TATANGGAP sina Jack Danielle Animam, ang kanyang kahanga-hangang coach sa National University na si Patrick Aquino at si Ateneo stalwart Thirdy Ravena ng special awards sa SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night sa Manila Hotel Centennial Hall. Si Ravena ang Mr. Basketball, habang sina Animam at Aquino ang unang awardees bilang Ms. Baskeball at Coach of the Year ng oldest media organization. Silang tatlo ay bahagi ng mahabang listahan ng honor roll. Una sa listahan ang 2019 Athlete of the Year Team Philippines sa parangal na gaganapin sa Marso…
Read MoreCategory: SPORTS
UAAP 82 fencing tournament: KORONA ITATAYA NG UE, ATENEO
ITATAYA ng University of the East at Ateneo ang kanilang men’s at women’s title sa pagsisimula ngayon ng UAAP Season 82 fencing tournament sa Paco Arena. Tampok ang men’s individual saber at women’s individual foil sa alas-8:00 ng umaga, habang ang men’s individual epee ay lalaruin sa hapon. Ibinulsa ng Red Warriors ang ikapitong sunod nitong titulo at 13th overall noong nakaraang season sa likod ng mahusay na performance sa individual events, kung saan si CJ Concepcion ang nagwagi sa saber gold at si two-time MVP Sammuel Tranquilan naman ang…
Read More45TH PBA UMATRAS SA NCOV
SA halip na sa Marso 1, sa Marso 8 na magsisimula ang 45th season ng PBA dahil pa rin sa novel coronavirus (nCoV) outbreak. Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial, ang naging desisyon nila ay para na rin sa kapakanan ng stakeholders at fans ng liga. Dahil dito, sa Mar. 8 na rin gaganapin ang Leo Awards sa Smart-Araneta Coliseum. “It’s a preventive measure against nCoV. It’s now in place and will be implemented. The safety of our fans, teams, players and officials remain to be our utmost priority,” giit…
Read More95th NCAA women’s volleyball: PERPETUAL NAKABAWI SA EAC
BUMALIKWAS ang University of Perpetual Help System Dalta mula sa first set deficit para talunin ang Emilio Aguinaldo College, 20-25, 25-17, 25-21, 25-17, sa NCAA women’s volleyball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre. Nagsumite si Jhona Rosal ng 17 points, may kasamang dalawang service aces, habang si Dana Persa ay may 11 points, 12 digs at six receptions para sa Lady Altas. Sa ikaanim na panalo sa walong laro, ang Perpetual ay halos abot-kamay pa rin ang College of Saint Benilde (7-0) at defending champion Arellano University (6-1). Nakauna…
Read MoreKAI SOTTO PASOK SA BWB GLOBAL CAMP
NAPILI si 7-foot-2 wunderkind Kai Sotto ng NBA at FIBA na mapasama sa Basketball Without Borders (BWB) Global Camp sa Chicago, USA. Kabuuang 64 boys and girls mula sa 34 countries at regions ang kabilang sa BWB Global Camp, na magiging bahagi ng 2020 NBA All-Star Weekend. Ilan sa mga kilalang NBA stars na naging bahagi ng BWB ay sina Toronto Raptors’ Pascal Siakam, Phoenix Suns’ Deandre Ayton, Washington Wizards’ Rui Hachimura, at Denver Nuggets’ Jamal Murray. Si Siakam, Most Improved Player noong nakarang taon, ang magko-coach sa campers mula…
Read MoreHIDILYN DIAZ, LILIPAT SA MALAYSIA
HINDI na rin tuloy ang training camp ni Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz sa China at Taiwan. Sa halip, sa Malaysia na lang niya itutuloy ang training dahil pa rin sa umiiral na travel ban bunsod ng 2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease. Ang naturang training camp ay parte ng preparasyon ni Diaz para sa Asian Championship sa Abril 16 hanggang 25 sa Kazakhstan, para sa kanyang inaasam na tiket patungong Tokyo Olympics. Ayon sa 28-anyos na Pinay weightlifter, pinaplantsa na ng kanyang team ang mga detalye sa Philippine…
Read MorePH MEN’S BOXING TEAM; MAGKAKAMPO SA THAILAND
DALAWANG linggong magte-training ang Philippine men’s boxing team sa Thailand para sa Olympic boxing qualifiers sa Amman, Jordan, sa susunod na buwan. Sinabi ni Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) secretary general Ed Picson na anim na iba pang national teams na sasabak sa Jordan slugfest ang magsasagawa rin ng training camp sa lungsod sa labas ng Bangkok. Ang naturang Olympic qualifiers ay orihinal na naka-iskedyul gawin sa Pebrero 3-14 sa Wuhan, China. Ngunit dahil sa coronaviruss outbreak ay napilitan ang International Olympic Committee na ilipat ito sa…
Read MoreMPBL SOUTH DIVISION PLAYOFFS; BASILAN NAKAPAKO SA NO. 3
SINELYUHAN ng Basilan Steel ang third seeding nito sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Southern Division playoffs kasunod ng 89-71-win laban sa Paranaque Partiots noong Biyernes ng gabi sa Marikina Sports Center. Buhat sa 24-13 count, umatake ang Steel sa second quarter at isinara ang halftime para sa 45-33 lead. Nang medyo nakakabawi na ang Paranaque sa third quarter, nagtala ang Basilan ng 24-14 scoreline sa fourth period para tuluyang iwanan ang kalaban at isara ang laro sa 12-1 run. “Ayaw ko kasi yung sa dulo close game pa (I…
Read MoreTAEKWONDO ASIAN QUALIFICATION TOURNAMENT BAGONG BIKTIMA NG NCOV
Isa na namang Olympic qualifying tournament na nakatakdang lahukan ng Pinoy athletes ang hindi matutuloy dahil sa novel corona virus (nCov) outbreak sa China. Kinumpirma ni Philippine Taekwondo Association (PTA) chairman for regional affairs Stephen Fernandez ang kanselasyon ng Taekwondo Asian Qualification Tournament para 2020 Tokyo Olympics. Ang tournament ay dapat sanang gagawin sa Abril 10-11 sa siyudad ng Wuxi na nasa southern part ng Jiangsu province. Ito ang ikalawang Olympic Qualifier na kinansela sa China sanhi ng nasabing nCoV outbreak. Una nang nakansela ang Asia-Oceania Boxing Olympic qualifying tournament…
Read More