LEBRON, PINALAMIG ANG HEAT

MIAMI – Nagpasabog si LeBron James ng 51 points laban sa dating koponan nang talunin ng Los Angeles Lakers ang Miami Heat, 113-97, Lunes (Manila time). Sa first quarter pa lang ay umiskor na si James ng 19, kung saan umabante ang Lakers ng hanggang 21 puntos. Ang 51 points ay season high ni James, at pinakamataas na naiskor laban sa Miami. Dalawang beses na siyang umiskor ng 47 points laban sa Heat. Ang huli niyang basket ay mula sa 32-footer, 16 segundo na lang para sa kanyang 13th 50-point…

Read More

WARRIORS SADSAD SA SPURS

SAN ANTONIO — Trumabaho si LaMarcus Aldridge ng 24 points at 18 rebounds nang pagpiyestahan ng San Antonio Spurs ang short-handed Golden State, 104-92 at pahabain ang losing skid ng Warriors sa tatlo. May 26 points si Kevin Durant at 25 naman mula kay Klay Thompson para sa Golden State, na 2-5 sapul nang itala ang eight-game winning run. Nag-ambag naman sina DeMar DeRozan ng 20 points at 19 si Rudy Gay para tapusin ng San Antonio ang three-game slide. Sumabak ang Warriors nang wala sila injured starters Stephen Curry…

Read More

PACQUIAO, CHILLAX MUNA SA NEW YORK

Chillax muna ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao habang nasa New York. Si Pacquiao at ilang miyembro ng Team Pacquiao ay nasa Amerika para sa two-city press tour ng laban niya kay Adrien Broner.  Nakatakdang magkita ang dalawa sa itinakdang press conference sa Big Apple at sa Beverly Hills. Itinakda ang kanilang WBA welterweight championship sa Enero 19, 2019 at gaganapin sa MGM Grand Arena sa Las Vegas. (Larawan ni Wendell Alinea/OSMP) 415

Read More

UAAP MVP TITLES SA FOREIGN PLAYERS

Parehong dayuhan ang tinanghal na Most Valuable Player (MVP) ng UAAP Season 81 basketball tournament. Si Bright Akhuetie ay naging unang winner ng MVP plum mula sa University of the Philippines sapul nang mapanalunan ni Eric Altamirano ang award noong 1986, taon kung saan huling napanalunan ng Fighting Maroons ang kampeonato sa men’s division. Habang si Grace Irebu ng Congo ang humablot ng highest individual award sa women’s side, para maging unang UST Tigress na nakapagbulsa nito sa loob ng 10 years. Inakay ni Akhuetie, dating Perpetual Help player, sa…

Read More

PINOY CYCLISTS SASABAK SA PRURIDE ‘19

Muling tatakbo ang mga piling piling siklista ng bansa para sa PRUride PH 2019 na gaganapin sa Filinvest City sa Alabang at sa Subic Zambales sa Abril at Mayo ng 2019. May kabuuang 2,500 siklista ang inaasahang lalahok sa 18 categories  na inihanda ng organizer na Pru Life. Sisimulan ang unang leg sa Abril 7, 2019 criterium race na sa Alaban,g kung saan tampok ang mga local talents ng cycling na ma lalaban sa fixed gear, road bike, mountain bike at  folding bike race. Kasunod nito ang second leg na …

Read More

PCA OPEN 12-AND-UNDER EVENT: NUGUIT, EMANA KAMPEON

Kinopo ni Sherwin Ray Nuguit ang kanyang unang 12-and-under boys title sa first leg ng Age Group events ng PCA Open, nang maitakbo ang 6-1, 4-6, 6-3 win laban kay Gerald Gimeda ng Ormoc City sa Philippine Columbian Tennis Courts sa Plaza Dilao noong Linggo. Ibinulsa naman ni national team member Mika Ella Emana ng Sta. Mesa ang 12-and-under Girls’ plum, nang dispatsahin ang teammate at second seed na si Angeline Alcala ng Lucena City, 6-4, 6-2. Si Nuguit, winner sa 10-under Unisex Champion noong 2017, ay umabante sa final…

Read More

PACQUIAO SA US MAGPAPASKO

Kung walang magiging pagbabago sa training schedule, posibleng sa Amerika magdiwang ng Pasko at maging ng Bagong Taon si eight division world champion Manny Pacquiao. Si Pacquiao ay lumipad patungong US noong Sabado, kasama ang misis na si Jinkee at ilang miyembro ng Team Pacquiao upang dumalo sa two-city tour press conference sa New York at Beverly Hills, para sa laban nila ni Adrien Broner sa Enero 19, 2019 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas. Ayon kay head trainer Buboy Fernandez, agad sasalang sa training si Pacquiao pagbalik…

Read More

PP 45:  PINOY VS MEXICAN, GHANAIAN BOXERS SA SABADO

CEBU — Nakatakdang dumating sa Lunes (Nobyembre 19) ang dalawang Mexican warriors at isang Ghanaian national champion upang makipagbakbakan sa mga Pinoy boxers na itatampok sa Pinoy Pride 45 triple WBO regional championships. Gaganapin ang sagupaang handog ng ALA Promotions sa Nobyembre 24 sa IEC Convention Center ditto. Si Victor Uriel Lopez  (13-6-1, 6KOs) ng Mexico City ay haharapin si Jeo Santisima para sa WBO Oriental super bantamweight title, habang si Victor Hugo Reyes (8-1-1, 7Kos) ng Tijuana ay makikipagtipan naman kay unbeaten KJ Cataraja para sa bakanteng WBO Youth…

Read More

BEAUTIFUL BOXERS RUMAMPA SA PICC

Rumampa sa PICC ang unang Pinoy boxer na umaming bakla na si Roilo Golez (aka Yohana Golez), kasama ang sikat na muaythai boxer na si Parinya Charoenphol (aka Nong Toom) ng Thailand. Dumalo ang dalawa sa ginaganap na 3rd WBC Women Convention at WBC Asian Summit na inorganisa ng Games and Amusement Board sa pangunguna ni chairman Abraham Mitra at dinaluhan ng mga Pinoy champions at Asian champions, gayundin ng mga ring officials at mediamen. Lalong nakilala si Charoenphol, na isang knockout artist, nang gawan ng pelikula ang kanyang buhay…

Read More