sa street event sa likod ng Japanese skaters na sina Hina Maeda at Yumeka Oda, na tumapos ng 1-2 finish. Ang Tampa event ay hagdan ni Didal patungo sa anim na Olympic qualifiers, ayon sa Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines. Dalawampung (20) competitors, kabilang ang host Japan, ang sasabak sa first-ever Olympic skateboarding event. Upang mag-qualify sa Olympics, kailangang makasama sa top three competitors sa 2020 World Skateboarding Championships Street…
Read MoreOCONER, NAVY UNA PA RIN SA RONDA 2020
VIGAN CITY – Halos winalis ng Philippine Navy-Standard Insurance ang lahat ng titulo maliban sa isa, tungo sa huling yugto ngayong umaga na magsisilbing “coronation ride” na lamang para kay George Luis Oconer bilang kampeon ng 10th LBC Ronda Pilipinas. Inagaw muna ni Kenneth Solis ng Tarlac Central Luzon ang 179 km Stage 9 na nagsimula sa Pugo, La Union at nagtapos sa Heritage Site ng Vigan City, La Union sa bakbakan ng anim na riders patungo sa finish line sa harap mismo ng Vigan Provincial Capitol sa kabuuang 4…
Read MoreBASILAN, DAVAO O. LUMAPIT SA TITLE DUEL
UMATAKE ang Basilan sa final quarter para talunin ang Bacoor, 77-63, habang tinalo ng Davao Occidental ang Zamboanga, 47-28, Lunes ng gabi sa RMC Petro Gazz Arena sa Davao City at tuluyang lumapit sa title duel ng South Division ng Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season. Hinayaan ng third-ranked Basilan Steel na dumikit ang second-ranked Bacoor Strikers, 54-53, bago kumamada si Allyan Bulanadi ng triple tungo sa 18-2 salvo na nagbigay sa Steel ng 17-point lead, 3:55 sa laro. Ayon kay Basilan coach Jerson Cabiltes, pinag-aralan nilang mabuti ang Strikers. “I just told…
Read More