Hidilyn kay Nesthy, iba pang Pinoy athletes: ‘BELIEVE… DON’T DOUBT’

Ni ANN ENCARNACION SI first Filipino Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang number one supporter at ­cheerleader ngayon ng hinuhulaang magbibigay ng pangalawang ginto sa bansa mula Tokyo na si Nesthy Petecio. Ngayong naka-quarantine gaya ng iba pang pambansang atleta, coaches at staff na tapos nang sumabak sa 2020+1 Games, patuloy ang pagsubaybay ni Diaz kay Petecio at iba pang nalalabing Pinoy na lumalaban sa Tokyo. “Believe lang… Don’t doubt.” Ito ang payo ng tinaguriang ‘weightlifting fairy’ para sa boksingerang si Petecio, at maging kina boxers Eumir Felix Marcial at…

Read More

Hidilyn may misyon pa sa 2024 Paris Games

ANG gintong medalyang handog ni Hidilyn Diaz sa bansa at sa kanyang mga kababayan ay pinuhunanan niya ng ‘di mapapantayang mahigit isang dekadang tiyaga, tatag ng loob, tibay ng pag-iisip, determinasyon, dedikasyon at marubdob na paniniwala sa Panginoon. Nagsimula ito noong 2008 sa Beijing Games sa edad na 17, at sa sumunod na apat na taon sa London. Sa dalawang pagkakataong nabanggit, kinatawan niya ang bansa bilang wild card entry sa Olympics. Walang nangyari sa kanyang kambal na partisipasyon sa Beijing at London. Ang mas masaklap, nawalan pa siya ng…

Read More

MAGNO NABIGO

NAGWAKAS na ang Olympic quest ng isa pang Pilipinong boksingero sa Tokyo na si Irish Magno nang matalo via unanimous decision kay Jutamas Jitpong ng Thailand (30-27, 30-27, 30-27, 30-27, 29-28) sa flyweight Round of 16 kahapon. Hindi kinaya ng 30-anyos na Pinay ang mas bata (23), matangkad at mas maliksing si Jitpong, na sa simula pa lang ay makikitang nakangiti at puno ng kumpiyansang mananalo sa laban. Nakarating sa Round of 16 si Magno nang makakuha ng unanimous decision win kontra Christine Ongare ng Kenya. Samantala, dati nang nagkaharap…

Read More

LUMULOBO, INSENTIBO NI HIDILYN

SI Hidilyn Diaz sa ngayon ay may total cash windfall na P43 million matapos magpahayag ang Malacañang ng karagdagang P3 milyon para sa kauna-unahang Pilipino na nanalo ng Olympic gold medal. Hindi pa kasama rito ang fully-furnished house and lot sa Zamboanga City at condo mula naman sa isang pribadong kompanya. Nakatakda rin siyang pagkalooban ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Presidential Medal of Merit. Si Diaz ang pang-apat na atleta na pagkakalooban nito. Ang tatlong nauna ay sina Manny Pacquiao, Gabriel “Flash” Elorde at Paeng Nepomuceno. Kabilang pa sa mga…

Read More

Kalaban pinatumba, mukha pinadugo MARCIAL SAMPA SA Q’FINALS

Ni ANN ENCARNACION HINDI na pinagtagal ng Pilipinong si Eumir Felix Marcial ang laban nila ni Younes Nemouchi ng Algeria nang magtala ng Referee Stopped Contest (RSC) sa natitirang ilang ­segundo sa unang round ng men’s middleweight (69-75kg) Round of 16 boxing competition sa Kokugikan Arena kahapon. Dahil sa impresibong panalo ay umusad sa quarterfinals ang 25-anyos na tubong Zamboanga City na si Marcial. Unang pinabagsak ng Pinoy ang kalaban 1:44 segundo sa unang round para sa standing eight count. Sunod nito ay pinatamaan niya si Nemouchi ng isang straight…

Read More

NAKAKALULANG INSENTIBO

ROLL VTR Ni VT ROMANO WALANG pagsidlan ang tuwang naramdaman ni Hidilyn Diaz matapos ang gold medal performance, Lunes ng gabi sa Tokyo Olympics. Maging ang sambayanang Pilipino, tuwang-tuwa rin. E kasi naman, unang Olympic gold medal iyon. Umabot ng 97 taon bago nangyari. Talagang kahanga-hanga ang ginawa ni Diaz. Ito’y sa kabila ng samu’t saring pinagdaanan habang naghahanda sa Olympic Games, na naurong ng isang taon. Tila naging blessing pa nga ang pagkakaantala ng Tokyo Games dahil sa pandemic. Nadagdagan kasi ang panahon ng paghahanda, hindi lang ni Diaz…

Read More

GINTO, ABOT-KAMAY NI PETECIO

Ni ANN ENCARNACION NAMUMURONG mag-gold din sa Tokyo Olympics ang isa pang Pinay na si 2019 women’s world ­boxing champion Nesthy Petecio. Umusad si Petecio sa semifinals ng 54-57kg ­boxing competition Miyerkoles ng umaga makaraang dominahin sa 5-0 score ang nakalaban sa quartefinals na si Yeni Marcela Arias Castaneda ng Colombia. Dahil sa panalo ay ­sigurado na sa bronze medal ang 29-anyos na ­boksingerang tubong Davao City. Makakatapat ng 2019 Southeast Asian Games (SEA) gold medalist na si Petecio ang 23-anyos at 5-foot-9 na si Irma Testa ng Italy sa…

Read More

Pilipinas sa 1928 Olympics: Unang Olympic medal, handog ni swimmer Teofilo Yldefonso

Ni EDDIE ALINEA MULA sa isang atleta at isang opisyal na unang kumatawan sa Pilipinas noong 1924 Paris Olympics, noong 1928 sa Amsterdam ay lima kataong delegasyon na ang ipinadala ng Philippine Amateur ­Athletic Federation, ang namamahala noon sa programa ng palakasan sa bansa. Ngunit tulad ng biyahe noon nina sprinter David Nepomuceno at coach nito na si Dr. Regino Ylanan na tumagal ng 33 araw sakay ng barko, nagpaikot-ikot din ang sinakyan ng mga swimmer na sina Teófilo Yldefonso at Tuburan Tamse, high jumper Simeon Toribio at sprinter Anselmo…

Read More

IRAN DINUROG NG USA

IBINALING ng Team USA ang frustration sa Iran, 120-66 kahapon. Kasunod ito ng nakadidismayang 83-76 pagkatalo sa kamay ng France noong Linggo sa Tokyo Games. Umiskor si Jayson Tatum ng 14 points, kung saan pinag-init niya sa fourth-quarter ang opensa at pinaabot sa 50 puntos ang abante ng NBA-laden team. Sa huling apat na minuto ay kumayod si Tatum ng 10 points tungo sa 108-57 count. Top scorer si Damian Lillard, 21 points, kabilang ang anim na 3-pointer sa first-half, at 16 points naman mula kay Devin Booker. Kinakailangan ng…

Read More