GILAS GUMANTI SA SAUDI

Ni ANN ENCARNACION GALING sa nakadidismayang debut game sa 2021 King Abdullah Cup nang matalo kontra Egypt, bumangon ang Gilas Pilipinas at ibinuhos ang ngitngit sa Saudi Arabia, 77-62, Martes ng gabi sa Prince Hamzah Sport Hall sa Amman, Jordan. Bunga nito, napasama sa win column ang Gilas (1-1) sa King Abdullah Cup. Sa pangunguna ni Justine Baltazar, na off the bench ay umiskor ng 16 points kabilang ang apat na three pointer, apat na assists at tatlong rebounds, nakabawi ang nationals sa 60-73 loss kontra Egypt noong Lunes. Maliban…

Read More

HIDILYN DIAZ UUWING BAYANI

NAKATAKDANG ­dumating sa bansa ngayon (Miyerkoles) ang bagong bayani at kauna-unahang Filipino Olympic gold medallist na si Hidilyn Diaz. Matapos ang 97 taon sa kasaysayan ng Philippine sports, ang 30-anyos na si Diaz ay nagmarka sa 2020 + 1 Tokyo nang maka-gold matapos bumuhat ng 97kg sa snatch at 127kg (bagong Olympic record) sa clean and jerk para sa total 224kg (bago ring Olympic record) sa women’s -55 kgs weightlifting competition, Lunes (Hulyo 26) sa Tokyo International Forum. “It’s mandatory,” sabi ni Philippine Olympic Committee President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino.…

Read More

Malungkot na karanasan ni David Nepomuceno sa 1924 Paris Olympics

Ni EDDIE ALINEA HINDI naging kasiya-siya ang unang paglahok ng Pilipinas sa Olimpiyada halos 100 taon na ang nakararaan. Taong 1924 nang unang nagpadala ang bansa ng dalawang kinatawan (isang atleta at isang opisyal) sa VIII Games of the Olympiad na ginanap sa Paris noong Hulyo 7-13. Ito ang pangalawang pagkakataon na ang pangunahing lungsod ng France ay naging host ng Palaro mula noong 1900. Si sprinter David Nepomuceno ang nagdala ng ating bandila sa Palaro na tinawag ng mga Pranses na: Les Jeux Olympiques d’été de 1924. Si Nepomuceno…

Read More

FIL-AM FENCER NAGMARKA SA 2020 +1 TOKYO

LUMALABAN man sa ilalim ng US flag, hindi maikakaila na may dugong Pinoy ang 2020 +1 Tokyo Olympics women’s foil gold medalist na si Lee Kiefer. Tinalo ng Filipino-American na si Lee sa final ng women’s foil ang defending champion na si Inna Deriglazova ng Russia, 15-13, sa Makuhari Messe Hall noong Lunes. Ang half Pinoy fencer ang itinuturing ngayon na kauna-unahang American na nagwagi ng gintong medalya sa nasabing sport sa Olympics. Lingid sa kaalaman ng ­marami, si Lee ay anak ng tubong Tagum, Davao City na si Dr.…

Read More

Inspirasyon si Hidilyn Diaz GUSTO KO MANALO NG GOLD – PETECIO

Ni VT ROMANO INSPIRADO mula sa gold ­medal conquest ni weightlifter Hidilyn Diaz noong Lunes ng gabi, susubukan ngayong ­umaga ni Nesthy Petecio na makapagtala ng panalo laban kay Yeni Marcela Arias Castaneda ng Colombia. Si Petecio, featherweight champion ng 2019 World Boxing Championships, ay magtatangka sa bronze medal sa alas-10 ng umagang bakbakan sa quarterfinals ng 54-57-kg boxing competition sa Kokugikan Arena sa Tokyo. Kung magwawagi si Petecio laban sa bronze medalist ng 2019 Pan American Games, dalawang panalo na lang ang kailangan niya para sa ginto. “We will…

Read More

HISTORIC OLYMPIC GOLD KAY HIDILYN DIAZ

SA wakas, matapos ang 96 taon, nanalo na rin ng gintong medalya ang Pilipinas sa Olympics sa pamamagitan ni weightlifter Hidilyn Diaz. Pinatunayan ng 30-anyos na si Diaz na hindi lang siya weightlifter queen ng Pilipinas kundi ng buong Universe nang kanyang makopo ang gold medal sa 55kg sa Tokyo 2020 Olympics weightlifting competition, Lunes (Hulyo 26) sa Tokyo International Forum. Bumuhat si Diaz ng 97kg sa snatch at 127 kg sa clean and jerk para sa total 224kg para sa kauna-unahang ginto ng bansa mula sa Olimpiyada. Si Diaz…

Read More

Unang Olympic silver medal nakamit ng Pilipinas sa Tokyo

TAONG 1964 unang dumating sa Asya ang ­Olimpiyada. Oktubre 10-24 nang taong iyon idinaos ang ika-15 Olimpiyada sa Tokyo. Kasama ang Pilipinas sa 93 bansang nagpadala ng kabuuang 5,151 atleta. Animnapu’t apat (64) na atleta, kabilang ang flag bearer na si Winefredo Alipala, ang nagmartsa sa harap ni Emperador Hirohito at lumahok sa 163 event sa 19 sports na pinaglabanan. Sa Tokyo unang nakilala ang boksingerong Amerikano na si Joe Frazier, na naging ­kampeon sa heavyweight nang maiuwi ang gintong medalya. Sa Tokyo rin nakamit ng Pilipinas ang kauna-unahang medalyang…

Read More

IRISH MAGNO USAD SA NEXT ROUND

Ni ANN ENCARNACION IMPRESIBO si Filipina boxer Irish Magno sa kanyang unang laban makaraang dominahin si Christine Ongare ng Kenya Linggo ng umaga para umusad sa Round of 16 ng women’s flyweight (49-51kg) sa pagpapatuloy ng boxing competition sa 2020+1 Tokyo Olympics sa Kokugikan Arena. Nakuha ng 29-anyos mula Janiuay, Iloilo sa tatlong round ang unanimous 5-0 decision ng mga judge para tuluyang umusad sa next round. Malakas sumuntok si ­Ongare kaya’t tinapatan siya ni Magno ng kombinasyon ng footwork at 1-2-3 punches na nagbigay sa kanya ng easy win.…

Read More

NIEVAREZ KINAPOS

NATAPOS ang kampanya ni Pinoy Cris Nievarez sa ­Tokyo Olympics nang tumapos lang sa ikalimang puwesto sa men’s single sculls quarterfinals, Linggo ng umaga sa Sea Forest Waterway. Nagtala ang 20-anyos mula Atimonan, Quezon ng 7:50.74 minuto sa likuran nina Oliver Zeidler ng Germany (7:12.75). Luca Verthein Ferreira ng Brazil (7:14.26) at Mindaugas Griskonis ng Lithuania (7:16.71). Tanging top 3 ang uusad sa medal race. Nakatakda naman sumabak si Nievarez sa semifinals C/D bukas bagama’t para lamang ito sa ranking o classification. (ANN ENCARNACION) 237

Read More