Ni EDDIE ALINEA NAKAUGALIAN na ni Manny Pacquiao na pagdating sa Amerika ay nagpapahinga ng ilang araw bago mag-ensayo para sa nalalapit niyang laban. Hindi ito nangyari ngayon dahil pagdating niya sa Los Angeles noong nakaraang Lunes ay agad siyang sumabak sa intense training para sa ikalawang yugto ng preparasyon sa laban nila ni Errol Spence Jr. Nagsimula ang unang yugto ng ensayo noong Hunyo 9 sa General Santos City. Magtutuos si Pacquiao at Spence para sa korona ng WBC at IBF welterweight sa Agosto 21 sa Mobile-T Arena sa…
Read MoreCategory: SPORTS
VisMin Cup Mindanao leg PAGADIAN NAKATAKAS SA ZAMBOANGA
SINANDIGAN ng Pagadian si Rich Guinitaran sa krusyal na sandali upang maitakas ang 82-68 win laban sa liyamadong JPS Zamboanga City, Martes sa 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao leg sa Provincial Gymnasium ng Ipil, Zamboanga Sibugay. Mula sa 13 puntos na lamang ng Pagadian ay naibaba ito sa tatlo ng Zamboanga tampok ang three-pointer ni Jaypee Belencion may 3:54 ang nalalabi sa final period. Ngunit hindi nagpabaya ang Explorers sa pangunguna ni Guinitaran, na kumamada ng walong sunod na puntos kabilang ang putback mula sa mintis ng kasanggang…
Read MoreP30-M PARA SA OLYMPICS GOLD
POSIBLENG umabot sa P30 milyon ang insentibo sa sandaling makasungkit na ng ginto ang sinumang pambato ng Pilipinas sa Tokyo Olympics. Inihayag ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino sa PSA online Forum kahapon, tinumbasan ni business tycoon Ramon S. Ang ang P10 milyon din na naunang pledge ni sports patron Manny V. Pangilinan (sa pamamagitan ng MVP Sports Foundation). “Now RSA is giving the same amount,” panimula ni Tolentino. “I expect more to come once the gold is delivered. It may even reach P50 million.” Pahayag pa ng…
Read MoreMatapos ma-upset ng Nigeria TEAM USA TALO RIN SA AUSTRALIA
NAKAKADALAWANG talo na ang Team USA sa Olympic exhibition games at lumalaki ang agwat ng iskor. Sabado nang masilat ang Team USA sa kamay ng Nigeria, 90-87, tatlong puntos na diperensya sa unang kabiguan ng koponan laban sa isang African nation. Kahapon ay butata na naman ang USA 5 sa kamay ng Australia. Lamang ng walong puntos ang Down Under team, 83-91. Si Patty Mills ng San Antonio Spurs ang nanguna sa Boomers, 22 points sa 9-for-21 shooting, habang si Joe Ingles ng Utah Jazz ay nagdagdag ng 17 points…
Read MoreOBIENA PAPALITAN
Ni ANN ENCARNACION HINDI makakaabot sa takdang oras si Filipino pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena kaya papalitan siya bilang flag bearer ng Pilipinas sa Tokyo Olympics. Ito ang sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino sa Philippine Sportswriters Association (PSA) forum kahapon. Sina Obiena at Filipino-Japanese judoka Kiyomi Watanabe ang ipinahayag noong nakaraang linggo na magiging flag bearer ng bansa sa 32nd Olympics. Ngunit dahil sa time constraint ay kailangang palitan si Obiena. “Obiena is set to arrive to Tokyo on July 23, at 12:30 local…
Read MoreTokyo Olympics, maging daan sana sa pagkakaisa ng mga Pilipino – Ramirez
SALA SA INIT, SALA SA LAMIG Ni EDDIE ALINEA MAAARING bigong makatuntong sa podium ang Pilipino pole vault Olympics qualifier Ernest John Obiena sa pagtatapos ng kanyang paghahanda sa XXXII Games of the Olympiad ilang araw lamang ang nakalilipas, subalit sapat na ang karagdagang karanasang nakamit niya sa nakaraang 2021 Stockholm Diamond League para lalong mabuo ang kanyang kumpiyansang makapag-uwi ng medalya sa tuwing ika-apat na taong palaro. Pang-apat na puwesto lamang ang tinapos ng 25-anyos na si Obiena sa nabanggit na kompetisyon pero naging dahilan ito para umakyat siya…
Read More31st SEA GAMES KANSELADO
HINDI na matutuloy sa Nobyembre ang 31st Southeast Asian Games sa Vietnam. Sa pamamagitan ng virtual announcement kahapon ay ipinabatid ng SEA Games Federation Council na sa susunod na taon na itutuloy ang regional meet. Gaya sa isang taong na-postpone na 2020 Tokyo Olympics, COVID-19 pandemic ang dahilan sa kanselasyon ng SEAG, na dapat ay gaganapin sa Nobyembre 21-Disyembre 3. Pag-uusapan pa ng SEA Games Federation Council ang bagong date para sa 31st edition ng biennial meet. 165
Read MoreOBIENA, WATANABE PH OLYMPICS FLAG BEARERS
Ni ANN ENCARNACION IT’S final! Sina EJ Obiena at Kiyomi Watanabe ang flag bearers ng Pilipinas sa Tokyo Olympics. Ito ang ipinahayag ni Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino sa virtual press conference kahapon. Aniya, deserving lahat ang 19 Pinoy Olympic qualifiers ngunit kinonsidera ng POC kung sino ang mga mauunang dumating sa venue, na ang opening rites ay nakatakda sa Hulyo 24. Si Obiena ay darating sa Tokyo sa Hulyo 23 bagama’t sa 31 pa ang kompetisyon niya, habang nakabase si Watanabe sa Japan. Naunang napaulat na tumanggi…
Read MorePSA TOP ACHIEVERS FOR JUNE
SA gitna ng pandemya, patuloy na nagbibigay-karangalan sa bansa ang Pinoy athletes. Katunayan nito lang buwan ng Hunyo, ilang Filipino athletes ang nagwagayway ng bandila sa international stage at dalawa rito ay pawang nasa kanilang teen years. Nagpakatatag si golfer Yuka Saso para talunin si Nasa Hataoka sa three-hole playoff upang ibulsa ang US Women’s Open, at maging unang Filipino golfer sa kasaysayan na naging major winner. Sa edad 19, ang double-gold medalist sa 2018 Asian Games, ay tumabla kay South Korean Inbee Park bilang pinakabatang naging kampeon sa torneo.…
Read More