MPBL All-Star 3×3 TEAM PACQUIAO VS TEAM KOBE

HINDI lang mga MPBL player ang masasaksihan sa the Chooks-to-Go MPBL Lakan Season All-Stars extravaganza ngayong gabi sa MOA Arena. Inaasahang magdadagdag ng kinang ang celebrity-laden clash sa pagitan ng Team Pacquiao at Team Kobe para sa 3×3 game. Pangungunahan ni MPBL CEO Sen. Manny Pacquiao ang Team Pacquiao, habang si Kobe Paras naman sa Team Kobe sa 10-minute, race-to-21 competition, na magsisilbing palabok ng All-Star game sa pagitan ng North at South divisions. Kasama sa Team Pacquiao si Thirdy Ravena, UAAP Finals MVP at kabilang sa three-peat Ateneo, Alvin…

Read More

Dahil sa COVID-19 UAAP GAMES STOP MUNA

IPINAGPALIBAN ng pamunuan ng University Athletic Association of the Philippines ang lahat ng sporting events nito simula Pebrero 15 bunga pa rin ng novel coronavirus, ngayon ay Corona Virus Disease 19 (COVID-19) na. Unanimous ang naging desisyon ng Board of Trustees at Board of Managing Directors ng liga noong Martes ng hapon matapos ang press conference para sa second semester events. Ito ay bilang pagsunod na rin sa abiso mula sa Department of Health at ng Commission on Higher Education. “The University Athletic Association of the Philippines upholds, in the…

Read More

KOBE, 8 KASAMA SA CRASH INILIBING NA

ISANG pribadong paglilibing ang ginawa sa California para kay NBA superstar Kobe Bryant at sa 13-anyos nitong anak na si Gianna, na namatay kasama ang pito pang iba nang mag-crash ang sinakyang chopper noong nakaraang buwan. Sa ulat na lumabas sa New York Post, kinumpirma na naganap ang libing noong Biyernes (Pebrero 7) sa Corona Del Mar. May isasagawa ring public memorial sa Pebrero 24 sa Staples Center sa Los Angeles para sa mag-amang Bryant, pati na sa pito pang biktima. “Vanessa and the family wanted a private service to…

Read More

MANUEL, TRATTER PASOK SA GILAS

SINA Vic Manuel at Abu Tratter ng Alaska Aces ang ipapalit sa mga umatras na sina Christian Standhardinger at Mac Belo sa Gilas Pilipinas para sa first window ng FIBA Asia Cup Qualifiers. Naging bahagi si Manuel ng national men’s basketball team sa 30th Southeast Asian Games na nanalo ng gintong medalya sa ilalim ni coach Tim Cone. Si Tratter naman ay nakabilang sa Gilas sa second window ng FIBA World Cup Qualifiers noong 2018. Nauna nang kinuha ng Gilas si Justin Chua ng Phoenix Pulse, na ipinalit naman kay…

Read More

10th Ronda Pilipinas Oranza, Morales unahan sa titulo

PANGUNGUNAHAN ng dalawang kampeon na sina Ronald Oranza at Jan Paul Morales ng Navy-Standard Insurance ang pagsikad ng LBC Ronda Pilipinas sa Pebrero 23 sa Sorsogon at magtatapos sa Marso 4 sa Vigan, Ilocos Sur. Inaasahang mahigpit na maglalaban sa titulo sina Oranza at Morales na kapwa nagkampeon na sa mga nakalipas na edisyon ng Ronda. Naghari si Oranza noong 2018 habang back-to-back winner naman si Morales noong 2016 at 2017. Kaya optimist­ko ang Navy men na hindi makakawala ang titulo sa kanila sa karerang sasalihan din nina El Joshua…

Read More

Smash Pilipinas babawi vs Indonesia  

TATANGKAIN ng Smash Pilipinas na makabawi ngayong umaga kontra Indonesia mula sa kanilang masaklap na pagkatalo sa world rank Thailand kahapon sa 2020 Badminton Asia Manila Team Championships sa Rizal Memorial Coliseum. Sunod-sunod na natalo sa tatlong individual match up sina Airah Mae Nicole Albo, Maria Bianca Ysabel Carlos at Sarah Joy Barredo laban sa Thais kaya’t kailangan nilang manalo ngayong alas-10 ng umaga upang makaiwas na mabokya sa torneo. “Masaya naman kami sa coaching staff sa resulta ng mga player natin,” sabi ni Philippine Badminton Association (PBA) women’s head…

Read More

VIDEO CHALLENGE SA UAAP SEASON 82

HINDI na mahihirapan ang mga reperi sa kanilang officiating dahil simula sa Season 82 ng men’s at women’s volleyball tournament, ipatutupad na rin ng UAAP ang ‘video challenge system.’ Sa press conference kahapon sa SM Mall of Asia Arena, para sa pagsisimula ng second semester events,  inihayag ni league president Em Fernandez ang implementasyon ng nasabing teknolohiya na tutulong sa mga reperi sa kanilang ‘decision-making process.’ “During the SEA Games we also saw the challenges that were implemented, we will also implement the challenge system during this year,” lahad ni…

Read More

Pagkawala ni Fajardo, Slaughter PABOR SA LAHAT–RAVENA

SA pagkawala ng mga sentro ng sister teams Ginebra at San Miguel Beer, ang NorthPort ang kinukunsidera ngayong “team to watch” sa darating na 45th PBA Filipino Cup. Ito ang personal na pananaw ni TNT coach Bong Ravena kaugnay sa pagkawala ng Ginebra at SMB bigs na sina Greg Slaughter at June Mar Fajardo, ayon sa pagkakasunod.” Actually, NorthPort ‘yung team to watch, eh. Intact sila and with (Christian) Standhardinger. In fact, Number one center ngayon is Christian so hindi sila mahina,” sabi ni Ravena. “Without Fajardo, pabor sa lahat.…

Read More

MUNTI BOYS, GIRLS NAGPASIKLAB

IBINUHOS ng Muntinlupa Volleyball Club ang isa pang impresibong pagwalis sa boys and girls division ng Philippine Volleyball Federation (PVF)-Tanduay Athletics U18 Beach Volleyball Championships nitong weekend sa Tanduay Athletics Volleyball Center sa Taguig City. Pinataob ng MVC boys team nina Jorial Roxas at Prince Perez ang tambalan nina Timothy Carl Pomisaran at Macariel Barro ng Green Valley Academy, habang nanaig ang duo nina MVC girls Cecilia Logronio at Samantha Nicole Sapadan kontra Ak Campos at Juliana Dela Paz ng Stalwart Volleyball Club. Kabuuang 29 koponan, 15 sa kalalakihan at…

Read More