(NI DENNIS IÑIGO) NALUSUTAN ng Philippine baseball team ang isa sa pinakamalakas na karibal nang pasadsadin ang Thailand, 3-2, sa buwenamanong hatawan sa baseball event ng 30th Southeast Asian Games sa Day 3 sa Field 1 ng Clark Freeport Zone, Pampanga. Unang nagpadausdos ang Thai batters, may limang malakas na Thai-American players, sa ituktok ng unang inning na sinagot naman ng 3-runs ng Pinoy sa bottom second. Lumutang ang husay sa mound nina Pinoy pitchers Francis Geizmundo na pumukol ng 8 innings at isa naman kay Miguel Salud upang hindi…
Read MoreCategory: SPORTS
IKA-18 SEAG GOLD TARGET NG GILAS
(NI VT ROMANO/PHOTO MJ ROMERO) UMULAN man o umaraw, tiyak na dudumugin ng fans ang Mall of Asia Arena upang saksihan ang pagsisimula ng kampanya ng Gilas Pilipinas sa men’s basketball event ng 30th SEA Games. Ang Nationals na pangungunahan ni head coach Tim Cone ay kinakatawan nina Japeth Aguilar, June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Vic Manuel, Stanley Pringle, Kiefer Ravena, Chris Ross, Troy Rosario, Christian Standhardinger, Greg Slaughter, LA Tenorio at Matthew Wright. Si Slaughter, sentro ng Brgy. Ginebra, ang ipinalit ni Cone kay RR Pogoy, matapos itong ma-injure…
Read MoreILANG EVENTS SA SEA GAMES, INILIBAN
ILANG events sa Southeast Asian Games ang iniliban ngayong Martes dahil sa pananalasa ng bagyong Tisoy. Alas-11 ng umaga, ang mga sumusunod na event ay ipinagpaliban: SUBIC CLUSTER • Beach Volleyball (moved to Dec. 4) • Canoe, Kayak, Traditional Boat Race (moved to Dec. 6-8) • Muay (moved to Dec. 4-8) • Pencak Silat (moved to Dec.4) • Sailing/Windsurfing (moved to Dec. 5) • Modern Pentathlon (moved to Dec. 5) • Surfing (moved to Dec. 4) • Sepak Takraw (moved to Dec. 4) SOUTHERN LUZON CLUSTER • Underwater Hockey (moved…
Read MorePHL DUATHLETE, WAGI
BINALEWALA ni Monica Torres ang pananakit ng tiyan nang pangunahan ang women’s duathlon event sa Subic Bay Boardwalk sa Zambales. Si Torres ay nagsumite ng oras na 02:08:44 para kolektahin ang gold medal. Pumangalawa si Pareeya Sonsem ng Thailand (2:11:18) at pangatlo si Thi Phuong Trinh Nguyen ng Vietnam (2:11:18). Sa men’s division, nakuntento lang sa silver medal ang pambato ng Pilipinas na si Joey delos Reyes nang magsumite ng oras na 1:53:04, mas mabagal ng 13 segundo sa nangunang si Johan Jauhari ng Indonesia. (NI VTRomano/PHOTO BY MJ ROMERO)…
Read MoreGOLD COLLECTION NI DIAZ KUMPLETO NA
NADAGDAGAN ang gold medal collection ni Pinay weightlifter Hidilyn Diaz nang sa wakas ay nanalo sa women’s 55-kilogram division ng 30th Southeast Asian Games weightlifting competitions kanina sa Ninoy Aquino Stadium. Napasakamay ni Diaz ang mailap na ginto sa biennial meet matapos bumuhat ng 91 kilograms sa snatch at 120 sa clean and jerk para sa total na 211. Ito ay higit na mataas sa 207 total niya nang makaginto rin sa nakaraang Asian Games. Napunta sa Vietnam ang silver (197), habang bronze ang Indonesia (175). Nagmukhang madali lang para…
Read MoreDAGDAG-BENEPISYO SA ATLETA, COACHES ISINUSULONG SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) AWTOMARIKO na maging civil service eligible ang mga alteta na makapag-uwi ng medalya at karangalan sa bansa sa kanilang mga sinasalihang international competition. Bukod sa mga atleta, nais din ni House committee on civil service and professional regulation chair Rep. Frederick Siao na isama rin sa magkaroon ng automatic civil service eligibility ay ang kanilang mga coaches, trainers at sport officials. Ayon sa mambabatas, ginugugol ng mga atleta, trainers at coaches ang buong buhay nila sa nasabing larangan para sa karangalan ng mga Filipino kaya nararapat lamang…
Read MoreTETE KO KAY CASIMERO
(NI LOUIS AQUINO) PINABAGSAK sa third round ni Filipino boxer Johnriel ‘Quadro Alas’ Casimero ang liyamadong si South African Zolani Tete para makuha ang WBO Bantamweight World title sa Arena Birmingham, United Kingdom Linggo ng umaga (Manila time). Dahil sa panalo ay kabilang na ngayon si Casimero sa mga Filipino boxing champions na may tatlo o higit pang world titles gaya nina Manny Pacquiao, Nonito Donaire Jr., at Donnie Nietes. Kalagitnaan ng third round nang tamaan ng solidong kanan ni Casimero ang ulo ng defending champion na si Tete, na…
Read MoreGINTO NAKAMIT NI CARLOS YULO SA SEA GAMES GYMNASTICS
HINDI binigo ni World champion Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo ang sambayanang Filipino nang makuha ang gold medal sa individual all-around event sa men’s artistic gymnastics, ngayong Linggo sa Rizal Memorial Coliseum. Ipinakita ni Yulo na walang tatalo sa kanya sa ipinakitang gilas sa floor exercise, ang paborito nitong event. Si Yulo na kuwalipikado sa 2020 Tokyo Olympics sa pamamagitan ng World Championships sa Stuttgart noong Oktubre ay kumpiyansa sa lakas at tikas na ipinakita sa manonood ng Sea games. Binigyan siya ng mga hurado ng iskor na 14.650 bago pa…
Read MoreWONG NAKAKUHA NG GINTO SA WUSHU
ISA na namang ginto, sa pagkakataong ito sa wushu, ang nasungkit ng Pilipinas sa idinaraos na SEA Games sa bansa. Napanatili ni Agatha Wong ang galing sa larangan para nakuha ang gold medal sa taolu taijiquan event sa Southeast Asian Games wushu, Linggo ng umaga sa World Trade Center. Bago ang ginto ng Wong, nauna nang nasungkit ni John Chicano, ang ginto ng triathlon para sa bansa sa 30th Southeast Asian Games. Ikalima sa siyam na atletang lumahok, nakakuha si Wong ng iskor na 9.67. Nanguna rin si Wong sa…
Read More