(NI VT ROMANO) SUMAGWAN ang Pilipinas ng dalawang ginto sa rowing event ng 30th SEA Games kahapon sa Triboa Bay sa Subic, Zambales. Nanguna si Chris Nievarez sa men’s lightweight single sculls matapos magsumite ng seven minute at 34.27 seconds, habang ang tambalan nina Joanie Delgaco at Jen Caballero ay may 7:24.21 sa women’s lightweight double sculls. Sumegunda kay Nievarez para sa silver medal si Siripong Chaiwichitchonkul ng Thailand (7:35.1) at ang bronze ay napunta kay Kanan Kusmana ng Indonesia (7:39.54). Sina Hao Dink Thi at Huyen Ta Thanh ng…
Read MoreCategory: SPORTS
NEW SEAG RECORD ITINALA NI OBIENA
HINDI binigo ni pole-vaulter EJ Obiena ang mga kapwa Pinoy na sumusuporta sa kanya nang talunin ang ginto sa nasabing event na ginanap sa Athletics Stadium sa Capas, Tarlac nitong Sabado. Gumawa rin ng bagong SEA Games record ang Olympic qualifier sa kanyang tinalon na 5.45 meters. Ang dating SEAG record ay 5.35 na naitala ni 2017 champion Porranot Purahong ng Thailand. 524
Read MoreWOMEN’S BEACH VOLLEY, NAKA-BRONZE
(NI VT ROMANO) HINDI hinayaan ng Philippine women’s beach volleyball team na mabokya sa medalya, nang dominahin nito ang Singapore at angkinin ang bronze medal sa Subic, Zambales kahapon. Tinalo ng tambalan nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons ang pambato ng Singapore na sina Serene Ng at Ee Shan Lau, 21-17, 21-13 sa unang laro. Sinundan ito ng panalo nina Dzi Gervacio at Dij Rodriguez laban kina Eliza Chong at Gladys Lee, 21-18, 21-16. Ang Pilipinas, sa pamamagitan nina Heidi Ilustre at Diane Pascua ay huling nanalo ng medalya sa…
Read More2 PANG GINTO SA PHL OCR TEAM
(NI VT ROMANO) NAGDAGDAG pa ng dalawang gintong medalya ang Philippine obstacle course racing team kahapon para walisin ang inaugural event sa pagpapatuloy ng 30th SEA Games sa Filinvest City sa Alabang, Muntinlupa. Nanguna sina Mervin Guarte, dating miyembro ng athletics team, at Sandi Abahan sa men’s at women’s ng five-kilometer x 20 obstacle at ipagkaloob sa Pilipinas ang kabuuang anim na gold medals. Nauna nang kumolekta ng apat na gold ang Philippine team sa OCR event kamakalawa, nang manguna sa 400-meter mixed team assist at mixed team relay races…
Read More1 PANG GINTO SA JUDO
(NI ZIA JINGCO) NADEPENSAHAN ni Mariya Takahashi ang kanyang Southeast Asian Games judo title sa women’s -70kg event kahapon sa Laus Convention Center. Dahil sa round-robin form, kahit natalo si Takahashi sa unang laban kay Gusti Kakihara ng Indonesia, nakabawi naman siya kontra kay Surattana Thongsri ng Thailand para hablutin ang pangatlong gintong medalya ng bansa sa judo. Ang 18-year-old judoka ang tanging Philippine judo member na naka-ginto sa ika-anim na araw na biennial meet matapos mabigo sa kanya-kanyang event ang iba pang gold medal hopefuls na sina Ryoko Salinas,…
Read MoreTABAL UPSET KAY HALLASGO
(NI VT ROMANO) NA-UPSET si Mary Joy Tabal sa women’s marathon. Pero, ang tumalo sa kanya ay kababayang Pinay sa katauhan ni Christine Hallasgo. Kaya, ang gintong medalya ng 30th SEA Games ay hawak pa rin ng Pilipinas. Umarangkada si Hallasgo sa huling bahagi ng 42-kilometer race sa New Clark City Sports Complex sa Tarlac, sa oras na 2:56:56. Ang tubong Malaybalay, Bukidnon na si Hallasgo ay unang sabak pa lang sa SEA Games. “Hindi ko inexpect na mananalo ako, nagpakundisyon lang ako para sa karera,” lahad ni Hallasgo. Si…
Read More2 GOLDS KAY DIDAL, LEDERMANN
HINDI binigo ni Margielyn Didal ang sambayanang Filipino nang ibulsa ang ginto sa women’s elite division ng Game of S.K.A.T.E. sa 30th Southeast Asian Games, Huwebes sa Sigtuna Hall, Tagaytay. Hinablot naman ni Daniel Ledermann ang ikalawang ginto ng bansa nang manalo sa men’s category. Tinalo ng reigning Asian Games champion sa street event na si Didal ang kababayang si Christiana Means, na naguwi ng silver medal. Tuwang-tuwa ang mga nanood sa all-Pinay showdown kung saan nagpakita ng iba’t ibang skateboarding tricks ang dalawa. Ito ang unang beses na nagkaroon…
Read MoreBLU BOYS NAMBOKYA
(NI VTROMANO) BINOKYA ng Philippine Blu Boys ang Singapore, 8-0, upang walisin ang eliminations ng 30th SEA Games men’s softball competition sa The Village sa Clark, Pampanga. Agad nagpakita ng lakas ang Pinoy batters laban sa Singaporeans nang magtala ng maagang 4-0 lead sa first inning at kumulekta pa ng apat na puntos sa fourth inning. Pinuri ni playing coach Apolonio Rosales ang kanyang manlalaro, lalo na sina pitchers Rey Aliling at Regan Parco. “Yung speed at control nila sa bola, 100 percent,” ani Rosales. Ito ang ikatlong sunod na…
Read MorePH BOXERS SUSUNTOK PARA SA OVERALL TITLE
(NI EDDIE G. ALINEA) MAGSISIMULA ngayon ang pakikibaka ng Philippine boxing team, na kinabibilangan ng reigning world champion, para sa inaasam na overall title sa boksing sa ginaganap na 30th Southeast Asian Games sa bansa. Handang-handa na ang mga pambato ng bansa na sina 2019 International Boxing Association women’s featherweight belt-owner Nesthy Petecio at ex-titleholders Eumir Marcial at Josie Gabuco at iba pang teammates na gawin ang kanilang misyon simula ngayong araw sa PICC Forum. Si Gabuco ay light-flyweight titlist noong 2012, habang si Marcial ay dating world junior middleweight…
Read More